The EncounterHalos magkanda dapa-dapa ako sa pagtakbo para habulin ang sumasarang elevator. 15 minutes na lang kasi at mali-late na ko sa interview ko today. I actually woke up early but the traffic here in Makati is really heavy. Buti na lang naka loose beige blouse ako at loose black slacks, naka flat shoes din ako kaya I can run in full speed. Mukha pa din naman semi-formal ang attire ko na pinatungan ko ng blazer. I am applying for a secretarial job here in Saverde Shipping Lines.
Their HR Manager called me yesterday, may nag resign daw kasi kaya nangangailangan talaga sila agad na papalit na secretary. Matagal ko ng pangarap na makapagtrabaho dito sa Saverde Shipping Lines, ito kasi ang isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas.
May mga kakilala ako na dito din nagtatrabaho sa ibang branch nga lang. They have offices in Quezon City, Cebu and Davao pero itong nasa Makati ang main office nila at ang pinaka malaki.
I hurriedly went in the open elevator. I pushed the button for the 32nd floor.
Napasuklay ako sa buhok kong nakasabog sa mukha ko. Siguradong mukha na kong bruha nito. I checked my watch again, may 10 minutes pa ko para mag ayos. Not thinking if there are other people inside the lift, I decided na sa loob na lang ako ng elevator mag retouch.
I comb my hair, re-apply my lipgloss, nag powder din ako dahil siguradong my pawis na ang mukha ko dahil sa pagtakbo ko kanina. Sa pagmamadali kong ibalik ang mga ginamit ko sa bag ko hindi ko sinsadyng mahulog ang mga yon. Akmang yuyuko na ko ng may magsalita sa likod ko.
"Nice ass". Biglang nag init ang mukha ko at siguradong pulang pula na ang tenga ko. Pakiramdam ko umuusok din ang ilong ko sa inis. Isa isa kong pinulot ang mga gamit kong tumilapon sa sahig at iniligay ko ulit ang mga iyon sa bag ko.
Tumilapon ang mga mapuniring mata ko sa lalaking pinanggalingan ng nakakainis na tinig na yun. Nakasandal sya sa dingding ng elevator habang hinahagod ng tingin ang katawan ko. I gave him a poker face.
My eyes roamed to the Greek-god standing before me. He is wearing a black polo shirt paired with khaki pants and sneakers. He's wearing his Ray-Ban. Kaya hindi ko makita kung anong ekspresyon meron ang mga mata nya.
Feeling naman tong lalaking to nasa loob na lang elevator naka shades pa. At ang hudyo nagawa pa talaga akong ngisihan.
I decided to look away. Nandito ako para magtrabaho hindi para sa kung anu-anong bagay. Ipinasya kong wag na lang pansinin ang lalaking yun bago pa tuluyang masira ang araw ko. I just pretended na guni guni ko lang sya.
"Or maybe I should take that back." Ano daw? I suddenly feel the urge to punch someone's face. Lumingon ako sa pwesto nya at nginisihan sya. Anong ibig nyang sabihin, pangit ang pwet ko? Sino sya para laitin ako? Ang manyak nya!
"Hoy lalakeng naka shades sa loob ng elevator, bago pa kita ireport sa pagiging manyak mo, itikom mo yang bibig mo. Hindi ko alam na tinatanggap pala ng CEO ng kumpanya na to ang mga manyak na katulad mo!" Inis na inis ako sa kanya. Kung hindi lang siguro ako nagmamadali, hinatak ko sya palabras ng elevator.
"I am stating the fact here. I thought you have a beautiful body. You are hiding your big fat ass with that loose slacks and your big round belly with that loose blouse." Sunod sunod pang sabi nya saken. Pero kataka takang wala akong mahimigang panlalait sa sinabi nya. Para bang iyon ang pinaka totoong bagay sa mundo. Ang lakas makapag bigay ng adjective ng hudyong to.
Pinalaki ako ng mga tita kong maging palaban. Na pag nasa tama daw ako wag akong magdalawang isip na lumaban. Pero hindi ko alam kung bakit naumid ang dila ko, pakiramdam ko may malaking bagay na nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.
Sanay na kong kutyain ng mga tao na nasa palagid ko, para kasi saken wala akong pakialam sa mga iniisip nila. Wala kasi silang alam. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong hiya. Pakiramdam ko nanliit ako. Pero hindi ko pa rin ipinakita sa kanyang apektado ako.
"Hoy mister na akala mo, model ka ng elevator, bulag ka nga siguro kaya ka naka shades at hindi mo tuloy makita kung anong meron ako!" Buong tapang kong sigaw sa kanya. "Wala kang pakialam sa figure ko, yung pagiging panget mo nga hindi ko pinapakialaman,kaya wag mong pakialaman ang katawan ko!" Nagngingitngit ko pang sigaw sa kanya.
"You have a very bad pair of eyes there sweetheart." And he said that while grinning with mischief. "But I think you need to thank yourself for having that kind of figure. Because, I assure you, you'll get the job you're applying for." Dagdag nya pa na lalong nakapagpakulo ng dugo ko.
Sasagot pa sana ako, ngunit napigil ito ng tunog na hudyat ng pagbukas ng elevator. Kung nakakamatay lang ang tingin na binibigay ko sa kanya ngayon, sigurado akong paglalamayan na to ng pamilya nya. Hindi ko magawang alisin ang nanlilisik kong tingin sa kanya.
Nauna pa syang lumabas ng elevator saken. Ang kapal! Napaka ungentleman! But the moment his body brushed into mine and I smell his manly perfume it made my knees tremble and my heart beats faster than the usual. Pakiramdam ko babaligtad ang sikmura ko sa sensasyong idinulot ng simpleng pagkakalpit sa kanya. Eeew kelan pa ko nagkagnito sa isang manyak?! I erase those unusual thoughts that are running in my head.
Lumabas na din ako ng elevator at napagpasyahang wag ko ng pansinin ang psychotic na lalaking yun. Sobrang laki nitong building, kaya there's a 1:500 possibility na magkikita pa kami ng pesteng yun.
Ngunit akmang hahakbang na ko palayo nang magsalita ulit sya.
"See you later Miss baggy pants." And with that he continued walking as if he's a king and he owns this place.
Ang kapal lang talaga! Pag natanggap ako at naging close kami ng CEO dito, irereport kita!
YOU ARE READING
The CEO's Sweetest Downfall (Corporate Series #1)
RomanceHe doesn't believe in love. He got girls swarming around him. He plays like a devil. He want it, he get it. Bachelor Gunther Rizen Valastro Saverde was tired of girls looking at him like a prey to its predator. He wants to separate his hobby...