"Sorry, sinubukan ko naman.. Pinilit ko na ibalik lahat sa dati, kaso hindi ko pala talaga kaya. Ikaw yung kauna-unahang minahal ko at sa tingin ko mananatili nalang iyon doon. Patawarin mo sana ako, hindi na kita mahal kagaya ng pag mamahal ko sayo dati.. yung ngyon kasi, parang kapatid nalang kita"
Hindi ako makasagot, gusto kitang saktan pero hindi ko kaya. Naiinis ako sayo! Sana sinabi mo nalang ng mas maaga diba? Ang sakit e, gusto ko umiyak pero ayoko na makita mo yung mahina na side ko, ayoko na kaawaan mo ako, bumalik ako sa kotse mo.. Sumunod ka at nag drive na pauwi, walang nag sasalita satin hanggang sa makarating sa may kanto malapit samin, pinahinto ko ang sasakyan sayo. Nagulat kapa ng una pero inihinto mo din, bumaba ako non agad. Hindi na kita nilingon pa, ayoko, ayoko na makita ka. Sobrang sakit e! Durog na durog ako. Siguro nga kaya lang nasasaktan ang isang tao dahil hindi pabor sa gusto nya ang nangyayari, at oo hindi talaga pabor sa gusto ko ang nangyari. Hindi ganito ang inaasahan ko, sobrang sakit na wala akong ibang ginawa kundi umiyak sa kwarto, ilang linggo akong ganon wala akong kinakausap at walang nakakaalam sa nangyari.
Kung merong friend zone, best friend zone, badtrip kasi meron ding family zone! at sa kasamaang palad yun yung nangyari sakin. Gusto ko lang naman sumaya kaso binully pa ako ng tadhana. Pinilit? So all those time pinipilit mo lang pala? Napipilitan ka lang pala? Sobrang sakit e! Na family zone na nga tapos napilitan pa? Aray grabe! Para akong na'late sa class, bumagsak sa final exam tapos habang pauwi ako natalsikan pa ako ng putik dahil sa bwisit na motorsiklo pero bago pa ako makauwi e na'holdup pa ako, kinuha na nga lahat sakin ginulpi pa ako tapos inakyat ako sa pinaka mataas na building tsaka hinulog at bumagsak sa matigas na kalsada na kasalukuyang may papadaan na truck at sinagasaan pa ako pero sa kasamaang palad, buhay padin ako! Badtrip ganon kasakit. I just want to be your end game pero naging phase lang ako sa buhay mo. I hate it, i really do!
Bes! Nakatulala kana naman.
Ha? Ahh, s..sige. Teka ano nga ulit yung sinasabi mo?
Haynako! Sabi ko sure kana ba sa damit nato? Mala'late kana kasi sa party nya.
Oo naman, tsaka pag nag pula ako baka umatras pa si red sa engagement party niya!
Engagement party.. Ikakasal na sya pero ako andito mahal padin sya. Ganon naman talaga siguro kapag mahal mo.. Okay na sakin na makita syang masaya kahit hindi ako yung kasama nya, kahit yung pangako nya sakin dati e sa iba nya na tinupad.
Siguro nga sobrang tangkad ni pagsisisi kaya laging nasa huli...~wakas~