#MANHID

83 4 8
                                    

Lorraine's P.O.V.~

Oh my gosh.. I'm so nervous! Grade 1 ka na Lorraine! Mag aral ka ng mabuti! Okay?

Ako si Lorraine, hi! Nakita niyo naman sa intro diba? I'm just a weird little girl in this lonely world of mine.. Papasok na ako! Babay!

Pagpasok ko ng classroom, may nakita akong boy! Pangalan niya, MARK ROUNDEL P. MENDOZA. Ang cute niya.. Hehe.. Makatabi ko nga..

Umupo ako sa tabi ni Mark tapos inayos ko sarili ko at nakatingin lang ako sa harapan kasi awkward siya at tahimik lang..

Binigay ko kamay ko sa kanya at ngumiti " H-hi.. Ako nga pala si Lorraine! Nice to meet you! " Nanginginig yung kamay ko pero may naramdaman ako na humawak sa kamay ko " Hi rin. Ako si Mark. Nice to meet you. " ay, ang sama naman... Pero hinawakan niya kamay ko eh? Hehe...

***

Matagal na.. 3rd quarter na.. Magkakaclose na kami! Kami nila Mark, Fatima, tsaka ni Keilah! Good friends, all is well!

Music time na, tinawag kami ni Sir Jesse " Lorraine, recite. " pumunta naman ako sa harapan. Nang natapos na ako, tumabi ako kay Mark. Tapos may narinig akong sigaw
" Yieee! Sila Lorraine tsaka Mark! Crush ni Lorraine si Mark, AYIEEEE!!! " si Keilah... Pala... Inasar kami ng buong klase tapos napalingon ako kay Mark. Nakatingin lang siya sa sapatos niya tapos simula nun... Di niya na ako pinansin in any way.. Natapos yung buong elementary school ko ng ganun...

*** THE PRESENT ***

Twin Star high...... This is the school.. Mayayaman dito, mayayaman din kami! Transferee ako nung Grade 7 eh wala! Loner pa rin... Pagpasok ko nung first day, anduon sila Mark tsaka Ram.. Naglalakad. Si Ram, naka akbay kay Mark habang kinikindatan yung mga babae na may makakapal na make up sa mukha nila.

" Hey ladies! Ang gaganda niyo naman! " pambobola ni Ram sa mga babae. Sa right side, nakalagay yung mga fangirls ni Ram. Nakasulat sa mga cartolina, illustration board, colored paper, manila paper, yung iba pa nga eh may t - shirt tsaka sapatos, skirt na nakalagay mukha ni Ram tsaka accessories din eh! Nakasulat pa sa mga braso nila

* Ram I HEART U
* Ram asawa kita!
* Ram dream boy kita!
* Ram, naglalaro ka ba ng PVZ? Potato mine ka ba? Because you are, MINE
Putcha wagas kung maka fangirl ng mga babae na ito! Sa left side naman.. Yung.. Kay Mark.. Mga wagas din kung maka fan girl! Parang mamamatay na

Tumakbo ako papuntang kaliwa pero unluckily, nadapa ako sabay na rin pagbagsak ng mga libro ko.. Suddenly, hays.. May dumating na bully! Shet! Si John. Tss, akala mo kung sino naman!

" Oh, so sa'yo pala tong mga libro mo Lorraine? Might as well punitin ko! " at pinunit niya nga libro ko " U-uy! Akin na yan! " kumukulot na boses ko kasi paiyak na ako! Kahit na kaya ko naman yun palitan, mahalaga pa rin yun noh! " Akina na 'yan! " kinuha niya naman salamin ko " W-WAG!! Parang awa mo na! Mahalaga 'yan please! " at binali nya rin! Putek na lalaki na 'yan!

" Ba-Bakit mo ginawa iyon?! Akala mo kung sino ka?! " kinuha niya naman yung harap ng uniform ko tapos naangat ako galing sa lapag " P-please! Tama.... Na!.. " na cho - choke na ako kasi ang higpit eh! Parang papatayin ako neto eh!

" Bitiwan mo siya! " may maliit na babae na may pony - tail na kulot tapos nakalugay yung back portion ng buhok niya. " At sino ka naman? Sino ka na pagsalitaan ako?! " tss. Arti artihan pa, di nalang ako bitawan! Aba eh gago pala 'to eh! " Sino ako? Si Scarlett! MGA U*** " si Scarlett pala siya! Sikat siya na maganda pero maliit tapos ang lutong ng mura niya ah

" Eh paano kung ayaw ko? "

" Palagan kita gusto mo? "

" Eh paano na 'yan? " pumito si John. Pinalibutan kami ng barkada niya. Lima sila eh! Kasama na 'dun si John

#MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon