His Point of View

9 0 0
                                    

I wasn't willing to do this, but I have to. Breaking up with her was my only option. Yan lang ang naiisip kong paraan para hindi ko na siya masaktan pa.

Aminado ako, hindi worth it bitawan ang two and a half year relationship. Pero sa ganitong sitwasyon kailangan, at alam kong maiintindihan niya ako.

Umpisa pa lang sinabe ko na sa kanya, na kung papipiliin ako ay ang pag-aaral ang pipiliin ko at hindi siya. Pero kahit na alam niya yun, mas pinili niya pa ring manatili.

I appreciate that. Sa totoo lang masaya ako nung naging kami.

Every moment with her is treasurable. Simula sa first date to the next, every days we've spent together is a day knowing her more, pa-baby days lalo na kapag tinotopak na, and all the ups and downs nung relationship they were all priceless.

Nasasabi ko nga sa sarili ko na ang swerte ko at siya ang naging girlfriend ko. And I'm very thankful for that. Pero nung nagsimula na akong magreview for my board exams, marami nang nagbago.

Lahat ng oras ko ay masyado nang limited, kahit dates namin minsan kailangan nang ipagpaliban.

Kung noon mahaba haba ang chat conversations namin sa messenger, ngayon maikli nalang. Minsan nga wala pa eh.

Alam kong naiintindihan niya ako, pero nagiguilty ako na hindi ko magampanan ang boyfriend duties ko sakanya.

Sinubukan naming mag-adjust, pero umabot kami sa puntong hindi na talaga kami nagkakaintindihan. Minsan, dala ng pagod, ay nag aaway kami pero hindi ganun kalala. Pero kahit na ganun, nadidistract ako ng sobra at hindi ako makapagfocus sa review.

Hindi ko kayang tiisin na malaman kong umiiyak siya sa gabi dahil sa maliit naming di pagkakaintindihan. At mula non, nagdesisyon akong bumitaw na muna.

Mas mabuti kung maayos kaming maghihiwalay para isang sakitan lang kaysa naman masaktan ko siya ng paulit ulit. Di ko kakayanin yun.

Pumayag ako sa hiling niyang makasama ako on a weekend. Pero buo na ang desisyon ko nung mga panahon ko na yun.

It was hard.

Sinundo ko siya sa school pagkatapos ng klase niya. Sa malayo palang siya nasasaktan nako, kasi wala siyang alam sa mga mangyayari. Nakasuot siya ng blue dress at suot suot niya ang kwintas na iniregalo ko sakanyang kwintas noong first anniversary namin.

Para akong sinasaksak sa puso nung mga panahon na yon. I better make this quick or I'll never be able to leave.

Nagpunta kami sa mall para kumain ng lunch. Sa Jollibee kami kumain nung araw na iyon. Paborito niya kasi si Jollibee.

Naupo kami sa palagian naming pwesto at nag order na ako ng makakain. Pagkatapos naming kumain saka ko na sinabi ang dapat kong sabihin.

"Lorelai"

"Hmm.?" Sagot niya sakin habang nakatingin siya na parang pusa sa'kin.

Yung tingin niyang yun, dun palang mahirap na. Paano pa kaya kung umiiyak na siya.

I took a deep breath before telling her everything she needs to hear.

"I think we need a break"

We had an awkward silence between us. Nakatitig lang siya sakin, pero expressionless ang mukha niya na yon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya, pero alam kong alam niya na seryoso ako sa sinasabi ko.

Mamayang konti ay namamasa nasa na ang gilid ng mga mata niya. Iiyak na siya,. God help me!

"Lorelai, I'm sorry but I think we should uhm.."

"Bakit? Wala naman akong nakikitang dahilan para.."

"Please, let's just break up" putol ko sa sinasabi niya.

Umiiyak siya, naririnig ko na ang mga pagpipigil niya sa kanyang pag iyak. Nasasaktan ako, at the same time nagiguilty. Gusto ko siyang yakapin para huminto na siya sa pag iyak pero hindi ko yun gagawin dahil alam kong hindi ako ang kailangan niya ngayon.

