When you’re Secretly In Love
CHAPTER 1: FIRST TIME
"CARISSAAAA"
"Bilisan mo anong oras na oh!"
Carissa's POV
"Pababa na ako wait lang."
"oh! ito na ako!"
"saan kayo pupunta Jenna?" tanong ni mama
"ay, tita birthday po kasi ni mama, inaantay po sya.. di po ba sya nagpaalam sa inyo?” tanong ni Jenna kay mama tapos tinignan ako.
“Hehe.. di ako nakapagpaalam e.. nakalimutan ko. SORRY”sabay kamot ng batok.
“Aish! Talaga to! .. amm tita pede ko po bang isama tong si Carissa Javier sa amin?”habang naka-kapit sa mga braso ni mama.
“Kailangan best full name talaga?” pag-siside comment ko.
“Sige Jenna basta wag kayong magpapa-gabi”
“Aww. Thanks tita!”
-____- parang sila ang mag-ina.
“Mama, alis na po kami” then nag-kiss na ako sa cheeks nya.
“Bye tita”nagkiss din sya sa cheeks ni mama.
“Ingat kayo ah.” tapos hinatid nya na kami sa sakyan ng Jeep.
----
“best alam mo yung feeling na yung crush mo malalaman mo ring may crush sayo..” nagsimula nang mag-kwento ang best friend ko.
“Hindi.. wala naman akong crush e.” plain kong sagot.
“Ok. Basta ako masaya! Kasi nalaman kong gusto nya ako.” -Jenna
“Best, pede bang tulungan mo akong maging close sa kanya?” tanong nya sakin tapos with puppy eyes pa, yung tipong nagpapa-cute.
“Hala! Bakit ako diba dapat ikaw ang gumawa ng paraan dyan dahil ikaw ang may crush sa kanya?”
“E, ikaw kasi mas close sa kanya.. Family friends nyo kasi sya e.” nung marinig ko yung word na FAMILY FRIEND… napalingon ako ng bongga!
“HA?? Sino ??”
“Si… Je---“ sabi nya pero pinutol ko muna.
“Ay bago yan baka gusto mo na munang magbayad ng pamasahe dito sa jeep diba?” sabi ko sakanya at nakalahad ng kamay.
“ayy.. ito na oh”
“ma.. bayad po oh” inabot ko yung pera dun sa katabi ko.
“ok na? baka pede na akong magkwento?”
“ok, pwede na.” pero di ako nakatingin sa kanya e.. parang kinakabahan ako.
“So ayun nga. Si James kasi yun..” paninimula nya.
“ah si James” ang sakit ah!
Yung lokabestfriend ko crush ng childhood bestfriend ko and what they feel is mutal. HANSAKET! (ang sakit)
“Nung February 14 ko yun nalaman ee..” bigla na tuloy akong na curios.
“oww talaga? Pano?”
Assuming na hindi ko alam.. ee sa akin nga nagpatulong si James e -_____- haysss.
Ano ba ito kaka-upisa palang ng story SAWI na agad ako.. ang POTASSIUM (assuming) ko kasi ee.
“Narinig ko lang sa message booth KYAAAAAAAAAAAAAH” kilig na kilig na sabi ni Jenna.