Chapter 3: Canteen

1.9K 64 4
                                    

"Dare? Anong dare?" May binulong naman si Jhon kay Froy.

"Sorry pero bawal sabihin." Sabi ni Jhon at ngumiti pasarkastiko saka hinila si Froy at tumakbo.

Simula nung araw na yun, lagi nila akong iniiwasan, tuwing makikita nila ako tatakbo sila papalayo, saming dalawa naman ni Tristan wala pa ring pagbabago, umiiwas pa rin siya.

*****

May program ngayon sa school namin, meron ding mga contest, sayaw, kanta, tula pati jingle.

Kasali ako sa sayaw at jingle, yung sa sayaw pang umaga kaya nandito ako sa backstage kasama yung mga kagrupo ko, kasali pati si Tristan, nung practice days namin, hindi niya ako pinapansin, lumalayo siya tuwing lalapit ako.

Hanggang ngayong magpepresent na kami, strangers pa rin ang turingan namin, hayy, di man lang niya ako nirereplyan sa chat, tapos di pa ako pinapansin sa personal.

Magpeperform na kami, habang nag peperform, nahihiya ako, first time kasi na sumali ako sa mga ganito, tapos nung maglilipatan kami ng pwesto, natisod ako, may sumalo sa akin at si Tristan pa.

Tinayo niya agad ako at nagpatuloy na sa pagsayaw na parang wala lang nangyari, walang pansinan, akala ko pa naman kakausapin niya ako, pagkatapos mismo naming mag perform, nagbihis na siya at bumalik na siya sa room namin. Sinundan ko siya.

Kumuha siya ng ballpen at papel at nagsulat ng mahaba, ang tagal niyang nagsulat at harap likod na ng intermidiate (A/N: Tama ba spelling?) yung nasusulatan niya, pag tapos mag sulat ay itinago na niya agad yung papel sa bag.

Para saan kaya yun? At para kanino? Hayyy...

*****

"Bes! Tara dito bilis! May secret admirer ako!" Sabi ni Sheena at may ipinabasa sa aking letter, pamilyar tong sulat nito ah.

'Dear Sheena,

Sa ngayon secret muna ako, hindi muna ako magpapakilala sayo, matagal na kitang gusto, sana wag mo akong layuan kapag nalaman mo na kung sino talaga ako, sana pareho tayo ng feelings. Alam mo ba, lagi kitang iniistalk, alam ko rin lahat ng tungkol sayo, sana pag kilala mo na ako, maging maayos tayo at walang hindi nag papansinan, sana maging close tayo............'

Hindi ko na itinuloy yung pagbabasa, ang haba eh. Sa huli may nakalagay.

'From: Anonimously Yours'

"Saan mo to nakita?" Tanong ko. Pamilyar kasi talaga.

"Sa locker ko, nakasipit" Buti pa siya.

"Buti pa ikaw, pero iwasan muna lovelife ha! Aral muna!" Sabi ko at nagtawanan kami.

*****

At Canteen

Lunch na. Nakasabay kong kumain sa table yung mga kabarkada ni Tristan, lagi silang umiiwas kada titingin ako.

Mabilis nilang tinapos yung pagkain nila, pag kaalis nila sabay dating naman ni Tristan, no choice siya table ko na lang ang bakante, kaya dun siya umupo.

"Tristan" Mahina kong tawag, pero nag suot siya ng earphones at halatang sinasadya niya yun.

"Tristan please." Hindi niya ata ako naririnig.

Tinanggal ko yung earphone niya.

"Hey Tristan, talk to me, please" Pag mamakaawa ko. Wala siyang magawa kundi makipag usap sakin.

"Ano bang kailangan nating pag usapan?" Walang gana niyang tanong.

"May gusto lang akong itanong sayo" Nahihiya kong sabi.

"Hmmm?" Tristan

"Totoo ba talaga yung sinabi mo sa akin nung Biyernes?" Nabulunan siya, pag kasabi ko non, inabutan ko naman ng tubig.

"Kailangan mo pa bang malaman?" Sabay ngisi. Tumango naman ako.

"Eh ikaw totoo ba yung inamin mo sakin?" Pag iiba niya ng topic.

"Tristan sumagot ka nang maayos. Ako yung unang nagtanong kaya sagutin mo muna ako." Hindi niya ako pinansin at nag patuloy lang sa pagkain.

"TRISTAN! SAGUTIN MO AKO! TOTOO O HINDI?!" May namumuong luha na sa mga mata ko, dahil ayaw pa rin niyang sumagot.

Hinampas ko yung table. Nakuha ko lahat ng atensyon ng tao sa canteen.

"ANO BA?! TUMIGIL KA----

To be continued.

Hey guys! Thank you sa mga sumuporta, magbabasa at siyempre nagbasa netong short stort na ito. Pag katapos kase nitong chapter na ito ay Final chapter na. Love lots guys!

"PAASA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon