Mama

22 2 0
                                    


Minsan nagising ako sa umaga nang mabango at masarap na amoy. Parang may niluluto. Maliwanag na pero hndi ko na tiningnan kung ano ang oras.

"Anak, kain na."

Oh nagluto pala si mama.
Bumaba ako at dumiretso sa lamesa kung san nanggagaling ang amoy. Wow! Niluto nya talaga ang paborito kong liempo.
Parang andun si mama sa kusina kumukuha ng kanin.

Maya maya pa ay may lumabas galing sa kusina dala-dala ang mainit na kanin. Nabigla ako kasi hindi ko namukhaan ang itsura ng babaeng ito.

"Nasan si mama?", tanong ko sa kanya.

Dahan dahang inilapag ng babae ang pinggan na may kanin sa lamesa at saka sya tumawa ng mahina. "Anak ano kaba? Ako ang mama mo. Heto kumain kana at parang ginugutom ka ata."

Tumawa din ako sa biro ng babae. Kilala ko ang mukha ng mama ko at hindi sya yun. Sa wari ko ay ito ang bago naming kasambahay. "Ate naman eh. palabiro ka. Sige kakain na nga lang ako. Tawagin mo nadin si mama nang sabay nalang tayo kumain."

"Ako nga yung mama mo", seryosong sagot ng babae sakin.

"Hindi nga po. Hehe. Hindi ka na nakakatawa."pangiting sagot ko sa kanya.

"Kumain ka na nga", sabi nya sakin na parang nagagalit.

"MA! KAIN NA!", sinubukan kong tawagin si mama.

"Teka lang ah." Tumayo ako sa aking inuupuan at parang naisip ko lang na kunin yung cellphone ko sa taas.

"San ka pupunta nak?" tanong nya sakin.

"Kukunin ko lang yung cellphone ko sa taas, MA!", pabiro kong sagot sa kanya.

Nasa gitna na ko ng hagdan at nagsabi sya na "Ako na ang kukuha. Bumalik kana dito."

Malapit nako sa pinto ng kwarto ko.

"Hindi ako nalang. Andito nako eh."

Hahawakan ko na sana yung doorknob ng may kamay na humawak sa kanang balikat ko.

"Sabing ako na eh." sabi ng kasambahay namin na kanina ay nasa baba pero nasa likod ko na ngayon.

Binuksan ko parin ang pinto ng kwarto ko at laking gulat ko nang nakita ko ang aking sarili na natutulog sa kama.

Lumingon ako sa likod ko at nagiba ang itsura ng kasambahay namin. Nakakatakot. Merong syang mahahabang kuko at naglalaway na bunganga. Puting puti ang kanyang mga mata, maputla ang kanyang balat at magulo na ang kanyang buhok.

Hinawakan nya ko sa kaliwang paa at hinila papunta sa kanya. Mabuti nalang at nakahawak ako sa gilid ng pinto kaya hindi nya ako nahila ng tuluyan. Ramdam ko ang mahaba nyang kuko na bumabaon sa aking binti. Pinilit ko ang aking sarili na pumasok sa kwarto. Sinipa ko ang halimaw na ito at gumapang nang mabilis papunta sa aking natutulog na katawan. Nahawakan ko ang aking kanang kamay at ako ay nagising.

Isang nakakatakot na panaginip pero sa tingin ko ay iyon ang sinasabi nilang bangungot.

MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon