Kaibigan

30 1 0
                                    

Bakit ganon ? Hindi mo ba napapansin ?
Na ako sayo'y may pagtingin.
Masakit mang isipin,
Na ang pag-ibig mo ay para sa kanya at hindi para sa'kin.

Noon palagi tayong nag-uusap sa telepono,
Nag-uusap na parang mag-nobyo.
Pero ngayon ginagawa mo na ito sa isang tao,
Isang tao na minamahal mo ng totoo.

Kitang-kita ko sa iyong mga mata,
Na ika'y masaya kapag kasama mo siya.
Parang buhay mo ay kompleto na,
Dahil nakilala mo ang babaeng para sa iyo talaga.

Pero bakit ganon? Isang araw meron akong nakita,
Nakita ko ang mga mata mong lumuluha.
Para bang may importante sa'yong kinuha,
Yun pala iniwan ka ng babaeng minahal mo ng puso't kaluluwa.

Nalulungkot ako kapag nakikita kang ganyan,
Gusto kong lumapit para ika'y damayan.
Pero sino ba ako para ika'y lapitan,
Kaibigan lang ako na umaasa sa kawalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon