Yessss!! You gotta believe, this ! Kami na ni Kyo, sinagot ko na sya Hope!
- Hindi ako kaagad nakapag salita. Sinagot nya na si Kyo?,sila ni Shara? Pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko. Wala na ang lalaking Mahal ko, wala ng pag-asang maging kami dahil ngayon ay sila na ng kakambal ko!Hey are you OK?, wala ka manlang bang sasabihin? Hindi mo ba ako I co-congratstulate? - naka ngiti sya habang naka tingin sakin, nag-iwas naman kaagad ako ng tingin. Ayokong makita nya ang sakit na bumalatay saking mga mata, at ang nag-babadyang luha ko. Ba kahit anumang oras ay kusa ng tutulo.
Syempre naman, co-congrats! I manage to say, kahit parang binibiyak ang pakiramdam ko. Hindi ko maaring ipahalata na sobra akong nasasaktan ngayon!
Thank you, Hope alam mo naman Kong gaano ko kamahal si Kyo diba? Noon pa man pangarap ko na talagang maging Boyfriend sya. Thank you sa lahat ng tulong mo ha? Kundi dahil sayo hindi magiging kami. She hugged me tightly and I stiff for a seconds, bago ako gumanti ng akap sakanya, yeah ako ang naging Anino nilang dalawa. Tulay Kumbaga, Oo sabihin na nating tanga ako!
Pero matagal ko ng alam na Mahal ni Shara si Kyo, at si Kyo naman ay nagkataong Classmate ko. Kaya saakin humingi ng pabor ang kakambal ko para ma pa lapit Kay kyo. Pero hindi ko rin alam kung nanadya ba ang panahon, dahil humingi din ng pabor sakin si Kyo. Para naman maka lapit sa kapatid ko.
Masakit Oo, dahil matagal na akong may lihim na pag-tingin sakanya pero anong magagawa ko. Mahal sya ng kapatid ko. At mahal din nya ang kakambal ko.
Anything for you Shara, I know that you love him that much. Sa-sana na-mahalin mo sya para sa--- unti-unti ng bumuhos ang mga luha Kong kanina ko pa pinipigilan, shit bakit ang sakit?
Hey? Are you crying? Why? Agad naman nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka ako pinagka titigan, Napa iwas naman ako agad ng tingin. Saka pinilit na ngumiti.
Wala to, tears of joy. Dahil sa wakas hindi mo na ako kukulitin, hinggil Kay Kyo! Pilit Kong pina sigla ang Bose's ko.
Alam mo utang ko talaga ang lahat sayo, Hope thank you talaga! Then she hugged me again. Kung alam mo lang Shara, Kung alam mo lang Kong gaano ako ka durog ngayon!
Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay narinig ko kasing susunduin ni Kyo sa bahay si Shara, hindi naman ako masukista para hintayin pang ma saktan ako sa kung anuman ang makikita ko sakanila. Bakit ang unfair ng tadhana? Simula pagka bata lahat ng gusto ko ay na pupunta Kay Shara?
Kagaya na lang ng atensyon ng mga magulang namin. Si Shara parati ang pinag-tutuunan nila ng pansin, kesyo matalino raw, maganda at kung anu-ano pa. Ako naman ang nag-sisilbing anino nya, nakikita nga pero hindi naman na bibigyang pansin. Well sino nga ba namang mag-bibigay pansin sa isang katulad Kong nerd? Hindi kagaya ni Shara sopistikada kung manamit. Which is gustong-gusto ng parents ko.