"Take it easy, boy."
Tinanguan at nginitian ko na lang ang pauwi kong Fil-Am veteran teammate na si kuya Mark.
I was still in the middle of putting in extra work. Tinatrabaho ko yung free throw shooting ko.
Nasa makeshift office pa yung coaching staff namin, at may mga ball boys at utility pang nag aayos ng mga gamit. But as for players- since pauwi na si kuya Mark, ako na lang ang natira dito sa gym.
"Bossing, ilang free throws ba plano mo ngayong araw?"
Hanggang makalimutan ko lahat ng dapat kong makalimutan.
"Ang dami mo pa namang fans na waiting pa dyan, o. Kawawa naman yang mga yan, aabutin ng siyam siyam sa paghintay sa'yo."
Nilingon ko nang mabilisan yung mga natitira pang fans na nag-aabang sa may labasan nung gym. Nakilala ko agad yung isang grupo ng mga babaeng naka-customized shirts na may print na - Paolo "The Saint" Arcangel sa harap.
Natawa at napailing ako nang nagtilian sila when I looked over. May isa pang nagpanggap na nahimatay.
Sobrang thankful ako sa lahat ng mga fans ko, pero minsan talaga natatawa na lang ako sa mga pinag-gagagawa nila.
I was about to turn, and focus on my free throws again, when my breath hitched.
Sino 'to?
I've never seen her before.
In my two and a half years as a Ginebra player, at kahit nung... na-injure ako during my second year, halos araw-araw akong pumupunta sa ensayo.
Halos memoryado ko na ang mga mukha ng mga fans na laging dumadalaw sa practice namin- kahit palipat-lipat pa kami ng location, andun pa rin sila.
Pero itong babaeng ito-
"Huy, bossing! Sinong sinisipat mo dyan? Nangingisay na yang mga fangirls mo, o!"
Napalingon ako kay tay Pol na isa sa mga pinaka-senior na utility men ng team. Siya ang ka-combo ko lagi kapag nag-eextra practice ako.
"Ha? Wala, wala. Pasa mo na yan dito, tay."
He threw me a questioning glance. Akala ko kukulitin niya pa ako, pero pinasa niya na agad yung bola.
I resumed my shooting in silence.
Aakalain mong nakakunot ang noo ko dahil sobra akong focused sa pag-shoot ng bola, but the truth is, deep inside of me... I felt really bothered.
And, it showed - sa anim na sunod sunod na mintis ko.
"Bossing, ayos ka lang ba?"
"Okay lang, tay. Last one!"
Matapos kong masalo yung bolang pinasa ni tay Paul, imbes na i-dribble ko yung bola at i-shoot - I held on to the ball and started breathing deeply.
Tangina. Wag kang lilingon.
Hindi ko ginalaw ang ulo ko, pero di ko mapigilan ang mga mata ko from looking over at where the fans were waiting.