FB GROUP:
https://www.facebook.com/groups/988909977889463/
FB ACCOUNT:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818
Gusto ko lang I Congratulate and Mr. and Miss FC 2016 na sina Nyda at Tyron. Magkapatid talaga ang Nanalo. Congratulations sa OP din nila. Nagkaruon kasi ng Pageant sa Group namin and we just Announced the Winners. Congratulations sa lahat ng Awardees. Kung gusto niyong makisabay sa mga Kagandanap and Daily Activities you can Join our Facebook Brook. Link is on my Profile and nasa Taas din hahaha.
Anyway Maraming Salamat!
***********
"Gloria ka O dyos..." Napatigil kami ni Rowin sa pagkakanta ng nangibabaw sa pandinig namin ang pagtatalo ni Jake at Tyron
Napatingin kami sakanila na pinag sasalitan si Nyda sa pagkarga. Pero hindi matigil tigil ang pagiyak ni Nyda. Bakas sa mukha ni Tyron ang pagka lito at pagaalala.
"Naiinitan to Pre." Binuhat ito Jake. Samantala ay kumuha ng Pamaypay si Tyron at pinaypayan si Nyda. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Kanina pa tayo labas pasok ng Simbahan ah. Tumigil ka na Please?" Pakikiusap ni Tyron kay Nyda.
"Makikisimba na nga lang tayo magkakasama parin kasi." Napailing iling na sabi ni Gab habang nakatuon ang atensyon sa Misa. "Alangan naman na iwan ko si Nyda sa mga katulong eh day off nila ngayon." Sabi naman ni Tyron. Napatiningin na sa amin ang mga taong malapit sa kinaroonan namin nang bigla lumakas ang iyak ni Nyda eh nasasalita na ang Pari sa harap.
"Aray Ano ba!" Hiyaw ni Jacob nang hinampas siya ni Gab "Hindi ako ang Umiyak!" Sabi pa nito. Mistula kaming naalarma at lumapit kay Jake na karga karga si Nyda na ayaw matigil sa pag iyak
"Akin na nga lang siya." Saad ni tyron at binuhat si Nyda. Hinele hele na ito pero hindi parin ito tumitigil sa pagikbi
"Suotan ba naman kasi ng Gown sa loob ng simabahan." Sabat naman ni Rowin.
"Ano ba kasing Naisip mo bakit Gown ang sinuot mo sa Baby? Nababaliw ka ba?" Saway ko naman dito. Palipat lipat na ang tingin ni Tyron sa amin na para ng nalilito kung sino ang papakinggan niya
"Malay ko ba basta binihisan ko nalang. Ayuuuu Nyda. Baby shhhh.. Don't Cry" Mangiyak ngiyak na sabi nito kay Nyda
"Subukan mong Mag gown malalaman mo ang feelings" Ani ni Jake. Natawa naman kami bigla sa sinabi nito. Nakatiimbagang si Tyron na sumulyap sa kanya. Kung hindi lang niya karga si Nyda at nasapak na niya ito. Habang si Jake naman ay nagpipigil ng Tawa
"Pre nasa simbahan tayo, Mag mahalan daw tayo!" Kunwari ay pagpapakalma ni Jake kay Tyron.
"I Love You Pre!!" Napalakas ang sabi nito nang humakbang palapit si Tyron.
"Yuck!" Sabay sabay naming saad at napatingin ang mga tao sa amin.
"Sobra sobra na ang Kahihiyan na nararamdaman ko." Mahinang saad ni Rowin. Umayos kami at tumingin sa harap na parang walang nangyari
"Ako rin. Sana hindi na lang ako nakisabay sa inyo" Ani naman ni Gab.
"Uwaaaaaa!" Umiyak uli si Nyda. "Shhh. Nyda. tama na muna kakaiyak mo ano bang Problema mo?" Nagaalalang tanong ni Tyron. Hindi na rin ako makapakali dahil iyak siya ng iyak baka naman may sakit siya o nagugutom. Nilapitan ko ang magkapatid. Galaw ng galaw si Nyda pero mahgpit ang pag kakahawak ni Tyron sa kapatid niya
"Shhh. Nyda... Don't Cry Baby." Hinawakan ko ang mga pisngi nito. "Shhhhh" Pinunasan ko ang mga Luha niya
"Halla, Luke tumigil siya." Nanlaki ang mata ni Tyron na tumingin sa akin. Maski ako ay nagulat. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil hawak hawak na ni Nyda at ng dalawang daliri ko dahil ito lang ang kayang hawakan ng maliliit na palad nito.
BINABASA MO ANG
To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITED
RomanceREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Nyda loved Luke for years.Bata palang ito ay Si Luke na ang gusto nito. Si Luke ay kaibigan ng kanyang Kapatid na si Tyron. Walang ibang ginawa si Luke kundi itaboy at balewalahin ang narara...