First Day

26 0 1
                                    

Maeley's pov

Hi! Ako nga po pala si Maeley De Guzman for short Mae. 13 years old at nag aaral sa San Diego University.

First day na namin ngayon bilang Grade 7 o ang tinatawag nilang Junior High. Kinakabahan ako. Ayoko kasi talaga ng First at Second day kasi naman kailangan pa magpakilala.

Nagbihis na ako at nagayos. Hinatid na ako ng mga magulang ko sa school. Nakasalubong ko ang aking kaibigan na si Gemma Gomez for short Gem.

"Mae!!" Bati sakin ni gem.
"Uyy gem! Kinakabahan akoo." Sabi ko.
"Kinakabahan din ako e. Wag muna tayong pumasok, andami pang tao e." Sabi nya at sumangayon naman ako sa sinabi nya.

Nagintay lang kami ng ilang minuto at pumasok narin kami. Nang mahanap na namin ang room namen nagtatalo pa kami kung sino ang magbubukas nito.

"Uy ikaw na magbukas di pa ako ready e." Sabi ko.
"Ikaw na. Para matapos na."
"Ikaw na sabi. Mas malapit ka naman dyan sa pintuan duh!" Sabi ko. "Eehh mae naman e" sabi nya. Tinignan ko sya ng masama. "Sabi ko nga ako na" Huminga muna sya ng malalim at pinihit na nya ang doorknob.. Ayan na!
Hala ang dami agad tao. Nahihiya akooo.

Tignan mo tong si gemma iniwan ako. Nauna kasi syang pumasok kasi nga sya ung nagbukas ng pintuan, kaya ako tuloy ang nag sarado ng pintuan. Pinagtitinginan kame. Umupo kami sa may bandang likod.

Nagkwentuhan lang kami ni gem hanggang sa may pumasok na lalaki. Teka si Joaquin to a? Bakit ang gwapo nya ngayon? Ay joke hindi hindi! Palapit sya sa side namen. OMG! OMG! Kinikilig ba ako? KADIRI! No way! Para naman akong timang e. Umayos ka nga maeley! Landi ko talaga hehehe. Umupo sya sa likuran ko. Kaya naman pala. Nandun ung tropa nya. Kala ko naman kung ano.. Feeler ko talaga HAHAHA.

Nagpakilala na kame sa lahat ng teachers namin. At ngayon maguuwian na. Ang bilis talaga ng oras...




Third day na. Makikita ko ulit si Joaquin! Syempre morning routine nanaman.

Nandito na ako sa room kasama si gemma. Mag sseating arangement daw. Di na sya sa likod ko :"( landi ko talaga kahit kailan >.< Nung tinatawag ni mam ung mga pangalan at kung saan sila uupo, iniisip ko na sana katabi ko sya as in tinititigan ko sya tapos nung tinawag na sya pinaupo sya dun sa pangalawang row sa harapan ganun din ako..

Pero hindi kame magkatabi. Ang layo nga namin sa isa't isa e. Si gem naman medyo nasalikod nya si Joaquin. Ang swerte talaga. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? Gusto ko ba sya? Hinde, hinde. Ayoko. Masasaktan nanaman ako. Pero bakit ganto ako?

Siguro nga...


Siguro nga

GUSTO KO SYA.

Gemma's pov

Si joaquin pala ung pumasok na lalaki nung first day? Di ko napansin kase nagiba ung itsura nya. Infairness ang gwapo nya HAHAHA. Si mae grabe makatitig kay joaquin e baka nga matunaw na tong si joaquin. Siguro napansin nya rin ung pagiba ng itsura ni joaquin kaya ganun sya makatitig.

Nasa may likuran ko lang sya. Ang layo ni mae saken :( wala tuloy ako kausap. Si joaquin naman kinukulit ako. Nang aasar pa pero bakit hindi ako naiinis? Kinikilig pa nga ata ako e. Crush ko kaya sya? Hindi.

Hindi imposible.

It Started With A BoyWhere stories live. Discover now