[Selena's POV]
"C'mon guys! Let's parteeeeeyyyyy! Woohoo!" Itinaas ko pa ang mga kamay ko at umindak indak, paikot ng paikot hanggang sa mahilo ako. This is the best night ever! Successful ang naging launching ng bagong album ko.. Selana@27.
Ten years na din pala ako sa showbiz and so far, so good. Living in a world full of Money, Fame, is the life I've been dreaming! Ito ang buhay na hinding hindi ko ipagpapalit kahit kanino. Kahit na sobrang daming bashers ko ang pilit akong hinahatak pababa, hindi nila ako kayang patumbahin.
I perform locally and internationally. I've met Justin Bieber, Charlie Puth, Sia at ilan pa sa mga bigating stars sa hollywood. Who would dare to brand my name as cheap singer of the Philippines kung ang kahilera ko sa kasikatan ay mga hollywood stars di ba? I even meet my twinsis Selena Gomez. Fine, maganda sya, sexy, but this half Brazilian, hald filipina beauty will not let her win! Ako pa din ang pinakamaganda!
"Selena, you're drunk!" Sabi ng manager slash Best friend kong si Bettina. Inalalayayan pa nya ako ng maramdaman kong matutumba ako mula sa pagkakatayo ko.
Hinawakan ko ang balikat nya at ngumiti ng matamis. "Betty, I owe you this! Big time! Kung hindi dahil sayo, hindi ako madidiscover at hindi sisikat ng ganito. Every body loves me! Cheers!" Itinaas ko pa ang kamay kong hawak ang wine glass. Malakas pa rin ang tunog ng banda na halos bumasag na sa ear drums ko. But I don't care. As long as everyone's happy and I am happy.
Kung hindi dahil sa hilig ni Betty na kunan ako ng video habang kumakanta ako sa videoke at iuupload sa youtube, hindi siguro ako madidiscover ni elen de generes. And that's how my career started ten years ago. Sobrang bilis ng pagsikat ko. Dahil siguro maganda na din ako kaya dumami ang offer saken ng mga recording studio. Nakailang gold, silver and platinum record na din ako.
"Baka hanapin ka na ni Bry" wika pa nya na may halong pag aalala. Bryan is my pseudo boyfriend. For publicity lang ba.
Sumimangot ako. "Kailan pa naging KJ ang pangalan mo?" Ininom ko ang hawak kong alak at saka umalis. Medyo nahihilo na ako pero kaya ko pa naman ang sarili ko.
Inisang lagok ko ang hawak na wine ko. Humahagod sa lalamunan ang lasa nito. And it feels good! Sinubukan kong lumakad pero nakaka isang hakbang pa lang ako ay halos matumba na ako, buti na lang at may sumalo sa akin. Napakahawak ako sa braso nya.. matigas, pinadaanan ko ang kanyang katawan, malaki at malapad ang balikat nya. Ang macho naman ng lalaking ito.
Dinala ko ang aking mga mata sa mukha nya at napaayos ako bigla ng pagkakatayo dahil sa kanya. Sino ba kasing nag imbita dito?!
"Mukhang lasing ka na ah." Sabi pa nya na may halong pang aasar. Tiningnan ko sya ng masama.
"I've never been drunk.so shut up! Ano ba kasing ginagawa mo dito Alexander the Great?!" Sabi ko pa na may halong pang aasar.
Narinig ko na naman ang malutong nyang halakhak. Ugh! Bakit kasi ang sexy nyang tumawa?! No! No! Hindi pwede to! Selena, kaaway sya! Kaaway!
"Palabiro ka pa din Selena. "
"Mukha ba akong clown?!"
Naging seryoso ang mukha nya at nawala ang mga ngiti sa labi nya. He crossed his arms in front of his chest.
"Yes...but you are the most beautiful clown I've ever seen."
*Dug dug, dug dug, dug dug*
Bakit ba nag ririgodon ang puso ko? Hello! Hindi lang sya ang nag ccompliment sayo Selena, pero bakit bumibilis amg tibok ng puso mo kapag sya ang nagsasalita. Nawawala ang lahat ng katarayan mo sa buhay. Nawawala ang poise mo!
BINABASA MO ANG
SELENA
RandomLost and Found Series Selena fall in love at a young age. She started to built dreams para sa kanya at sa lalaking mahal nya. But turns out na niloloko lang pala sya. She moved on, look forward and live her life again. Pero kung kelan okay na ang l...