'THE WIMPY LIMP KID'

19 2 0
                                    

(1)

_________________________________________________

It was 8:00 am and I'm here napping for a while. Nasa room ako at wala pa yung teacher namin (Nahiya naman kami sa kanya). Nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko nang may maharot na bumatok sa akin.

"Problema mo?!", agad kong hinarap yung kupal na iyon.

"Aba.. matapang ka na ah!", sabi ni Hozier.

Ang siga at mayaman at famous at gwapo. Oo na! siya na. Pero utak lang ang wala siya. Not Literally. Hindi sa pagmamayabang, pero mag yayabang na ako at yun lang ang tangi kong maipagmamayabang ang katalinuhan ko. Hindi man ako biniyayaan ng kakisigan pero atlit, diba..

Hindi ko pala namalayan na natawa ako ng kunti. Kaya naman sinikmuraan niya ako. Napaluhod ako sa sakit. (Alangan naman magtatatalon sa saya).

Isang suntok pa ulit nang may sumigaw sa may bandang pintuan,

"Anong kaguluhan yan?!", sabi nung babaeng mahal ko -ay este, sabi ni Jemima at lumapit sa amin. Huminto siya at tumingin sa akin.

Waahh.. my goodnessss.. ang ganda ng mata niya!

"Ano mag tititigan nalang tayo? Di ka na tatayo diyan?", mataray na sabi niya sa akin.

"At kayo? Ano na namang gulo 'to?", tinuro niya yung mga ugok.

"Gulo? walang gulo dito,uhm -masakit tiyan ni Robbie, tinutulungan lang namin siya, diba Rob?", paliwanag ni Jose.

Ano daw? masakit tiyan ko? siyempre sinuntok nyo! mga muta kayo!! yun na sana sasabihin ko pero tinayo nila ako agad nun at tinapik pa ako sa balikat na nagpapahiwatig na wag isumbong ang totoong nangyare.

nag OO naman ako sa sinabi niya. Boom! tang@ -__-

"Siguraduhin nyo lang ah?" umiling kaming lahat. Siya si Jemima Cia. Ang class president namin at student council president din. edi siya na! Dejoke. Bukod sa maganda, matalino rin siya gaya ko. Oh diba bagay kami? joke lang haha! atsaka wala akong laban sa mga manliligaw niya, Mga gwapo at mayabang -ay este mayaman, pero totoo naman eh mayayabang sila. Samantalang ako na isang nerd pero walang salamin, payat at maraming tigyawat sa mukha, parating napagtitripan kasi tahimik, E sa ayoko magsalita eh. Isa sa pinaka ayaw ko ay yung boses ko, para kasing chipmunk pero hindi naman ganun kaliit. at isa pa wala akong laban sa magulang niya. Lalo na sa tatay niya na school administrator dito sa school.

Dumating na ang aming guro. Kaya bumalik na kami sa kani kaniyang upuan. Math yung first subject namin ngayon. My favorite!

Habang nag ka-klase hindi pa rin ako tinatantanan ng mga ugok. Alam kong may pina dikit sila sa likuran ko. Di ko nalang sila pinansin. Alam kong magsasawa din sila. SANA.

"Okay class, we have a long quiz for today. Surpise!", sabi ng mentor namin.

hehe.. sila lang na surprise ako hindi. ganyan naman yan eh, pag alam niyang walang interest ang mga estudyante sa lesson dun siya nag papa quiz at Long pa! Ang saya!

"Guys, remember Integrity is the best policy." paalala niya sa amin.

Fifty items lang naman. malapit na akong matapos. Napaka hirap para sa kanila. Di na ako nakapag review kasi nawawala notes ko. Bahala na.

Di ko maintindihan kung bakit bigla nalang bang nag kaka-kuto ang mga kaklase ko pag nag ti-take ng mga pagsusulit. Minsan naman nagiging giraffe (you know..).

Ayan na time is up, kinollect na yung mga papel namin.

"Robbie.. ano to?" nilingon ko kung ano yun. "Uy nasayo lang pala yung notes ko." nasakanya lang pala eh kanina ko pa hinahanap.

THE VILE ROMANCEWhere stories live. Discover now