Barbecue

2 0 0
                                    

Sa kanto ng subdivision namin, may makikita kang nagtitinda ng iba't-ibang ihaw-ihaw tulad ng barbecue at isaw. Madalas ako bumili ng barbecue dito dahil ang barbecue ay 20 pesos tatlong piraso at wala pang taba tapos pag nginunguya mo natutunaw nung lasa sa dila mo hindi tulad ng iba nangalay ka na kakanguya buo pa rin ito. Hindi ko pa natitikman nung isaw pero nung itsura niya mga tatlong tuhog lang kase masyadong makapal. Dating gawi, dumaan muna ako kela Mang Boy para bumili ng barbecue. Sa dami ng bumibili sa kanya, ang tinabi na barbecue na lang para sa akin ang natira kaya nagsasara na rin si Mang Boy. Kinagabihan, walang pasabi na dumating ang mga kamag-anak namin galing probinsya kaya agad-agad na nagpabili ng barbecue si Mama sa Zapote. Bakit kailangan sa Zapote pa kung nasa bukid lang naman katabi ng subdivision namin ang bahay ni Mang Boy? Kumakatok ako sa pinto niya pero walang sumasagot. Kaya pumunta ako sa likod bahay inaasahan ko na may kulungan ng baboy dahil may naamoy akong napakasangsang na amoy. Ngunit isang maliit na barong barong ang nakita ko, nakaawang ang pinto kung kaya't pumasok na ako. Isang tili na galing nga ba sa akin, ang umangalingawngaw dahil tumambad ang isang ulo ng taō na nakasabit sa meat hook.

BarbecueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon