Opposites Attract

38 1 0
                                    

"Gising na diyan Helly." si mama yan.As usual ginigising niya ko,may pasok kasi ngaayon eh. At binanggit niya pala ang hatest sentence ko. Yung "gising na" -______- For the 14 year of my existent sawang-sawa na talaga ako sa sentence na yun !!! 

"Gising na diyan ah.Pagkatapos kumain ka na.Maglalaba lang ako." paalam nito at sinara ulit yung pinto ng kwarto ko.

Grabe.Lunes nga pala ngayon. Hatest day ko. Pansin niyo ang dami kong hate? Ganyan talaga.Kasama sa paglaki yan.^_^

Tumayo na ko sa higaan, wala namang mangyayari sakin kapag nanatili pa kong nakahiga eh.-_-

Naligo ako,nagbihis,kumain,nagtoothbrush and wa-la !! Tapos na ko ! Ready na ko pagpasok.^___^ Parang kanina lang ayaw ko pumasok eh noh? Haha

Nagpaalam na ko kay Mama.Wala kasi si Kuya eh. Nasa Manila si papa din nandun.Kaya kami lang ni mama ang nandito,.Ay oo nga pala, kasama rin si ate Hazel.Kasambahay namin siya. 

OHEHM ! So bastos of me.XDD I'm Helly Jane Garcia nga pala. But you can call me Helly if you want. Ang panget ng name ko noh? Parang HELL.as in IMPYERNO.Ewan ko ba sa parents ko kung bakit ganyan pa ang binigay nila sakin.Pwede naman Pricess Kelly.Ai ewan.-_____- May topak ata sila ng ipanganak ako.

Nag-aabang na ko ng tricycle sa may kanto namin.Yay me! Kapag sinuwerte ako maaga akong makakasilay !! Ay landee ! 

Maaga kasing---

"Good morning Helly ! " 

OHEHM !! Pwede na kong mamatay! As in now na. Pero siyempre joke lang yun.^_^v Gusto ko pa makasama itong gwapong nilalang na ito.

"Morning.Maaga ka ata?" casual kong tanong. Siya yung *ehem* sinisilayan ko.O dbwa?Ang swerte ko.?He-he.

"Onga eh.Pansin mo rin?Haha.Maaga kasi akong nagising ni Mommy."

Sosyal! Mommy talaga.

Oh by the way, this is Aldrich Quezon. Kung hindi nio pa pansin. He's my crush. Take note: My 3year crush. Kaya stay away from him. ^_^

"Ah talaga? Buti naman.Kasi for sure paparusahan ka na naman ni Miss Grazel." 

Si Miss Grazel yung adviser namin. Nagpapatayo yun kapag late. Pero itong isang to, parang hindi nangangalay kakatayo.-__- Mula first quarter laging napapatyo eh. -_______-

"Okay lang naman yun. Haha."

See. I told you. -_________-

"Ah.Ayun tricycle. Tricycle!!" twag nito. Huminto naman sa tapat namin yung tricycle. Akala ko tatabi siya sakin sa loob. Pero umikot siya. Dun siya sa likod. 

Hmp. Sayang. >.<

~~~~~~~~~~~~

"GOOD MORNING ~!!!!!" bati ko pagkabukas na pagkabukas ng pinto. 

May kaunting bumati.May kaunting hindi.

"Tch.Aga aga ang ingay." komento nung lalaking nasa likod.

"So?Edi magtakip ka ng tenga."irap ko. 

Kainis talaga tong Rui na to. >____<

"Bakit magkasabay kayo?" tukoy nito kay Aldrich. Magpinsan kasi sila. Magbarkada pa. Pero total opposite sila. Obvious naman diba??

"Wala kang pake." nagtuloy tuloy na ko sa upuan ko. 

"O,aga aga nakikipag away. Stop na,okay?" 

"Eh kasi siya eh." parang batang sumbong ko.

"Yaan mo na."

"*sigh. Good Morning nga pala!! ^__________^"

"Good Morning din. At alam kong Super Good ng Morning mo." sabi nitong tumingin pa kay Aldrich na nasa tabi ni Rui.

"You bet~!" tas tumawa kami.

Bestfriend ko since First Year itong si Jella. At super alam niyang crush ko si Aldrich. 

Tumingin ako kay Aldrich. Pero pagtingin ko ang sama ng tingin sakin ni Rui. 

Problema ba nito?

Inirapan ko na lang siya.

"Okay let's start our lesson."

Hayy... Start na pala. 

Tumingin ako sa labas ng bintana. 

Kakatamad naman ng lesson niya eh. -__-

“Miss Garcia.You are not listening to my class,are you?”

Ooopppsss. Nahuli.

“I am Ma’am.”pagsisinungaling ko.

“Then answer this.”

Nagsulat siya ng equation.

Nang matapos magsulat,nakataas kilay siyang humarap sakin.

Napakamot naman ako sa batok.

Ang hirap kaya~!!!

“Well Miss Garcia??”

T____T

“I’m sorry Ma’am.”

“I see. Maiwan ka dito mamayang uwian..”

TT__TT

Meaning nun, AKO LANG ang maglilinis nitong room ~!!!

Uwaaaah !!

“Tutulungan kita mamaya.” Bulong ni Jella nung maupo ako.

“thanks.” Ganting bulong ko.

Kakainis tong teacher na ‘to. *sniff *sniff

Nilibot ko yung eyes ko. Nakakailang kasi. Parang may nakatingin sakin.

Nung mapunta yung eyes ko sa upuan ni Aldrich kita ko si Rui nakatingin sakin with matching grin pa ~!!!

Grr. Nang-iinis pa siya~!!!!!! Kakainis sila !!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon