I'm Already YOURS (One-Shot)
dedicated kay ate @fizz_chae07. Hope you'll like it :)
Sapphire's POV
Naranasan mo na ba ang mainlove?
Kasi ako? Isang malaking OO ang sagot ko.
Halos matawag na nga akong dakilang stalker.
Paano ba naman kasi ako hindi matatawag na ganoon kung araw-araw sinusundan mo ang isang tao para lang makita mo siya?Kasi makita mo lang ang taong mahal mo sa isang araw, masayang-masaya ka na.
'Yung bang kapag nakikita mo siya buo na ang araw mo.
Lagi nga siyang hinahanap ng mga mata mo na kahit malayo pa lang, parang kumain ka ng kalabasa sa linaw ng mga mata mo.
Araw-araw binibisita mo ang profile niya sa facebook nang hindi nagsasawang tumingin sa mga pictures niya at napapatulala ka na lang nang hindi mo namamalayan.
'Yung tipong 'di ka nagsasawa na isipin siya dahil sa tuwing iniisip mo siya napapangiti ka na lang mag-isa na para bang baliw. Dahil ang totoo talaga parang nababaliw ka na sa kanya.
Dahil siya lang ang taong nakakagawa sa iyo ng mga ganyang bagay. Siya lang ang taong nakakapagpatibok ng mabilis diyan sa puso mo na kahit tignan ka lang niya halos lumundag na sa tuwa 'yang puso mo .
Diba ganun ang feeling ng inlove? Ang sarap sa feeling na halos mabaliw ka na kakaisip lang sa kanya. Ang sarap talagang ma-inlove.
"Huy! Tulala ka naman diyan!"
"AY ANG SARAP TALAGA MA-INLOVE!"
Napatakip ako bigla sa bibig ko.
Anong sinabi ko ulit? Why so stupid Sapphire? Pagtatawanan lang ako ni Sam nito.Palibhasa kasi walang lovelife kaya ganyan. Kahit nga crush, wala e. Wala pa daw siyang nagugustuhan. At hanggang ngayon pinagtatawanan pa rin ako.
Buti na lang nandito kami malapit sa field. Lunch time na kasi at dito ako nagi-stay upang pagmasdan si crush. Syempre alam na.
Mas gumaganda ang pagpunta ko dito kapag nagpa-practice ng football si crush. Syempre libre tingin nang hindi niya alam.
Siya lang ang nag-iisang lalakeng nagpapatibok ng puso ko. Tatlong taon ko ng iniibig ng patago. Love na nga siguro ang tawag dito sabi nila. Ang tagal ko na din kasi siyang crush.Sayang nga at hindi kami magka-klase kasi nasa ibang section siya.
At ang baliw kong bestfriend naman na hindi naniniwala sa love? Sus, kapag yan na-inlove?
Naku! Magpapamisa ako! May himala kapag nangyari 'yun.
Kaya nga pinagtatawanan ako kapag kinikilig ako.At dahil nga sa kaka-kwento ko, nakalimutan kong tumatawa pa pala itong bestfriend ko hanggang ngayon. Kailan ba ito matututo na ma-inlove?
Para may karamay naman ako pagdating sa love. Hindi 'yung pinagtatawanan ka.
"So, 'di ka pa tapos tumawa niyan?" parang iritang sabi ko sa kanya.
Bigla naman siyang tumigil sa kakatawa. Mabuti naman kung ganoon kung hindi baka mabatukan ko na naman ito. Pero halatang nagpipigil pa siya ng tawa.
"Iba talaga ang tindi ng pag-ibig. Natutulala na lang na parang wala sa sarili." Aba't pinaparinggan pa ako nito. Pasalamat siya mahal ko siya. Pero mas maganda kung pagti-tripan ko siya.
"Wow. Ang cute mo talaga Sam!" sabay kurot sa dalawa niyang pisngi nya.
"A-Aray! M-Masakit!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
I'm Already YOURS (ONE-SHOT)
RomanceIstoryang puno nang kilig at saya, isang romantikong kwento sa Tagalog na magbibigay saya sa bawat puso natin. Halina't basahin ang kwento ni Sapphire at Kiero.