Best Birthday ever!

227 7 5
                                    

"Happy Birthday Fiel!!" Napalingon ako sa harap ng Class room namin nang makita ko ang mga kaklase ko na masayang binabati ako isa-isa. Parang sila pa yung mas excited kesa sa'kin. Edi sila na magbirthday. Sorry Bad vives lang talaga. Di ko nga alam kung bakit. Siguro dahil di ko pa rin nakukuha yung wish ko na matagal ko na talagang hinihiling. Ang mahalin rin ako ng taong mahal ko. Sana. Habang yinayakap nila ako, palipat lipat yung tingin ko sa paligid ko. Hoping that I could see him. Pero di ko siya nakita. As usual, panigurado absent nanaman siya. Nginingitian ko na lang ng pilit yung mga bumabati sa akin. Kung bakit naman kasi nagmahal pa ako ng taong di ako mapapansin. -.-

"Fiel.. Halika! Dali!" Sabi ng kaibigan ko habang hinihila ako. Sumama na lang ako sa kanya eh may magagawa pa ba ako? Hinihila na niya ako tsaka wala akong gana ngayon. 

"May surpresa kami sayo." Nakangiting sambit ni Resh. Parang may iba sa ngiti niya? Ano yun?

"Tada!" Sabay sabay nilang sigaw habang binibigay yung picture frame ni Harley. 

"Bakit yan? Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko sa kanila. 

"Eh? Ang bitter mo naman." Sambit naman ni April.

"Di ah." Sabi ko.

"Eh ano?" Sabay sabay nilang tanong.

"Kasi ganto yan. Parang sinasabi niyo naman na hanggang sa litrato ko na lang siya na makakasama. Ang lungkot lang. Hanggan dun na lang ba talaga? Di na ba pwedeng mas hihi-"

"Tumigil ka nga diyan! Di mo bagay magdrama." Sabi naman ni Maricar.

"Pagbigyan niyo na. Alam niyo naman..." Sambit ni Kin habang nakangisi.

"Na ano?" Tanong ko naman.

"Hopeless Romantic ka." Sabay sabay nilang sabi. Edi sila na! Oo na. Ganun na ba talaga kalalim ang pagkahulog ko sa kanya kaya? Gusto ko na siyang kalimutan.

"Bakit ka nakabusangot diyan?" Tanong ni Resh.

"Pagbigyan niyo na.. Birthday niya naman." Sabi ni Maricar.

"San tayo ngayon Fiel?" Tanong ni Kin. Ito Talaga kahit kelan.. Ang takaw takaw! 

"Bahala na." walang ganang sambit ko.

"Himala! Pumasok si Harley!" Sigaw ng isa kong kaklase. Napalingon naman ako agad dun sa pinanggalingan ng boses at nakita ko nga siya na papalapit sa akin?

"OMG! Ito na ata Fiel! Magtatapat na siya sayo!" Kinikilig na sambit ni Maricar. 

"Tumigil ka nga. Panigurado naman na lalagpasan niya ako." Sabi ko naman.

"Napakanegative mo talaga." Sabi naman ni Resh.

"Alis na tayo. Hayaan na natin si Birthday girl diyan. Nandiyan na yung regalo niya eh." Sabi naman ni Kin.

Pagkatalikod ko, wala na sila. Iniwan na nila akong magisa. 

Two meters na lang. Malapit na si Harley. 

One meter. OMG! Kinakabahan ako. Pinapawisan na talaga ako. Anong gagawin ko? Malapt na talaga siya! Pero napatingin ako sa baba nung linagpasan niya lang ako. Ang lungkot naman. Kala ko mapapansin niya na rin ako. :( Di pa rin pala.

Napatingin ako sa sa likod ko nung may kumalabit sa akin. Si HARLEY? Nakangiti siya? HIMALA! Di ko nga nakita na ngumiti ito ni minsan! Pero! Shet! Ang gwapo niya! Wag mo akong tunawin sa ngiti mo please... (-/\-)

"Happy Birthday Fiel." Sabi niya. Pano niya nalaman na birthday ko ngayon? Speechless ako ngayon! Napatango na lang ako at nginitihan ko siya.

"Sorry kung wala akong regalo sayo." Sabi niya. Bakit niya ako kinakausap? Di naman kami close? Ang alam ko, kinakausap niya lang yung mga gusto niyang kausapin. So, gusto niya ako??? *O* 

Wag assuming -.-

"A-ayos lang.. Ha-ha." Awkward kong sagot sa kanya.

"Kung pwede lang sana ang puso ko ang iregalo ko sayo.. Yun ang ibibigay ko." Pabulong niyang sabi. Pero kahit papano, naintindihan ko.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"A-ahh.. W-ala! Sige una na ako. Bye. Happy Birthday ulit." Sabi niya at ti-nap ako sa ulo at tumalikod na siya. Tinignan ko lang siya habang sa palayo na ng palayo sa akin. Nung wala na siya, napatalon ako sa sa sobrang kilig! Parang may kumokoryente sa katawan ko! Waaaaaa!! For the first time! Hinawakan niya ako sa ulo, which I find it cute. Ito ang best birthday ko! 

======================================================

A/N: Hi Fiel!!! :))) Sorry di kita mareregalohan ng material thing. Ang layo mo naman kasi. Pero ito na lang naisip ko na regalo ko sayo. Sorry kung pangit ha? Di ko na rin kasi naedit. Magrereview pa kasi ako para sa mga quiz namin bukas. Happy Birthday Fiel :)) Sana masaya ang araw mo. Wag kang magbabago. Isa ka sa mga kaibigan ko dito sa wattpad :) 

Best Birthday ever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon