Chapter I:
Nakakahiya na talaga!!! Una sa library ngayon naman sa harap pa ng lalaking arogante na ito. Kung bakit ba naman required na nakatakong ang mga babae sa school na ito. Aish!!! Magrereport na talaga ako sa deans office.
"Whoa...That hurts..." sabi niya at nilampsan ako! Grabe ha! What a gentle dog! Madapa ka sana!!!
"Oh weirdo... ano naman ang trip mo at nakasalampak ka dyan sa sahig?" tanong ng bestfriend ko na si Luna Alicia Montez.
"Tss... don't remind me about it and just help me out you weirdo" sabi ko dahil talagang bad mood na ako. Nagkibit balikat lang siya at tinulungan ako.
"Bakit naman kasi dyan mo pa naisipang maaupo eh andami namang bakanteng silya dyan sa tabi tabi..." sabi niya. Nako Luna kung alam mo lang lalo mong kamumuhian ang mga lalaki.
Mas pinili ko na lang ang manahimik dahil siguradong kapag nalaman niya ang dahilan ay magwawala yan at sugurin yung aroganteng lalaki na kasama ng kurimaw na si Justin.
Niyaya ko na lamang siyang pumunta sa dean's office. Pagdating ko doon ay nakita ko si Tito Lawrence na kausap si Monica Villafuerte, campus crush/Vice president ng school council at balita ko bagong girlfriend ni Justin. Hindi ako stalker ah may nakapagsabi lang sa akin.
Ay oo nga pala! Salita ako ng salita dito hindi niyo pa nga pala ako kilala. Ako si Destiny Nicole Catacutan, simpleng estudyante dito sa De Vera University. What's unique about me is that I'm the walking disaster or my friends call it 'accident prone person'. My bestfriend? Well she's known as the man hater, though she's not a total man hater cause I remember her mentioning a name of a guy and he's her close friend.
Nang makalabas na si Monica ay tiningnan ako ni tito Lawrenz na para bang alam na niya kung bakit ako nandon, malamang ito na ang pang tatlong beses na nagpunta ako rito na dala ang iisang reklamo. Nginitian niya ako at naupo siya sa kanyang working desk.
"Can I help you Nicole?" tanong niya.
"Tito kelan mo ba ipapatanggal ang policies about wearing high heeled shoes among girls?" tanong ko sa kanya na nakapamewang pa.
"Nicole naiexplain ko na yan sa'yo last time na nagpunta ka rito. It's a necessity na magsuot kayo ng high heeled shoes para na rin sa future ninyo." sabi niya. Yeah right, that future thingy is always his reasons. Oo nga pala hindi ko kaano ano si tito Lawrenz ah kaibigan ko lang ung pamangkin niya tsaka family friend dinng family ko ang family nila.
"Tito sabihin na nating training yun for future pero tito hindi nyo ba naisip na may mga katulad ko na lapitin ng disgrasya?" paliwanag ko sa kanya.
"Hmm... we've already considered that kaya nga diba ang sabi ko sa'yo dun ka kay JAD magdidikit edi nasanay ka na siguro sa high heels at hindi ka nagrereklamo ngayon." sabi niya
"Pero tito... you know how b*tch she can be, tsaka may kalokohang ginagawa yun ngayon ang you know how much I hate her pranks." sagot ko naman.
"I won't argue on that. How about your friend, Luna?" suggestion niya.
"She won't help me specially when she have this academic competition to attend to. Besides we don't hang out with each other lately." kontra ko sa kanya.
"Ok, ganito na lang, why don't you practice at home at nang hindi na natin 'to pagtalunan?" saad niya.
"I give up! Bahala kayo dyan basta magpaflats ako!" sabi ko sabay walkout.
"Makoconfiscate ang ID mo!" sigaw ni tito Lawrence.
"ARG!!!" napapadyad na lang ako.
==========
dorcasdark's note: ayan natapos ko ang chapter 1 kahit may exam ako bukas. JAD ikaw na sa chapter 2!!!