She's not the girl of my dreams

31 0 0
                                    

Uso pa ba kaya ang harana?Sa panahon natin ngayon,madali na ang manligaw.Pag nagholding hands,mag-on na.Hindi na kailangan ang dumaan sa butas ng karayom.Pero dahil ako ay makaluma,sisiguraduhin kung paghihirapan ko ang panliligaw sa aking iniirog.Lahat gagawin ko,makamit ko lng ang ang matamis niyang OO.Aaminin ko,isa akong napaka-korni na nilalang,maniwala't man kayo o hindi ako ay LALAKI..Tama ang pagkakabasa niyo,I'M A GUY.Ngunit sa ngayon,hindi ko pa nakikita ang The Girl of my Dream's kaya hindi ko pa magagawa ang plano kong mangharana.. 

..... 

..... 

Noong high school pa lng ako,palagi kong sinasabi sa mga barkada ko na ang Dream Girl ko ay yung mga tipong hindi makabasag pinggan.I like girls na babaeng-babae talaga pumorma,yung mga naka sleeveless at nka sandals o close shoes,mas maganda kasi silang tinggan kapag ganun ang suot nila.Sa totoo lng,madaming ganyan sa school pero ni isa wlang nangibabaw.4th year na ako nun nung makita ko siya,ibang-iba talaga siya sa mga babaeng gusto ko.Lahat ata na katangian na pinapangarap ko sa isang babae ay siyang kabaligtaran naman niya.Siya kasi yung babaeng parang nakalulon ng isang megaphone,sobrang lakas kung magsalita,at parang may demolition team kung kumilos.Naku kapag nagkukulitan sila ng mga barkada niya siguradong intensity 7 na lindol ang mararamdaman niyo.Sa 4 na taon ko dito sa aking beloved alma mater,ngayon ko lng siya nakita.Una ko siyang napansin noong tumatambay kami ng aking barkada,hamakin niyo namang bigla na lng sumigaw,hindi ko inaasahan yun kaya sa aming magbabarkada ako lng ang talagang nagulat.Nagkita ulit kami nung papunta kami sa last subject namin sa pang-umagang klase,malelate na kami nun pero mas nalate kami ng tuluyan ng hinarangan kami nila,nila as in yung babaeng nakalulun ng megaphone at ng kanyang mga tropa.Aba'y binentahan lng naman kami ng binake nilang cheesecake sa kanilang cooking class,at dahil maraming alaga sa tiyan mga kasama ko,ayun pinkyaw lahat at nung maubos ang kanilang paninda may patalon-talon effect pa ang babae.Ang ending naming mag-tropa,isang napakahabang speech galing kay Miss Reyes,physics teacher namin.Palagay ko nga ako lng ang nababadtrip sa pinagagawa ng babaeng yun,sabi nga ng isang kabarkada ko... 

"Pre,alam mo bang The more you Hate,the more you Love" 

Hahahaha..Baklang-bakla ako dun ah,hindi ko naman sinabing hate ko yung girl eh,hindi ko lng talaga siya feel.Ewan ko nga ba kung bakit mula noong sinabi yun ng kaibigan ko,palagi ko na lng siya makikita at sa tuwing magkikita kami,palagi na lng siyang tinutukso ng mga kaibigan niya at nagsisikuhan pa talaga sila,baka may natitipuhan sa mga barkada ko.Marami pa talagang ginawang ka-wierdohan ang babaeng yun,at sa loob ng isang buong pasukan nasasaksihan ko talaga iyon.Pero may isang ginawa talaga ang babaeng yun ng nagpaiba ng pananaw ko sa kanya,at yun ang nagpabago sa babaeng pinapangarap... 

Patapos na ang klase namin nun,nasa 2nd floor ang aming klase at dahil lunch break na namin gutom na gutom na talaga ako ang mga alaga ko siya tiyan ay nagheheadbang na.Naglalakad ako mag-isa,ang mga adik ko kasing kaibigan ay napakabilis maglakad kaya ayun,naiwan ako ng may narinig akong kumakanta.. 

"Naranasan mo na bang,mawalan ng makakasama 

sa gitna ng daan,hindi alam ang pupuntahan.

Huwag mag-alala,hindi kita pababayaan, 

sa iyong tabi,ako ay iyong maasahan"

Wow,ang ganda ng boses,pero Sh*it lng,yung girl ang kumakanta.Maganda pla boses nun,tinitignan ko siya nun then nagulat ako nung tumungin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.Hindi ko maintindihan kong anong nangyari sa kin,bigla na lng sumakit ang tiyan ko dala lng kaya ito ng gutom ,pero nagkakamali pala ako dahil nung nag-smile siya sa kin,bumilis ang tibok ng puso ko.SHIT!!!Parang kinilig ako dun ah.Ito na ba ang sinasabi nilang love at first sight.Wait lng,hindi naman yun ang una naming pagkikita ah,nakailang ulit na nga kaming nagtagpo ngunit ngayon ko lng nakita ang magandang side nya.Yung side na hindi maingay at wlang ka-wierdohan na ginagawa,kahit papano pala ay mayibubuga rin siya.Natauhan na lng ako ng marinig ko ang sigaw ng kabarkada ko,tinignan ko ulit yung girl,kumakanta parin siya pero hindi na nakatingin sa akin.Mabilis kaming pumunta sa canteen,doon kasi kami kumakain ng barkada,mga tamad kasing lumabas ng school campus pag lunch break mainit raw kasi.Mga baklang to..Mabilis kong kinain ang pananghalin ko,napawi nga ang gutom ko,pero hindi mawalawala itong mabilis na pagtibok ng puso tuwing naiisip ko ang tinig nya.Pagkatapos naming kumain,pumunta kami sa tambayan namin,wla naman kaming ginawa kundi mag-jamming lng,syempre ako naman ang guitarista.Kanta rito kanta doon.Hindi naman maganda boses ko pero ewan ko ba ako na lng palagi ang singer dito.

She's not the girl of my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon