may mga tao talagang di marunong tumupad ng pangakong binitawan. ipapangakong di ka sasaktan at iiwan, pero bandang huli, wala. sasaktan at iiwan ka din nya.
may mga tao ding di makuntento. ibinigay mo na't lahat-lahat ng gusto, iiwan ka pa rin pala para maghanap ng iba. Yung MAS magpapasatisfied ng gusto at NEEDS nya.
at syempre, sa mundo ng pag-ibig, hindi mawawala ang, TANGA. Tanga dahil sinaktan na nga, niloko, iniwan, pinaikot, ginamit, pinaasa, at kung anu-ano pang pananakit ang ginawa sakanya, hayan, nagpapakatanga at tinanggap pa rin nya ang taong nanakit sakanya sa buhay nya.
and last, but never been the least, ang matatag. Matatag dahil kahit gaano kasakit ang ginawa sakanya, nakayanan nyang magpatawad, mag let go at mag move on. Na sa kabila ng hapding naramdaman nya sa kamay ng taong mahal nya, di pa rin nya maatim magtanim ng galit. At nasa vocabulary nya ang salitang ACCEPTANCE.
ako kaya? alin sa mga yan ang katangian ko pagdating sa pag-ibig?
BINABASA MO ANG
The PROMISES
Randomsabi nila Promises are meant to be broken. mga Pangakong napapako bandang huli. pero sa tingin ko, ang pangako pag di natupad, hindi pa tama ang oras para ito'y maganap. Na may nakalaang panahon para ito'y mangyari at matupad. So I introduce to you...