Chapter 60.5. "Blue"

23.9K 188 28
                                    

Haay hindi na ako makakasali sa cheering </3 and that means makakapag-update pa rin ako

regularly kahit may pasok na.

Happy New Year to all, here’s the update :)

Vote and comment po.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Chapter 60.5. “Blue”

 

Ewan ko kung saan ako dadalhin ng paa ko basta ang alam ko nalang eh nasa kalsada na ako.

Mukha akong tanga dahil kalat-kalat na ang make-up ko at naka-gown pa ako.

Pero wala akong paki.

I’m feeling blue today.

Pagsama mo pa lahat ng synonyms niyan at yun ang nararamdaman ko ngayon.

Ang sama-sama ng lagay ng puso ko.

Two years.

Two years akong nag-intay tapos makikita ko nalang na engaged na siya kay Ayka?

Na pinapakita niya sa magazine kung gaano siya kasaya na si Ayka ang mapapangasawa niya?!

Anong nangyare sa kanya?!

Nabaliwala ba ang pag-aantay ko sa kanya?!

Wala na ba talaga akong halaga kaya ganun nalang niya ako kadaling itapon!?

GANUN BA YUN?!

“Hi Miss”

Napatingala nalang ako at nakita ang sarili ko na nasa eskinitang napapaligiran ng mga lalaking hindi ko

maaninag ang mukha.

Wala akong nararamdamang takot.

Hindi ko maramdaman ng dahil sa natatabunan ng sakit at lungkot ang buong pagkatao ko.

Umakbay sa akin ang isa.

“Baka gusto mong lumigaya ang buhay mo? Wag mong sayangin ang mukha at katawan mo” sabi nung isa

Wala na talaga akong pakialam.

Gawin na nila ang gusto nilang gawin.

Patayin nila ako kung gusto nila mas mabuti pa nga ng hindi ko maramdaman itong sakit na ito.

Ganun pala pag-sobra kang nagmahal ano?

Pag nasaktan ka sobra-sobra din pala.

Tandang tanda ko pa ang mga sinabi ni Blake sa magazine na siyang ikinasakit ng puso ko.

Ayka was there during the times that I need someone to lean on especially when I’m still suffering from my sickness before. She never left me that’s why I’m glad that she is my fiancée. She even gave me this necklace!

The Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon