Perspectives

58 1 1
                                    

Paige’s POV

Simula nang naging kami ni Drew, nag-iba na ata siya. Hindi na siya yung over-possesive, super higpit na Drew na kilala ko. Naging care-free na siya, pinapayagan niya kong gawin lahat ng gusto ko, and I don’t know if it’s a good thing or a bad. Para naman kasing wala siyang pakialam sa pinag-gagawa ko, o sa akin mismo. I can freely do what I want. I can smoke, I can drink, I can stay up all night and go out with whoever I wanna be. Okay lang sa kanya. 

Minsan nga iniisip ko kung tama ba tong ginagawa ko. Para naman kasing di kami, walang “kami”. Para naman kasing hindi niya ko girlfriend, na okay lang sa kanya lahat. 

Napapa-isip din ako minsan, mahal niya ba talaga ko?

Drew’s POV

Simula nang naging kami ni Paige, medyo nagbago ata siya. Hindi na siya yung Paige na kilala ko. Sobra na siya kung uminom ngayon, parang wala lang sa kanya na baka mangamba ako o magalit. She really is having fun, all the time. Wala naman akong magagawa, baka pag pinaghigpitan ko siya, mawala siya sa’kin. Kesyo over-possesive ako, kesyo nakakasakal ako. Ayoko naman ng ganun. Kaya I let her do anything she wants, depende na lang sa kanya yun. 

Minsan nga iniisip ko kung tama ba tong ginagawa ko. Para naman kasing di kami, walang “kami”. Para namang wala siyang boyfriend kung umasta.

Napapa-isip din ako minsan, mahal niya ba talaga ko?

Paige’s POV

Kaya lang naman ako nagkakaganito para naman maramdaman ko din yung pagiging possesive niya. Ang sweet kaya ng ganun. Yung tipong may nag-aalala sa iyo, may sumusuway at may taong umaangkin at ipinagdadamot ka. Yun lang naman ang gusto ko eh.

Pero kahit ganito ako, mahal na mahal ko siya. 

Drew’s POV

Kaya lang naman ako nagkakaganito dahil mahal ko siya, at ayokong masakal siya sa’kin. Ayokong mawala siya. Ang gusto ko lang naman ay magtagal kami kaya hinahayaan ko siyang gawin lahat ng gusto niya. Sa pagkakatanda ko kasi, siya pa mismo ang nagsabing kaya walang nagtatagal sa’kin at dahil ang over-posseive ko at sobrang nakakasakal. Kaya ganun, iniiwasan ko yun. 

Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko siya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PerspectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon