prologue

2 1 0
                                    

Minahal kita pero parang wala ka namang pakialam. Ako na nga yung gumagawa ng paraan upang mapansin mo pero ang manhid mo sobrang MANHID mo.

Hindi mo manlang na appreciate yung mga nagawa ko.

Pagmamahal nga naman oh!
Bakit ang complicated mo.

Hindi ba pwedeng, kapag ang taong mahal mo mahal ka din para masaya na kaagad. Bakit ang dami pang mga problema. Di ko na kaya eh, dahil lang sa pagmamahal na yan.

Di ko na alam ang gagawin ko,

lahat naman ng mga sign na ginawa ko nagkatotoo, torpe ka ba talaga o ganyan lang ang turing mo sa lahat ng kaibigan mo.

Siguro ako lang to na nag aasume na may feelings ka sakin.
feelingera lang talaga ako. Sorry ha. Huwag kang mag alala lilipas din to. Di lang ngayon pero, darating ang araw na wala na. Wala na yung pagmamahal ko sayo.

Pero ngayon ang magagawa ko lang muna ay yung iiyak.  Ilabas ang sakit na nadarama.

Sana hayaan mo muna ako na ganito.

Hindi naman pwede na kapag sinabi ko sa sarili ko na huwag kitang mahalin ay mawala na yung feelings na nararamdaman ko. Tao ako. Hindi remote control na isang click mo lang magagawa mo na kung anong gusto mong gawin. 😭😭

Fuchsiang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon