Lucky (Chapter 1)

15 1 0
                                    

Lucky (Chapter 1)

**

"Ay kalabaw!" kasi may nakabangga sa akin. Tuloy nahulog yung mga libro ko. "Ay sorry ah kasi nagmamadali ako eh" sabi nung lalaki pero hindi ko na pinansin yung mukha pero pamilyar yung boses eh.

Si FRANCISCO! Wait lang! Wait lang!. At hindi ko na siya naabutan. "Ay sayang ano ba yan!"

Paguwi ko sa bahay kwinento ko na agad kay Mama yung nangyari ngayong araw na ito. Si Mama lang nman kasi yung nakakausap ko kasi si Papa nman ay sobrang BUSY sa work niya.

Pagkatapos kong naikwento kay Mama yung nangyari ngayon ay dumeretso agad ako agad sa kwarto ko para makagawa ng assignments ko.

Pagkatapos kong ginawa yung mga assignments ko. Kinausap ko nanaman yung sarili ko. "Tinulungan ako ni Francisco kanina,may gusto kaya siya sa akin?"

Mary Jo Ostrea naman eh! Napakaassuming mo talagang babae ka. Sabi kasi nila bihira lang daw silang pumansin ng babae sa barkada nila.

Sa barkada kasi nila pito silang bad boys ng school na to. Si Nathaniel,Hendrick,Jazz,Louie,Zane,Julian at syempre si FRANCISCO. Sila ata ang pinakasikat sa school nmin kasi sila yung isa sa mga pinakamayayaman at pinakagwapo sa school nmin.

Sa sobrang kaassumingan ko naman ay may magkakagusto ba sila sa akin dahil lang sa lagi nila ako nilalapitan. Lalapitan lang naman pala nila ako para lang magpaturo ng assignment nila.

Eh bakit kasi hindi sila magpaturo kay Francisco ? Siya lang kasi ang matalino sa kanilang pito eh! Pero si Francisco din kasi ang pinakatahimik at pinakamabait sa kanila eh.

Bakit ko ba kasi naging crush yang FRANCISCO ATIENZA na yan! So ako lang ata ang nerd na may crush eh!

Pero kahit ganito ako, may friend pa din nman ako eh pero hindi kami close friends. Magisa ko parin nman kumakain kapag recess at lunch eh.

Mabait nman siya eh. Kaya lang hindi kami parehas,isa siyang fan girl. Fan girl siya ng barkada nila Francisco!

At dahil mabait siya,siya lang ang may alam na crush ko si Francisco maliban nalang kay Kuya at Mama.

Uwian na pala,kainis nman. Imbis na makakasama ko pa siya ng maraming oras eh.Pero dadaan muna ako kay Ms.Janette kasi pinapatawag niya ako.

"Mary,may I talk to you for a minute?" Kinakabahan tuloy ako sa kung anong sasabihin ni Maam. "Kung okey lang sayo na ikaw nalang ang sinali ko sa Quiz Bee at Essay Writting kasi ikaw lang nman ang pinakamagaling sa klase ko eh". "Okey lang nman po Maam" sabi ko. Kala ko nman kasi kung ano ang sasabihin ni Maam.

"By the way, by pairs pala yun kaya wag kang mag alala". pahabol ni Maam Janette. "Eh Maam sino po yung partner ko?".tanong ko kasi kinakabahan din ako kasi gusto ko mas matalino sa akin."Uuhm wait lang titignan ko yung list". "Ka-partner mo si Francisco Atienza from Section 5".

Halos mapatalon nalang ako ng sinabi ni Maam Janette yun sakin.Ang saya saya ko nung pauwi na ako ng bahay kasi nilalakad ko lang nman yung bahay nmin eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon