That time when you chose to love a wrong person..
When you'd willingly chose to believe him even though you know it was all a lie..
When you randomly throw yourself at him and he, trying to throw you away..
When you cry yourself outweigh and he as always seems to be happy as tears streaming down your face..
When he doesn't care about you as much as you care about him.
You're definitely both inlove, You with him and him, with somebody else!
Chapter 1
The number you have dialed is cannot be reach..
Bwisit na yan!
Pang sampung tawag ko na to ah.
Mahirap bang sagutin ang tawag o talagang gusto lang akong iignore.
Nakakabanas na ah..
"Last na talaga to, pag eto di pa sumagot babasagin ko na cellphone nito pag nakita ko!" Brutal ba? Well kayo kaya tumawag ng ilang beses sa isang taong akala mo mamamatay kung sasagutin ang tawag. Ano to ? Hollywood Movie lang ang peg?
Okay eto na talaga..
Umupo ako sa bench katabi ng basurahan sa kinatatayuan ko.
Yuck. Ano ba yan, sino bang baluga ang nakaisip na itabi ang basura sa pahingahan.
Bwisit!
*Calling Hannah*
"Hello?" Sa wakas
"Hoy babae, ano ? Ganyanan na lang. Wala ka talagang balak sagutin yang cellphone mo? Aba sabihin mo lang at babasagin ko na yan mukhang wala ng silbi sayo eh. Ang tagal ko nang naghihintay halos mamuti na yung buhok ko kakai---"
"Okay okay i get it Dianne, gosh pwede ba isa-isa lang" Aba sya pa ang may ganang mainis!
"Okay princess Hanna" irap ko. "Ano may balak ka pa bang siputin ako?"
"Oo nga wait lang, si mudra kasi eh ayaw pa kong paalisin pinapabantayan pa yung siraulong kapatid ko"
"Ano ba yang kapatid mo baby eh mas matanda pa sayo yan eh" Grabe talaga tong pamilya ng kaibigan ko nato.
"Eh kilala mo naman si Kuya eh, di yun papayag na maiwan dito habang di pa sya nagigising"
"So ano? Hihintayin mo pang magising yang kapatid mo na yan bago ka makarating dito?" tanong kong iritado na talaga.
May umupong babae sa tabi ko, tinignan ko ito at mukhang estudyante ito ng katabi naming school.
"Oh ano, Hanna?"
"Ah Parang ganun na nga" Susme!
"Hay naku, pupunta na nga lang ako dyan sa inyo, baka tumirik pa buliga ko dito eh"
"Haha luka luka, sige punta ka nalang dito"
"Paghanda mo ko pagkain yun na bayad mo, pinaghintay mo ko ng matagal tas hay basta."
"Oo na sige na sorry na" Pagaalo ni hanna sakin.
"K. Bye na"
Pinatay ko ang cellphone ko at tumayo.
Bwisit talaga yung babaeng yun. Pwede naman kasing sabihin na hindi sya makakapunta..
Palakad na sana ko papunta sa terminal ng jeep ng marinig kong sumisigaw yung babaeng katabi ko.
"What? Are you serious? Youre just breaking up with me without a reason?" Englishera si Ateng. Ang taray!
"What did i do wrong baby?" Ay baby daw sweet naman.
"I thougth we were fine, we just had an amazing evening, you let me give you blo---" Gosh naman. Makaalis na nga, nadudumihan ang malinis kong budhi sa pinagsasabi ni ateng!
Habang naglalakad ako nagpatuloy pa rin sa kakasigaw si ate, sana lang di masira eardrums nung kausap nya
Pagkarating ko sa Terminal agad akong sumakay ng jeep patungo sa bahay nila Hannah! Lintek talaga nagkadoble doble pa pamasahe ko..
Basta para sa project at grade. Keri to! Isip isip ko.
Umupo ako sa may bandang dulo ng jeep para madaling makababa..
*20 minutes later*
"Manong para po" Sigaw ko kay kuyang driver.
Huminto si Manong sa tapat ng isang exclusive subdivision. Bibihira lang ang mga pampasaherong sasakyan ang dumadaan dito dahil karamiha ng nakatira sa area na to ay mga de-kotse.
Yes my friend Hanna Fox is a rich girl. A half American Half pinay.
No wonder sobrang pabebe ng babaeng yun dahil talagang bebe naman sya.
Is that even make sense? Well whatever..
Naglakad na ko patungo kay manong guard na bantay sa may engradeng gate ng subdivision nato..
"Id mo miss?" Sabi ni kuyang manong guard.
"Here" sabay abot ko sa kanya ng aking identification card.
"Dianne Lyn Jimenez. Student of Kleinsfield University. Okay miss? Sino ang sadya mo dito?" Tanong ni Manong guard.
"Hanna Fox. Shes my classmate and were supposed to do our project at their house" Utas ko.
"Okay. Just leave your identification here and sign this" May inabot na papel sakin si Kuya. Englishero ang putek.
Pumirma ako doon at binalik sa kanya ang papel bago umalis.
"Thanks, Manong. Bye. Yung id ko ah wag mo iwawala"
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa bahay nila Hanna, di ko maiwasan mamangha sa linis at ganda ng mga bahay na nakalagay dito.
Bawat gilid ng daan ay may mga pine trees na nakapalibot feeling ko tuloy nasa isa akong episode ng korean movie. Sobrang peaceful.
Huminto ako sa three story house na kulay fuscha ang kulay. Nagdoorbell ako at naghintay ng sasagot.
*dingdong*
Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang maid nila Hanna na si Mrs. Acosta
"Hi Dianne. Si Hanna?" Tanong ni manang. As if may iba pa kong kailangan sa bahay na to. I refused to roll my eyes.
"Yes. Nasa kwarto nya ba sya Manang?" Tanong ko habang pumapasok sa bahay.
"Ah. Oo, ano tawagin ko na lang o ppunta ka sa room nya?"
"Punta na lang ako sa room nya manang, thanks ha"
Umakyat ako sa engrandeng staircase ng bahay na to. Grabe halos lahat ng gamit parang ginto ang presyo.
Nadaanan ko sa hallway ang isang family portrait na nakalagay sa dingding ng family room nila. Tinignan ko ito. Tatlo silang magkakapatid. Dalawang lalake at isang babae..
BINABASA MO ANG
Love Hurts
Teen FictionEverybody has that unrequited love. Everybody knows that Love can truly hurts...