Bes! Mas maganda yung red na dress sayo.
Ayoko. Hindi ako komportable, tsaka mas komportable ako sa style nitong kulay blue.
Komportable o kaya ayaw mo eh dahil sa naaalala mo parin sya kapag nakakakita ka ng ganyang shade ng pula?
Ha? Ayoko lang talaga sa pula, takot nga ako sa dugo diba?
Kanina hindi ka komportable tapos ngayon ayaw mona? Bes you don't need to lie, ako lang to! Naiintindihan kita hindi mo kailangan mag panggap.
Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa best friend ko, kilala nga talaga nya ako, pero sana hindi nya na ipinaalala sakin diba? Ang sakit e! Oo ang sakit padin, at naiinis ako na sa simpleng kulay pula lang e naaalala ko lahat ng tungkol sa kanya. Si red...
Well, hindi naman talaga red yung pangalan nya. Yun lang ang napili ko na itawag sa kanya dahil lagi syang naka pula na damit, weird? Oo kasi hindi natural sa lalaki ang laging naka red. Hindi ko lang alam if yun talaga ang favorite color nya, nakakatawa nga isipin na minahal ko sya at hanggang ngayon e mahal ko padin sya, pero hindi ko manlang alam kung ano ang favorite color nya. Pano ba naman kasi sa tagal ng panahon ko na nawala e malamang na hindi ko na alam ang mga bagay bagay sa kanya. Kung sya nga nagbago e yung favorite color nya pa kaya?
Minsan naiisip ko sana hindi nalang ako nawala, or more likely sana hindi nalang ako umalis, hindi ko nalang sana sya iniwan. Kasi hanggang ngayon pinag sisisihan ko ang ginawa kong pag alis.
Bakit ako umalis? Kasi natakot ako. Bakit ako natakot? Kasi bata pa kami at ayokong masira ang friendship namin, magkaibigan ang mga magulang namin at same friends lang din naman ang meron kami kaya sobrang hirap para sakin ang desisyon ko na umalis ng panahon nayon pero kinaya ko at ang paulit ulit na sinasabi sa sarili ay ang katagang "if kami talaga para sa isa't isa lumipas man ang panahon e kami parin". Kaya naman ng bumalik ako kagaya ng inaasahan masaya sila sa pag balik ko pero si red, kita ko ang galit st sakit sa mga mata nya pero masaya ako doon. Dahil alam ko na apektado parin sya sakin, lumipas ang panahon at unti-unting nawala ang galit at sakit sa kanya, magandang senyales yon.
Naaalala ko pa ng ayain nya ako sa kanila dahil birthday nya, oo madalas ako sa kanila dati pero ito ang unang beses na magpupunta ako sa kanila pagkatapos na mawala ako ng mahabang panahon. Pagdating ko sa kanila agad akong sinalubong ni tita at ng ibang kapatid nya nakakatuwa kasi ang dami pa nilang kuwento pero tinawag ako agad ni red, syempre lumapit ako sa kanya. Nagkwentuhan kami at nasabi nya pa sakin na sobra daw syang nagbago ng nawala ako pero ngayon daw unti-unti ng bumabalik sya sa dating sya. Natuwa ako ng sabihin nya yun sakin dahil iyon din mismo ang sinabi sakin ng mga kaibigan namin. Pero agad din nawala yung ngiti ko ng may tumawag sa kanya at agad syang niyakap, parang sya mismo ang sumaksak sakin ng paulit ulit ng sabihin nya kung si o ang babae na iyon. Pinakilala nya sakin ang babae na iyon, yung girlfriend nya...
Pagkatapos ng pangyayaring yon iniwasan ko sya, nasaktan ako.. Akala ko okay na lahat, akala ko babalik na kami sa dati, akala ko lang pala. Hanggang sa isang araw nabalitaan ko na wala na kayo, ikaw daw ang tumapos pero wala ni isa ang nakakaalm kung bakit mo ginawa yun. Lumapit ka ulit sakin, alam kong wala na akong dapat ipag alala kasi wala na kayo, dapat nga matuwa pa ako diba? Pero mas pinili kong umalis ulit, mas pinili kong iwan ka sa pangalawang pag kakataon. Dahil babae din ako at ng inisip ko na pano kung magpalit kami ng sitwasyon? Anong mararamdam ko? Ayokong may nasasatang ibang tao, kasi kung magiging tayo hindi rin magiging masaya kasi may nasasaktang iba..
Pero pangako, babalik ako. Sana lang pag balik ko kakampi ko na ang tadhana, sana okay na lahat pag balik ko sana..Lumipas ang ilan pang taon, pakiramdam ko okay na lahat at handa na akong lumaban para sayo, para satin. Bumalik ako, at tama nga ako. Ang saya saya ko kasi sa pagkakataon na ito tama na ang lahat at sumasangayon na satin ang tadhana. Tuwang tuwa ang mga kaibigan natin pati nadin ang mga magulang natin, naaalala ko pa ng pagkatapos ng meeting natin naisipan kong umuwi saglit sa bahay pero nagulat ako ng bigla kang lumuhod sa harap ko at sinabi na wag na kita iiwan ulit, tumawa lang ako pero ang totoo kinakabahn talaga ako kasi naman nasa harap tayo ng mga kaibigan at magulang mo. Naaalala ko pa din ng sabihin mo na wag ako asyado lalapit sa kapatid mo dahil nag seselos ka, nakakatuwa kasi bumalik tayo sa dati yung dating tayo. Parang tayo, label nalang ang kulang. Sobrang sweet natin, nag de'date at walang attachment sa iba, tayong dalawa lang. Yun ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko..
Pero ang tanga ko! Kasi sana nakuntento nalang ako sa kung anong meron tayo, sana hindi ko nalang pala tinanong sayo yung bagay na iyon ng araw na yun..
Mag aalas dose, mag uumpisa na ang bagong araw.. ang bagong taon. Pauwi palang tayo non, galing sa over looking ang saya ko non kasi ikaw ang kasama ko pero ating kati na akong malaman kung ano ang meron tayo, yun nalang kasi ang kulang, yung label. Nakakainis kasi halos mag iisang taon na tayo na ganito, yung tanong mo nalang na maging girl friend mo ako yun nalang, handa naman ako sagutin ka ng "oo" kahit pa "i do" pero ng gabing yun, ng sabihin mong..