Entry 3

122 7 4
                                        


LETTER FROM THE FUTURE

Entry 3


Napahiga ako sa kama ko.



He is absent today...

Kakauwi ko lang galing school, at kahit katiting na anino ni Harold, wala akong nakita.

Naramdaman kong lumakas yung kaba sa dibdib ko. It's happening...

That letter is the REAL DEAL.



Kahit di ko lubos maisip, pero totoo... lahat ng nangyayari. It can't be considered a coincidence anymore.


This is creepy... paano 'to nangyayari sakin? Ako ba talaga ang nagpadala nito galing sa future ko? Is this letter advising me so that I won't have mistakes in my life like she did?


Napabuntong hininga ako at binuklat ulit yung sobre at kinuha ang susunod na page, handa na kong malaman kung anong mangyayari.



              I'm hoping you didn't left him alone that day. Did you? Oh please... Noong araw na 'yun, his physical health was at its worst. Nung iniwan ko siya, I found out that he collapsed. Pero dahil kakaunti lang ang tao dun sa lugar na 'yon at hindi masyadong dinadaanan ng mga tao, hindi siya agad naisugod sa ospital. Nadala siya sa ospital 1 hour after he collapsed...



Napahawak ako sa bibig ko.

No way...

Harold collapsed!?


Dahil iniwan ko siya, wala siyang kasama kaya hindi siya agad naisugod sa ospital? Feeling ko nag-stop yung puso ko. I'm more shocked than how I expected to be...


            Noong nabalitaan ko yon, sobra akong nakonsensya. Sinundan niya ko sa isang lugar na di dinadaanan ng tao, at iniwan ko pa siya don. So, I went to his house to check on him.


So yung future na ako, pinuntahan siya sa bahay nila... Kung pumunta din kaya ako?

Tinapos ko munang basahin yung next page, para alam ko yung events ngayon. After that, bumaba na ko at nagpahatid kay Kuya Edgar sa bahay ng blockmate ko.


Tinawagan ko si Grey, at dahil marami siyang connections, nahanap niya yung bahay ni Harold. Pinuntahan ko yun.


Natakot ako.

Kahit alam ko na kung ano ang mga events ngayong araw na 'to, my heart wouldn't stop beating. Parang kabayong hinahabol...


I pressed the doorbell two times.


May lumabas na isang kasambahay at nginitian ako.


"Good afternoon, anjan ho ba si Harold?" Tanong ko dito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LETTER FROM THE FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon