Chapter one: Confession

5K 116 12
                                    

Kristine's POV.

"August 5, 2016", tandang tanda ko pa yung araw na yan, iyan yung araw na nag kaaminan tayo, ayan yung pinaka-special na araw ng buhay ko hanggang sa dumating ang "August 23, 2016", at nung araw na yan nalaman ko lahat ng panloloko mo sakin, lahat panloloko sakin ng isang Tristan Santiago. 👊

*****

August 5, 2016,

Lunch na namin, pumunta ako sa canteen para dun kainin yung baon ko, pag katapos kong kumain bumalik na ako sa classroom ko sa 2nd floor, may contest ngayon yung iba kong kaklase at yung iba naman ay absent kaya kakaunti lang kaming pumasok.

Kanya kanya kaming lipatan ng upuan, tuwing hapon habang wala pa kaming teacher sa ibang subject, nanonood muna kami ng tv, sabi nung adviser namin gumawa daw muna kami ng essay tungkol sa pinapanood namin, eh showtime yung pinapanood namin nun, habang nanonood lumipat muna ako dun sa proper seat ko nakaka boring, movies kasi madalas kong panoorin sa bahay.

Tinry kong matulog pero di ako sanay matulog ng nakatungo e, pag taas ko ng ulo nandun na din sa upuan niya yung seatmate ko, si Janjan e kausap niya yung crush ko, si Tristan, so nasa harap ko si Tristan ngayon.

Syempre crush ko, edi nakisali ako sa usapan nila, ako 'tong nagmukhang papansin kasi di ko alam topic nila, hanggang sa mapunta sa usapang tungkol sa lovelife, edi napakarami kong kwento, tawanan dito, tawanan doon, hanggang sa maiba ulit yung topic, at mapunta sa usapang paasa.

"Lahat pa nga ng naging crush ko paasa, pati yung ngayon." Patama ko kay Tristan, na di naman alam kung kanino ko sinasabi yun, OP siya ngayon, yung mga seatmates ko kase alam na kung sino sino yung tinutukoy ko, mejo madaldal kasi ako e, hahaha.

Nilista ko sa likod ng notebook ko yung mga paasang tinutukoy ko, pero di ko sinama si Tristan, pero naglagay ako ng blank dun sa pinaka huli at sinulatan ko yung background ng paasa, nagtaka silang lahat dun sa blank, pero si Tristan talaga yung pinaka curious e, pero biglang pinapatay ni Ma'am yung TV at pinabalik lahat sa upuan, ang ingay daw kase, pero tanong pa rin nang tanong si Tristan.

Sinulatan niya ako, "sino ba kasi yung isa pang paasa?" Nakasulat dun sa papel na binigay niya sakin, "paasa" yung sinagot ko, tapos biglang tumahimik yung buong klase, kaya pinabuksan uli ni ma'am yung tv, lipatan uli ng pwesto, edi lipat ako sa tabi ni crush (kilig naman ako) tapos sinulat ko sa papel yung pangalan niya at nilagyan ko ng 'PAASA', saka ko ipinakita sa kanya at bumalik agad ako sa upuan ko.

Sinulatan niya ako pabalik.....

'Paano ako naging paasa?' Tristan

'Basta' Ako

'Paano nga kasi?' Tristan

'Wag kang makulit, basta paasa ka.' Ako

'Aamin na nga ako crush rin kita.....' Tristan

To be continued......

"PAASA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon