OMG!!! BIRTHDAY KO NA NAMAN!!!Bakit kaya ganon? Ang bilis ng panahon! Parang kelan lang yong sinulat kong countdown to 70... Ngayon, nalaglag na naman ang isang taon! How time really flies!!! At ngayon, kaarawan ko na naman...At lalo na kong lumalapit sa gabi ng buhay ko dito sa mundo...
But of course, I don't have any regret. Ang dami-daming nangyari sa buhay ko. Ang dami kong na-meet na mga tao. Yong iba, matagal ko nang mga kilala. Katulad nong mga ka-batch ko sa Novaliches High School, Batch 69. Imagine after many decades, we met again early this year! We had a wonderful gathering upon the initiative of Levi and Nora Tumang. And what a wonderful get-together we had! Siyempre, through the years, sobrang laki na ng ipinagbago namin. Halos hindi na kami magkakakilala kung hindi pa kami magpakilala...hahaha! May tumaba, may mapuputi na ang buhok, may kalbo, may mga lumaki na ang katawan, lalo na ang tiyan...hehehe...Sobrang saya ng balitaan, tawanan, kainan...at hindi pa kami nagkasya doon sa get-together na yon, we met again...and again..and another one is coming! Nice to renew our friendship after all these years. And for that, I am thankful to the LORD.
Kung may mga old friends akong muling nakita, meron din akong mga na-meet na bago, brothers and sisters in Christ from different places like Hongkong, Macau, Kuala Lumpur. I got to see beautiful places, taste good food, enjoy their different cultures. Pero meron din akong nakilala dito sa iba't-ibang lugar sa ating napakagandang bayang Pilipinas. Ang gaganda ng mga tanawin sa mga probinsiya natin katulad sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Camarines Sur. At hindi lamang ang lugar ang maganda kundi ang mga tao doon. I got to experience their warm, loving hospitality....ang sarap nilang kasama!! Praise God for giving me new friends!
Well, hindi lang naman in person pwedeng makipag-kaibigan. Ang laking bagay ng social media, especially Facebook. Marami akong nakilala through this application. Ang galing. And the world seemed smaller because I can actually talk with the long-time friends who are residing in different parts of the globe. Mas lumawak ang horizon ko dahil sa social media. Salamat sa Lord dahil sa katalinuhang ibinigay sa nakaimbento nitong app na ito.
My 62nd year here on earth conincided with our national elections. Grabeng excitement ang idinulot nito sa ating bayan, at siyempre kasali din ako diyan. Last year, at the early stage of my 62nd year, nag-umpisa na ang kampanyahan. Grabe na ang mga kandidato sa sidhi ng kanilang pangangampanya! At hindi pa man umpisa ng pormal na campaign period, na-meet ko na ang isang kandidata sa Sauyo, Quezon City where my co-intercessor, Mayet and her family lived at that time. Alam inyo ba kung sino ang kandidatang iyon??!
Well, walang iba kundi si....tantararan....LAILA DE LIMA! I got to shake her hands and even made beso-beso with her. Mas mataas pala ako sa kanya, ang napansin ko lang. She was wearing her yellow shirt, kasama pala siya sa line-up ng presidential candidate na si Mar Roxas. At that time, dinilawan din kasi ako eh. Kaya masaya akong nakita si De Lima. Malakas ang partido nila...siyempre nasa administrasyon...backed-up by no less than the president, P-NOY!!
Yon nga lang, out of nowhere, biglang may isang obscure personality ang sukat na bumulaga sa senario. And I know you can guess who he was....then MAYOR RODRIGO ROA DUTERTE!! A dark horse among the candidates....Binay, Grace Poe, Mar Roxas. Ang tindi ng kampanyahan! I for one, didn't like him. Ayoko sa kanya at first, kasi sumasakit ang tenga ko pag nadidinig ko yong mga mura niya! Pero nong tiningnan ko yong mga accomplishments niya as mayor of Davao City for more than two decades, I can't help but be impressed with what he had done in transforming this once notorious city! A big turn about from what it was before it was run by him! Besides, ang daming netizens ang nagcocomment ng maganda sa kanya.