AN: Actually one shot lang po sana talaga ito kaso naisip ko na dapat rin nating malaman ang side ni Boy, that's why I made 2 chapters (Her side and His side). Hwag kayong mag-alala completed napo yan.
*********
Her Side
Ma'am Tess Cruz was my favorite teacher since the day na tinapakan ko ang highschool life dahil sa galing niya sa pagtuturo at taglay na kabaitan, pero nagbago yun nang maging guro ko si Sir Rey Del Fante.
Bakit?
Cause He gave us a moment.
He gave me and my 4 year crush Ryle Sebastian a moment!"Joy, pumunta ka sa section Venus. Tell Ryle Sebastian na magkakaroon ng tournament ang team niya sa basketball sa darating na Intramurals. " Ani Sir Rey sakin.
What? Ryle Sebastian as in Ryle my forever loves?!
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko nang marinig ang kung anong inuutos saakin ni Sir.
Of course they all know. They all know kung gaano ako kabaliw na baliw sa lalaking yon!
Alam nilang lahat mapa babae man o lalake na first year high school palang crush ko na siya.
At syempre dahil alam ito lahat ng kaklase ko ay malamang alam rin ito ng lahat ng aming mga nagiging guro, including Sir Rey. Kaya alam kong ako ang inutusan niya ngayon dahil don! And it's so embarassing!
"Dali na Joy! Isama mo si Rachell para may magbuhat sayo pag hinimatay ka." si Sir sabay halakhak.
E kung saksakan ko kaya si Sir ng ballpen hanggang fallopian tube? De joke!
"Sir ayoko po, iba nalang. "
No way in my life na pupunta ako dun, siguradong maiihi ako sa pantalon."Pag hindi ka pumunta,asahan mong bagsak kana sa English 10 mo." Ani Sir sa seryosong mukha.
Seriously!?
Kaya ayun, wala akong nagawa kundi ang pumunta sa classroom ng section Venus. Pero syempre, dinala ko talaga ang kaklase kong si Rachell dahil ika nga ni Sir "para buhatin ako"