Ainna's POV
Bitch, whore, addict, pala-away, worthless, tanga, fuckgirl, ahas, lahat na siguro ng masasamang mga salita, natanggap ko na. Well, sorry ha, sana'y na 'kong marinig 'yang mga salitang 'yan.
Since I was grade 9, manhid na ako sa mga salitang 'yan. Well, noon hindi naman totoo yang mga salitang 'yan except sa pala-away pero 'di naman ako yung o.a. mang-away noon. Yes, NOON. Dahil ngayon, kung sino- sino na lang ang ina-away ko, dahil trip ko.
Dahil sa pagiging medyo pala-away ko nung grade 8, doon nagsimula ang pag-tukso nila sa akin ng mga napaka sakit na mga salitang yan. At dahil na sobrang nasasaktan na ako sa mga sinasabi nilang hindi naman totoo, ginawa ko na ito. Naging sikat na ako sa school namin in a negative way. Pero kahit masama ugali ko, pag may boyfriend ako, sineseryoso ko. Duhhh hard to get akong babae noh! Pero kahit na ganito ako, Top 1 ako sa klase at sa batch namin. Kadalasan din akong lumalaban sa ibang school sa academics at sa sports. Aside sa academics at sports, lumalaban din ako sa mga singing competition pero hindi naman yung tipong pang baranggayan okay? Basta yun.Meron akong nag-iisang loyal na kaibigan(as in friend) na si Dominic. He's defenitely the opposite of me. Except pag dating sa academics and sports dahil magaling din siya sa mga ganyan. He likes singing but it's not his passion. Dominic and I are batchmates and for my whole highschool life lagi ko siyang kaklase pero this grade 10 lang kami naging sobrang close. Nung elementary days, naging classmate ko na rin naman siya. Actually, hindi namin tinuturing ang isa't isang mag bestfriends dahil we're more than that. Mag kapatid ang turingan namin sa isa't isa.
Dominic...uhmm he's not my type actually even though with all his looks and evrything positive, nahhh... Don't worry, matagal ko na rin naman naiisip na kung bakit hindi ko man lamang siya naging crush. Or kahit i-admire ko lang.
So here's the thing, alam kong may gustong sabihin sa akin si Nic(Dominic) na matagal na niyang tinatago. Halata naman kasi masyado na crush niya si Dianna eh... 'Di lang umaamin sa akin 'tong lalaking 'to!
Ngayong grade 10 ko lang naman nahalata na may crush siya kay Dianna. Pero, it's like 50-50. Kasi parang 'di niya naman talaga crush si Dianna. Tinutukso lang naman talaga namin siya.
Yung feeling na, gusto kong maging crush si Nic pero parang may barrier na hindi talaga? Like, gusto kong kiligin sa kanya pero walang nagyayari, gusto kong ma-fall sa kanya. Medyo marami na rin akong nagawa para maging crush ko siya pero wala talaga.
Mas ginusto kong maging crush si Nic last summer dahil gusto kong makapag move on. Makapag move on sa lalaking dinurog ang puso ko ng sobra sobra. Si Jermy. Siya yung lalaking iniyakan ko gabi-gabi. May mga araw na ayoko na talagang pumasok ng school para lang 'di ko siya makita. Si Jermy na kasi yung lalaking tumagal talaga sa akin. 1 year, 2 months, and 3 weeks kaming tumagal ni Jermy. At sa gabi-gabi kong pag-iyak, wala akong karamay dito dahil nga sa masama ang image ko sa school. That time kasi, 'di pa naman kami nun close ni Nic, kaya wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Dahil kay Jermy, wala akong nakuhang medal nung grade 9 dahil sa sobrang depression ko. Bumaba ang grades ko dahil dito. Pero nasa top 10 pa naman ako ng klase, kahit nga top 10 ng batch di ko na inabot yung kailangan na grade eh dahil sa problema ko.
Alam naman ng parents ko ang problema kaso wala sila sa Pilipinas para mag comfort sa akin. Nakapag share naman ako sa kanila pero siyempre iba naman kapag kausap mo yung tao ng personal. Gusto naman sana nilang umuwi kaso lang hindi puwede dahil walangmag aasikaso ng business namin sa Canada. Ang bagay lang na 'di alam ng parents ko is umiinom na ako, nagsisigarilyo, pero 'di naman yung tipong adik na ako. Minsan ko lang naman ito ginagawa.
Siguro sa buong buhay ko si Jermy na yung pinaka perfect na lalaking nakilala ko. Kaso in the end, hindi pala. Dahil din kay Jermy kaya ako naging ganito. Bitch, maldita, pasaway, masama, pala-away, etc.
Bilib nga ako kay Nic dahil napag tiya-tiyagaan niya ako eh. Nahhh... Pagdating kay Nic, kabaligtaran ako ng mga nakikita ng mga tao. Ako yung taong marespeto, mabait, masunurin and everything positive. Kahit sa bahay ganun ako. Di ko na maintindihan sarili ko eh. After ng lahat ng nangyari sa amin ni Jermy.
Hanggang ngayon umaasa pa rin ako kay Jermy. Oo, mahal ko pa siya kahit may iba na siya. Bakit ba kasi ako nagkaka ganito sa isang lalaking nang-iwan na lang basta basta sa ere?
So anyway, Ang parents ko ay nasa Canada because of our business. Doon na kasi umunlad yung Café namin kaya di nila maiwan.
Wala na nga akong parents na kasama dito sa Pilipinas, wala pa akong kapatid. Yes, solong anak lang nila ako.
Sa bahay, meron akong dalawang katulong at isang guard. Si Nanay Yolie, yaya na siya ni mommy simula nung 10 years old siya, si ate Kat, kinuha siya ni mommy mula sa isang agency pero, matagal na rin naman siya sa amin simula pa nung 5 years old ako. Si kuya Ronald siya naman yung guard namin, nagtratrabaho siya dito sa amin since I was 7. Kinuha siya nila mommy dahil nanakawan na kami ng isang beses nung 7 years old ako.
****enough with the introduction, let's begin the story****
YOU ARE READING
You Only Live Once
JugendliteraturY.O.L.O You Only Live Once Ibig bang sabihin nito na you have to try everything? You have to do neither bad nor good? Or YOLO dahil you have to change your life and live to the fullest?