"I'm sorry Lorelai, but I need to do this." Yun lang ang sinabi ko at umalis na.

Nung mga panahon na iyon kinailangan ko na talagang lumayo agad ng walang palipaliwanag dahil alam kong mahihirapan lang ako. Mas mahihirapan akong bitawan siya lalong lalo na kung makikita ko siyang umiyak.

Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan, ayaw na ayaw ko siyang nakikitang nahihirapan.

Umuwi akong nagpipigil ng luha. Hindi ako kumportable sa byahe, nasanay na kasi akong sabay kaming umuwi after a date at pag-uusapan namin ang lahat na nangyari nung araw na yun.

Pakiramdam ko para akong namatayan at nauubusan ng hininga sa sakit.

Pagkarating ko sa bahay ay umiyak ako ng sobra sobra, pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko anumang oras. Wala akong pakealam kung maririnig ako ng mga kapatid ko nung araw na yon, basta ang alam ko sa sarili nasasaktan ako dahil sobra ko siyang nasaktan.

Nagchat siya sakin. She was begging me to take back my words. Pero hindi ko yun magagawa, dahil para sa ikabubuti niya ito. Naming dalawa.

Isang bagay lang ang sinagot ko sakanya na alam ko sa sarili kong hindi yun totoo.

" I don't have feelings for you anymore. I fell out of love."

Pagkatapos nung araw na yun ay hindi na ako masyadong nag online.

Days passed at mas lalo akong nagfocus sa review para di ko maramdaman ang sakit.

Hindi din siya nagpaparamdam.

It's a good thing, but I miss her.

I spent more hours reviewing. Hang out with friends and relatives. At marami pang iba, pero madalas ay nag aaral lang ako.

Okay lang naman ang lahat

Pero hindi madaling magtago.

One day, I had to go to school to fix my requirements. Hindi lingid sa kaalaman ko na may possibility na magkita kami,and we did.

Painful? No, it was death.

I can feel that she's dying inside even if she's doing her best to hide it.

Baby, namimiss na kita sobra. Pero kailangan kong gawin to, para hindi na kita masaktan kapag di ko magampanan ang responsibilidad ko sayo. yan ang tanging nasabi ko sa isip an ko.

It didn't went well, mas lalo ko lang siyang nasaktan. I feel so guilty.
Sana hindi nalang kami nagkakilala kung masasaktan ko rin lang pala siya. Sobrang sakit makita siyang umiyak.

I can't afford losing her, but I can't afford failing my parents. In time I know she'll understand why I did this.

Wala ako sa wisyo nang nakarating ako sa bahay. Wala akong drive mag-review, as in wala.

Gusto ko lang gawin ay humilata at walang gawin.

Walang pasok kinabukasan, pero nakalaan ang araw na yun sa pagreview. Medyo late na ang gising ko pero wala pa rin akong gana para simulan ang panibagong araw.

Nagbasa basa ako para may matapos ako sa agenda ko nung araw na iyon.

Mag-a-alas dos na ng umaga at nagrereview pa rin ako. Wala nang pumapasok sa mga pinag aaralan ko kaya itinigil ko na ang pagrereview.

Nakahiga na ako sa kama pero hindi ako dinadalaw ng antok kaya binuksan ko nalang ang social media account ko para malibang.

As I logged in my Facebook account, the first thing I saw is her post. I'm not numb, I know that letter was for me and it tore me apart.

Umiiyak ako habang binabasa ang post na yun. I can't believe she's setting me free. Alam ko sa sarili ko na ito talaga ang desisyon ko pero hindi ko itatangging nasasaktan ako ngayon.

I'm sorry baby, I really am.

I love you so much and I don't want to fail you. But this time, I have to.
Not because I don't want you in my life, nor I don't see you as a part of my future. Rather, I want to become better.

A better man that you deserve.
A better man that you can be proud of.

Dear YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon