___Part 3___
"Why so sudden you got interested to her?"
Biglang natanong sa akin ng bestfriend ko. Aba usesero 'to ah.
"Randy, I'm her boss kaya kailangan kong malaman."
"So kailangan talaga mang stalk?"
"I'm stalking on a purpose. Kailangan kong makahanap ng paraan kung paano mapapabagsak ang mga Posadas."
"On what other purpose too?"
"My goodness Randy.. Have you forgotten what I've just told you last time?"
"Ow.. Okay,Okay."
Damn, that was close.
I just need to know her intentions. After all they've done to me, hindi ko sila basta bastang mapapatawad. Itong kinatatayuan ng kumpanya ko at ng mga ibang building pa dito ay pagmamay ari ko. Five years ago ay nabawi ko din itong lugar na ito, itong lugar kung saan ako lumaki. Itong lugar kung saan pinatayo ang Grande Ville na pagmamay ari ng mga Posadas noon. Ayokong masayang lahat ng pinaghirapan ko. I won't let them.
"Huy?"
"A-ano?"
"Yung kape mo lumalamig na. Okay ka lang? May meeting nga pala mamaya"
"Sige sunod nalang ako."
Mga ilang oras din natapos ang meeting namin after that ay umuwi na ako. Umuulan wala akong payong, pero oks lang may kotse naman ako.
Sa di kalayuan, ay may nakita akong isang babae. Namukhaan ko na kung sino yun, -Edi siya, si Jemima. Mukhang may hinihinatay ata siya ah, or.. wala. Isang oras muna akong nagpark upang abangan kung kanino siya makikipagkita. Why the hell do I care anyways? Dapat nga umuwi na ako ngayon. But the curiousness is pulling me over here. Parang nilalamig na siya dun. Hays..
Pinaandar ko na yung kotse ko para puntahan siya doon sa kinatatayuan niya. Bumusena ako sa harap niya at binuksan yung bintana para makita niya na ako yun.
"Robbie?"
"Get in."
Pumasok na siya.
"Bakit di ka sinundo ng asawa mo?"
Nagulat siya sa sinabi ko. Shit, sa dami dami ng pwede kong itanong, yun pa.
"Busy" tipid niyang sagot. "Teka, sayo tong kotse?" pag change topic niya.
"Obvious ba?"
"Aba! Malay ko ba kung driver ka lang.. Sideline you know." sabay tawa nito. Lakas naman ng trip di pa rin nagbabago.
"ha! Ha! Very funny." Sarkastikong sabi ko.
"I'm so happy for you." Happy? Saan? Mukha ba akong happy sa kalagayan ko?
"Yeah, you should be." Bulong ko.
Katahimikan ang bumalot sa buong byahe. Nang biglang nag ring ang phone ko, di ko ito sinagot pero ring pa rin ng ring.
"Sagutin mo kaya muna yan, baka importante"
Kinuha ko ang phone, at kahit hindi ko pa 'to nalalapit sa tenga ko ay mabibingi ka na sa nagsasalita.
[Kuyaaaaaaaaa!! Saan ka na? Pwede mo ba ako sunduin sa may 7 11? Pleasee.]
"Uhm.. S-sige. Otw na."
[ SALAMAT BROTHER BOSS! INGAT SA PAG DRIVE...]
*toooot*
"Brother boss? Si Mimi ba yun?"
"Oo."
YOU ARE READING
THE VILE ROMANCE
Teen FictionWARNING: ANG MGA KWENTO DITO AY WALANG FOREVER ITO AY NANGANGAILANGAN NG PATNUBAY NG MAGULANG. HUWAG GAYAHIN DAHIL ITO AY KATHANG ISIP LAMANG.