Sa isang laban may nanalo at natatalo. Sasabak ka pa ba kung sa una palang alam mong talo ka na??*****
Halatang malungkot ang lahat dahil sa nangyaring pagtatapos ng kwento.
"Hindi po happy ending, hindi rin po mala-fairytale. Ang ordinary po ng kwento niyo pero para sakin iyon ang pinakamagandang istoryang narinig ko dahil ipinakita niyo po ang totoong ibig sabihin ng love." sabi ng isang bata. Nasa bahay sila ngayon ng Lolo at nakikinig ng kwento. Araw-araw kinikwento ng Lolo ang naging love story nila ng babaeng sobra daw na minahal niya. Pero hindi matapos tapos dahil sa haba kaya dugtong dugtong ang ginagawa nila kada araw at ngayong araw natapos na nila iyon.
"Dahil sumabak kami sa isang laban na sa una palang alam na namin na matatalo lang kami, Nate." makikita sa boses ni Lolo ang sobrang katandaan niya. Nag-iisa lang si Lolo sa bahay niya dahil may kanya-kanya ng pamilya ang mga anak niya. Patay na ang kanyang naging asawa. Kaya madalas siyang mag-isa at mainip kaya para hindi sya malungkot ay nakikinig ang mga bata sa kwento ng naudlot na pagmamahalan ng babaeng mahal niya. Iba ang naging asawa niya sa ikinukwento niya sa kanila. Ang kinukwento nya ay yung babae daw na minahal niya bago ang naging asawa niya.
"Nanghihinayang lang po kami Lo, bakit kasi ganun pa ang nangyari?" tanong naman ng isa pang batang nakikinig sa kwento. Marami kasi sila.
"Hindi kasi pwedeng lahat ng bagay ay matapos ng maganda. May mga bagay din na dapat matapos sa malungkot." sagot naman ng Lolo sa kanya. "Pero lagi nyong tandaan na-" di na naituloy ni Lolo ang kanyang sasabihin dahil ang mga bata na ang sumagot nun para sa kanya.
"-Theres a rainbow after the rain."
************
