INFINITY 8

360 14 18
                                    

Infinity 8

-------------------------

Dug.Dug.Dug

Paulit ulit ko nanamang naririnig yung maingay na tunog sa dibdib ko habang tinitignan ko siya..

"3 points for Heriano"

Naririnig ko yung hiyawan ng mga tao

Dug.Dug.Dug

pero mas rinig ko padin yung tunog na nanggagaling sa dibdib ko.

Pinalo ko ng mahina yung dibdib ko..

"ano ba ang ingay mo baka marinig ka niya" bulong ko sa sarili ko, para kong baliw na kausap ang sarili ko!

"3 points again for Heriano"

Puro sigawan ang naririnig ko tuwing inaanounce yung pangalan niya dahil nakakashoot siya.

Tinignan ko kung asan nandun siya at tumatakbo habang hawak nanaman ang bola, nasa court ako ngayon ng university namin at kasalukuyang pinapanood maglaro ang taong kanina pa nagpapakabog ng malakas sa dibdib ko.. si VINCENT.

"Khievy" nilingon ko yung tumawag sakin ..

"jess bakit?"

"anong bakit? Matutunaw nayang infinity mo kakatitig mo, tara na may class pa tayo e"

Hindi nako nakasagot dahil bigla na lang akong hinila ni Jess.. pero gusto ko pa siyang panoorin!

Habang nasa class kami iniisip ko padin siya.. para na kong baliw na isinusulat pa yung number ng jersey niya sa desk ko '8' actually lahat ng pwede kong makita para sulatan nilalagyan ko ng '8' ..

Wala lang .. trip ko lang

"8 ulit?"tanong sakin ni jess

Nilingon ko siya at sunod sunod na tumango, tapos nakangiti kong sabi na "infinity 8"

"baliw ka na no?"mahina siyang tumawa

Nginusuan ko lang siya "e sa anong magagawa ko?itong puso na to e.. ang ingay ingay pagnakikita siya" turo ko pa pa dun sa bandang dibdib ko.

"so hanggang ganyan ka nalang.. sinusulat kung saan-saan yung numerong yan.e hindi ka pa nga niya kilala parang forever mo na siyang gugustuhin"

Nginitian ko lang siya..

"yun naman talaga yung symbol ng '8' diba? Infinity.. sa jersey number niya yun din yung nakalagay..kahit yung birthday number ko '8' din" nahihiya kong sabi sa kanya.

"tapos?hayy khievy.. try mo kayang magpakilala sakan---"

"NO!" sa lakas ata ng pagkasabi ko napatingin sakin yung mga classmate ko, pati na rin si prof. humingi lang ako ng sorry. Tumahimik nalang ako ulit at patuloy na inuukit yung '8'sa desk ko.

Hayy. Pano ako makikipagkilala sakanya? E basketball heartthrob siya,iniidolo sa buong campus in short sikat siya.. e ako? Simple lang .. papasok sa school, magpapasa ng project,quiz.exam magaatendancetapos uuwi na.. halos wala ngang pumapansin sakin e.

Bumuntong hininga nalang ako..Hayy.. Vincent Heriano!

Papunta ako ngayong canteen dahil kanina pa ko nagugutom,iniwan ko muna si Jess kasama yung boyfriend niya..

"Hoy Heriano!   akin nayan sugapa ka sa pagkain"

Dug.Dug.Dug

Kusang napatigil yung mga paa ko at hinanap kung nasan yung taong dahilan nanaman ng pagkabog ng dibdib ko..

Dug.Dug.Dug

Ayun siya sa gilid ng canteen at nakikipag agawan ng pagkain sa mga ka-team mates  niya.

INFINITY 8Where stories live. Discover now