HOW WILL I FORGET YOU (ONE SHOT STORY)

105 7 7
                                    

~ Bawat araw sinusundan

'Di ka naman tumitingin

Ano'ng aking dapat gawin

Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin

Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin ~

Lahat na ginawa ko na! Bakit di mo pa rin ako pinapansin? Tumalon talon na ako, tumakbo, nagocho ocho, spaghetti …. joke!

~Ginawa nang lahat, nagpa-cute na sa'yo 

Pati shampoo ko pinalitan ko na rin 

Tignan mo ang buhok ko, pansin na pansin  ~

Haha… nakuha ko pang kumanta. Anyway, bakit ba kasi?

Hindi mo ba ako type?

…. may girlfriend ka na ba?

Or….

BAKLA KA BA?!!

Ano ba yan? Hindi siya bakla noh?! Wag ka nga magisip ng kung anu ano! Heto, na naman ako. Nakikipagtalo na naman ako sa sarili ko. Haay…. Baka nga siguro di mo ko magugustuhan or mapansin man lang kasi masyado akong simple, may salamin (pero di ako nerd), payat at hindi palaging nagaayos. Basta! Ang plain plain! Eh siya, gwapo, maputi, brown eyes…. lahat na! Parang perfect siya sa paningin ko.

Nakalimutan ko pala magpakilala. Ako nga pala si Angel. 4 years ko ng crush si Lawrence. Di ko nga sure kung crush lang ba to or higit pa dun. Hindi ko kasi maintindihan yung nararamdaman ko.

~hindi ko maintindihan minsa’y gulong-gulo bigla na lang naramdaman nanlilito ang puso ko ~

Ni hindi ko nga alam kung paano ko naging crush yung lokong yun eh. Loko talaga eh noh? Kasi naman eh! Nakakaloko talaga siya. Nakakabaliw siyang tignan. Hinding hindi ka talaga magsasawa sa kakatitig sa kanya.

Sa apat na taon ko yang crush, wala akong ginawa kung di tumingin lang ng tumingin sa kanya. Hindi pa ako dumada moves. Hehehe….

Pero hindi nga ako kilala nun eh. :( Sa mukha, alam kong oo kilala niya ako. Kasi nakikita naman niya na kasama ko yung kapatid niyang si Lira, my best friend. Pati name ko ata alam niya. Kasi kapag tumatawag ako sa bahay nila, minsan siya ang sumasagot. Boses pa lang niya ang naririnig ko kinikilig na ako. Ayieeee!!! Kahit di ko nakita yung mukha niyang napakagwapo, boses lang marinig ko sapat na.

Parehas nga kami ni Maui, best friend ko rin, na may crush dun sa kuya ni Lira. Pero ngayon di ko alam kung may crush pa rin siya. Ang gwapo kasi niya eh! Sabi nga sa akin ni Lira bakit ko raw yun nagustuhan kasi ang pandak daw at super yabang. Sus! Ok lang yun. Height doesn’t matter.  At saka konti lang naman yung lamang ng height namin. Konting konti lang. Pero sa totoo lang ayoko sa mayayabang. Pero kahit ganon siya, tanggap na tanggap ko siya. Di ko nga alam kung bakit eh.

 --------------------------------------------------------------------------------------------------

“Kakalimutan ko na siya.” sabi ko kay Lira

“Tss…. pang ilang beses mo na yan sinabi. Siguro nga pang 100x na yan. Haha….”

“Meganon? 100x talaga?”

“Bakit ba kasi gusto mo siyang kalimutan? Hindi ko talaga maintindihan.”

Oo nga. Bakit nga ba? Siguro pagod na ang puso ko sa kahihintay?

HOW WILL I FORGET YOU (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon