Simula nang basahin ko ang Montello High: School of Gangsters. Si Jin Cast agad ang una kong napansin. Yung tipong hindi na kompleto ang bawat oras ko kapag hindi ako nakabasa ng kahit isang linya galing kay Jin, Though isang araw ko lang binasa lahat yun. Hindi ako natulog sa gabi matapos ko lang, Kahit pagkagising ko ay maging bangag ako. Okay parin sakin yun. At kapag namimiss ko siya paulit-ulit ko pang binasa ang mga eksena at linya ni Jin. Hindi ako nagsasawa. Hahaha!
Madami nakong nabasa na other guys sa iba't ibang kwento dito sa wattpad, Pero siya at yung mga linya niya ang talagang hindi ko makalimutan. Ang swerte ni Summer na may Jin Cast siya, Kahit na parati niyang binabara hindi parin natitinag sa kakabunto't sakanya. Haaaaay, Nakakakilig na nakakalungkot na nakakaiinggit. Pero hindi ako bitter kay Summer. Idol ko yun eh. :D
At sa sobrang obssessed ko sakanya, Sa bawat GM o Group Message ko simula ng nabasa ko ang story, Hindi na nawala ang pangalan ni Jin Cast, Kadalasan nga hindi na nila naiintindihan yung mga pinasasabi ko. Maging sa post ko narin sa FB, May Jin Cast din. Buti may naglalike pa kahit di naman nila naiintindihan. :D
At naisip ko rin, Kung totoong tao si Jin at kapag nageexist siya sa mundong ating ginagalawan baka naging Artista siya o hindi kaya naging Model o Sikat sa campus, Sabihin na nating Suntok sa buwan parin siya. Ajuju!
Ginawa ko to para may mapaglabasan ako ng aking nararamdaman. Ganyan ko na po kamahal si Jin Cast. :D
At nung latest chapter na nabaril siya sobrang nagalala ako. Nyaha! Ang oa ko nuh? Feel na feel ko kase. At kung mamamatay man siya, Siguradong magkakaroon ako ng heartbreak. Sana naman wag mangyari yun. TT.TT
Nasa kanya na ang lahat. Haaaaay, Yung iniisip ko palang siya'y ngingiti ngiti na ako sa sulok. Ganun din kapag badtrip ako. Isipin ko pa lang siya Goodmood na agad ako. Sana nga wag ng matapos ang Montello High. Hinding hindi ako magsasawa. *0*
Isipin niyo ng ginawa ko ito para magpapansin, Wala akong paki. Nasa democratic country naman tayo eh. Hindi ba pwedeng magexpress ng aking lihim na pagsinta? Hindi na pala lihim dahil linantad ko na. :)
Nagpapasalamat ako sa sobrang galing na Author ng story. Grabe, Two thumbs up po. At dahil sakanya nagkaroon ako ng kaligayahan. Hinding hindi ko makakalimutan si Jin Cast, Nasa top1 siya ng list ng Ideal Guys ko. ^_______^
Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos kong itype to. Hihihi! *0*
At siya din ang The Best Gangster Guy for me. Lahat ng bagay na tungkol sakanya. Love ko. Haaaaaaaay. :)
Dearest Jin,
I love you. :) :* ♥
Love, Your number 0 Fan. ♥
Sige, Hanggang dito na lang. Bow! :)
#JinCast♥

BINABASA MO ANG
Dearest Jin Cast of Montello High
Historia CortaAng kwento ng Pag-ibig ko para Kay Jin Cast ng Montello High: School of Gangsters. ♥