KABANATA 3
"That was..."
I cut him off when I was immediately snapped out of my senses at kumawala sa yakap niya. Humakbang ako paatras at tumalikod upang tumakbo palayo. Hindi ko na inintindi ang babaeng kausap ni Alexis kanina.
Naririnig kong sinisigaw niya ang pangalan ko kaya naman mas binilisan ko pa ang takbo papuntang elevator. Agad naman bumukas ito at dali-dali akong pumasok sa loob.
Sa sobrang pagkataranta ko ay ilang beses kong napindot ang close button sa elevator dahil naaaninag ko na ang katawan ni Alexis.
Bago tuluyang sumara ang pinto ay halos mawalan ako ng hininga ng makita ang malamig na mga mata niya.
Napasalampak ako sa dingding ng elevator dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko sa nangyari. I've been kissed by guys before pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. There's just something in him na I can't point out. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito.
Nakaramdam ako ng kirot sa ulo. May hangover pa yata ako. Gusto ko na lang matulog buong araw at ipahinga ang katawan ko. Umaga pa lang pero pagod na pagod na ang pakiramdam ko.
Dumiretso ako sa unit ko ay inencode ang password. Napaatras ako ng pagdating ko sa sala ay nakupo si Mia at Dale na nay seryosong ekspresyon sa mukha. Napatingin naman sila pareho sa akin
"Where the fuck have you been Alex?!" Sigaw ni Dale ng maglakad siya palapit sa akin. Agad niya akong hinatak at niyakap ng mahigpit.
"Saan ka ba napunta kagabi? Iniwan mo ang lahat ng gamit mo sa pwesto natin at ng hanapin kita, hindi kita makita." Saad ni Mia sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Sorry. Nagkaroon lang ng emergency." Saad ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong nangyari. Knowing Dale, sigurado akong magagalit ito ng sobra.
"Really, Alex? You think I'd believe that?" Saad ni Dale ng bitawan niya ako.
Bumuntong hininga ako, "Can we let this one pass? Pagod na ako at gusto ko na talagang magpahinga."
Matagal akong tinitigan ng dalawa bago magsalita si Dale. "Alright. I'll let you rest baby. Aalis na kami ni Mia." Saad niya at hindi nakaligtas sa mata ko ang paghapit niya sa beywang ni Mia.
Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya ngunit hindi na ako nagsalita.
"Iniwan ko na ang gamit mo sa kwarto mo." Saad ni Mia at marahang ngumiti sa akin.
"Sige na, makakaalis na kayo. Mag-ingat kayo pareho. Drive safely, Dale." Saad ko at hinalikan ang pisngi nilang dalawa.
Nang makaalis ang dalawa ay pumasok na ako ng kwarto at nagpahinga. Agad akong dinalaw ng antok dahil sa pagod.
"Ena, please go to my office and send me the draft papers. Dalhin mo na din ang schedule ko for today." Saad ko sa secretary ko habang naglalakad papuntang office ko.
Nandito ako ngayon sa trabaho ko. Hindi ako nakapasok kahapon kaya naman sigurado akong natambak nanaman ang paper works ko. Isa akong sikat na interior designer.
May kumatok sa pintuan ng office ko at ng bumukas ito ay iniluwa nito ang secretary ko. Nakikita ko pa lang ang hawak niyang mga papel ay sumasakit na ang ulo ko.
"Ma'am, tumawag po si Mrs. Villante kahapon. She arranged a meeting with you at 3pm today." Saad niya at nilapag ang mga papel sa mesa ko.
"You also have a meeting kay Mr. Co before lunch para sa finalization ng project niya with you." Dagdag pa niya habang tinitignan ang notebook niya.
BINABASA MO ANG
Maybe One Day
RomanceOne name, two individual. Right love, wrong time. How much sacrifices are they willing to make for the sake of love and happiness?