Chapter 1

58 2 5
                                    

Malamig .. Sobrang lamig , gusto kong yakapin ang sarili ko para maibsan ang lamig na nararamdaman ko pero hindi ko magawa dahil may pumupigil sa akin.. ayoko ng nararamdaman ko pero wala kong magagawa kundi tanggapin ang kalagayan ko ngayon.. masakit isipin na nangyari tong lahat dahil sa maling desisyon na pinili ko..

“ANAK NG ASAWA KO! Khievy anong ginagawa mo diyan sa harap ng refrigerator?!”

Napadilat ako ng mata ko at napalingon kay mama mula sa pagkakaharap ko sa refrigerator namin, napakamot ako ng ulo ko..

“Si kuya france po kasi mama, punishment ko daw po kasi dahil na late ako ng uwi kagabi” pagrereklamo ko , pinarusahan ako ni kuya dahil gabing gabi na ako umuwi .. pagkatapos kasi ng parang panaginip na pagtatapat sakin ni Vincent >,<

 tumakbo ako ng sobrang bilis pero hindi ako umuwi at sa bahay ni Jess ako dumiretso.

At dahil nga alam ni kuya na lamigin ako, pinaharap niya ko sa refrigerator namin.. malakas ang topak ng kapatid ko kaya ganyan yan..

“Anong oras kana ba umuwi? Kaninang madaling araw lang kami umuwi ng papa mo maraming inaasikaso ngayong business ang papa mo” sabi ni mama at hinalikan ako sa pisngi , laging kasama ni mama si papa sa mga business niya.. kaya lagi silang wala sa bahay at ang dalawang kuya at isang ate ko lang ang kasama ko sa bahay.

“opo, sabi nga po ni kuya.. umuwi po ako ng mga bandang 11 nasa bahay lang naman po ako nila jess” paliwanag ko kay mama.

“Naku! Kayo talagang magkakapatid… puro kalokohan”sabay tawa ni mama, ganyan naman si mama masyadong light lang ang trato samin , hindi sila mahigpit ni papa, pero yung mga kapatid ko lang ang sadyang mapanghusga -___- at daig pa ang mga pulis sa higpit.

Sinara ko yung refrigerator namin andito na sila mama kaya di nako maapi ni kuya france, sabay kaming pumunta ni mama sa sala at nandun si kuya na naonood ng T.V. lumingon siya sakin at pinandilatan ako ng mata.

“sino nagsabi sayong umalis ka sa harap ng refrigerator?”sabi sakin ni kuya

“kanina pa ko dun ah, kulang pa ba yun? Tsaka pumunta lang naman ako kila Jess wala namang masama roon” pagpapaliwanag ko, kagabi ko pa yan [paulit ulit na sinasabi pero ewan ko badito kay kuya.

“pinagalala mo kasi kami kagabi, di ka man lang nagtetext”-kuya

“nalowbat nga po ako”

“Tama na yan.. sa susunod khievy magpapalam ka anak ha? Alam mo naman tong kuya mo .. Maria Clara” sabay tawa ulit ni mama, pati ako natawa na rin.

Oo nga , ganyan talaga si kuya France, isang Maria Clara, pero don’t get me wrong lalaking tunay yan ! 100% , marami ngang naghahabol diyan ,bukod sa aso  maraming chicks yan ^_^

Sinamaan lang kami ni kuya ng tingin at ibinalik ang panunuod  niya ng T.V, ako naman ngapaalam kay mama at umakyat sa kwarto ko.. nahiga agad ako sa kama..

‘I-I really really like you..Matagal na!’

Napabalikwas ako ng bangon nung naalala ko yung pagtatapat ni Vincent sa akin..

Dug.Dug.Dug

Alam kong pulang pula nanaman yung mukha ko..

Hindi ko akalaing parehas kami ng nararamdaman..

Dug.Dug.Dug

Kung mabilis yung tibok ng puso ko dati na tinatanaw lang siya sa malayo, ngayon mas doble pa.. o//////o

‘ bukas sa isang cute na bakeshop malapit sa playground magkita tayo dun 9 am hihintayin kita kahit matagalan ka..’

Napatayo ako at napatingin sa orasan 9:30 na..

INFINITY 8Where stories live. Discover now