Dear You

19 0 0
                                    

Disclaimer: Any situations, names, establishments, etc., similar to the cited scenes are unintentional. Please be reminded that this is only a work of the author and it has no intention to bypass anyone's rights. Thank you!

Enjoy reading.
~

"Alam mo Lor, walang mangyayari sa buhay mo kung hindi ka bibitaw" Heto nanaman po sila, inuulit nanaman ang mga sinabi kahapon. Sa totoo lang, ilang linggo nang paulit-ulit yang sinasabi nila pero wala pa ring epekto sa'kin.

" At saka hindi lang yun. Oo, naiintindihan ka namin na nasasaktan ka. Pero kasi sa nakikita namin hindi na tama yung ginagawa mo"

Sa totoo lang, sobrang naiintindihan ko sila at alam ko rin talaga na hindi na'to tama. Pero kasi kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili ko na mali na ginagawa ko, pakiramdam ko tama pa rin ito.

Two years and a half, isipin mo? Kinaya ni Matrix isuko ang dalawang taon at kalahati ng wala man lang ni katiting na paliwanag.

I asked him to stay, talagang hindi ako pumayag sa kagustuhan niya. Kasi wala akong nakikitang rason para bumitaw, dahil ni minsan wala kaming mabigat na pinag-awayan. Tipong aakalain mong ito na.

It was almost perfect. Simula pa lang, hindi mo na maiisip na may posibilidad na magbreak kayo. Sa hindi mo mapaliwanag na dahilan ganuj ang feeling.

Oo, nag-aaway kami paminsan minsan sa maliliit na bagay lalong lalo na sa asaran kasi pikunin ako. Pero wala kaming away na humantong sa isang araw na walang pansinan. Wala, as in wala. Ilang segundo lang ang lilipas bati na kami.

Pero kahit ganun, nagawa niya pa ring bumitaw.

Ewan ko ba! Ang hirap intindihin sa totoo lang. At sarap sanang manisi, yung gusto mong hanapin yung dahilan kung bakit kayo nagbreak at isisi ang lahat ng ito doon. Pero sino ba naman sisisihin ko diba? Wala naman akong pinanghahawakang ebidensya.

Kasalukuyan kaming nasa room ni Mam Pearls, professor ng Feasibility Studies, at kanya kanyang mundo ang mga kaklase namin habang naghihintay sa kanya.

" Hoy! Hindi ka nanaman makikinig!" Hinampas ako ni Jessica sa braso dahilan para mabalik yung atensiyon ko sakanila ni Kathlyn.

Hindi ko alam na kanina pa pala sila nakatingin sakin. Ngayon ay nakatitig sila sakin ng may halong pagkairita at pagkadismaya.

" Hay nako! Kung di ka lang talaga namin best friend matagal ka na namin sinukuan" sabi ni Kathlyn nang may kasamang pag-irap.

Hindi nalang ako kumibo dahil sa nakikita ko mas lalo lang lalala ang pagkainis nila. Maingay ang paligid namin pero nagkaron ng katahimikan sa'ming magkakaibigan. Walang kumikibo ni-isa sa'ming tatlo at wala ding may gustong magsalita.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung magkahiwalay kami ni Matrix. It's really difficult to accept things especially when they're unexplained.

It is very painful.

Alam mo ba yung pakiramdam na nagkaron ka ng Mcdo moment sa Jollibee? Tapos lahat ng tao ay nakatingin sayo? Dagdagan mo pa ng pang-aasar ng soundtrip sa lugar kung san kami nagbreak. Masakit at nakakaasar diba?

Nagmukha akong kaawa awa sa lugar kung saan kami nagsimula. I don't know what's got into him.

Oo, naiintindihan kong busy siya sa pagrereview niya for his CPA board exams. At alam ko rin na kailangan niya yun dahil bukod sa gusto niyang mafulfill ang goals niya for his dream career, ginagawa niya rin ito para sa mga magulang niya.

Pero bakit kailangan bumitaw? Karamihan nga sa mga kasabayan namin, sila pa rin hanggang ngayon kahit nagrereview sila pareho. Pero bakit siya? Bakit siya bumitaw? Bakit kailangan niyang sumuko? Marami ba kong pagkukulang? O baka masyado akong mahigpit? Hindi ko talaga alam, hindi ko maintindihan.

Dear YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon