Chapter one
awtssuu~!
Sakit ng ulo ko. Mukhang nahulog na naman ako sa kama. Huling nangyare sakin to nung first day of school nung 4th year ako, every first day of school naman laging ganon ang habit ko. Untog muna ulo bago bumanggon hahaha.
Shoot!
First day nga pala ngayon sa LPU! ow yes~
Sa lyceum ako! Gusto ko nga sana DLSU o kaya naman UST para katulad kay rizal haha! Kaso inenroll ako ng mga magulang ko sa LPU sa manila -_____-
Doon daw kasi nagtapos ang aking pinakamamahal na daddy~ at tsaraaaan!
Late na ko! Sadyang Ulyanin na ko kahit hindi pa ako matanda hehehe~
Ako nga pala si Juniel Amie Veloso. turning seventeen next week. Pero di sakin uso ang magcelebrate ng birthday at hindi din uso sakin ang nagtatanong kung bakit. Lahat naman daw kasi may reasons, pero dapat ikaw ang humanap ng rason sa tanong mong bakit. kung tinatamad ka edi .. WAG KA NA MAGTANONG NG BAKIT! haha! promise hindi ako galit. Masaya lang ako kasi katatapos ko lang maligo at feeling fresh ang aking body ^_____^
Pagkatapos kong magbihis ay agad na kong umalis ng boarding room na mistulang magiging tirahan ko for a year (malayo sa mga magulang ko :'( feel so independent). Naayos ko na kasi nung isang araw pa yung mga gamit ko. Hindi na rin ako kumain ng breakfast kasi plano na talagang kumain na lang ako sa school pagkadating ko. Oh diba? ang saya -_- Bagong tulugan pero walang kasama(except sa caretaker sa baba), Wala pa kasi akong room mate e (mas mabuti) tapos wala pang pagkaen kaya napilitang buong araw sa school ako kakaen . Breakfast, Lunch at dinner ^___^ oh diba~
Naglalakad lang ako papuntang campus para tipid. Kailangan ko na rin kasing magIpon since malayo nga yung mga magulang ko sakin. Parang independent na nga pero parang hindi. Ay basta! basta basta! basta hindi ako independent dahil kailangan ko parin ng tulong ng mga magulang ko. Atska pangIpon ng ticket sa upcoming concert ng mga idols hehe. Di ko kasi hawak yung schedule ng mga concert dito kaya kung anong matripan, yun na lang hehe ^^
At sa wakas! Isang step na lang bago ako makatapak sa main gate ng LPU! Huminga muna ako ng malalim bago humakbang ng isa at taran~
"HI LPU! ANDITO NA ANG PINAKAMAGANDA SA LAHAT KAYSA KAY ANNE CURTIS! AKO SI JUNIEL AMIE VELOSO! ANG PINAKAMAYAMAN SA LETTER I AT E! junIEl amIE! SAAAALLLLAAAAMMMMAAAATTT~!"
oh diba? muntanga lang. Wala akong pake kahit nagtatawanan at nakatitig na sakin yung mga nakapaligid sakin. Proud kasi ako dahil nakatapos ako ng highschool ! at nakapasok ako dito kahit labag sa kalooban ko! NAPAKAGALING TALAGA NG MGA MAGULANG KO! Madali nila akong nauto! Dito daw kasi nag-aral si Michael Jackson nung Highschool -____-
Ito ako. naniwala. Sino ba naman kasing mag-aaral ng highschool sa isang university?!? at michael jackson pala talaga ah~
With poise pa lakad ko ^_^
Walang tatalo sa confidence ko huh!
Kailangan may kaway kaway pa na parang miss universe lang ang peg. Or should i say parang nangangampanya lang ahaha!
Hanggang sa gitna ako ng paglalakad e nakaramdam ako ng bigat sa paa ko.
Hinakbang ko ulit ng isa. At talagang dumikit pa yun sa sahig ng hallway. what the fudge!? kulay pink na violet? Kanino naman tong bubble gum?!?
Itinaas ko ang sapatos ko at bahagyang tinanggal yung nakadikit na bubble gum sa ilalim ng sapatos ko saka tinapon sa basurahan. Wala ng arte arte ano ba! Kaysa naman sa maglakad ako ng dikit dikit yan o kaya naman ikuskos sa kung saan. Buti na nga lang walang laway -_____- mukha naman atang nahulog lang tapos tinapon. Kaya~ nagpatuloy na ko sa paglalakad .