M.U lang kami

628 8 4
                                    

M.U? Ano nga ba ang ibig sabihin ng M.U?

Magulong Usapan, Malanding Ugnayan, Malabong Usapan, Mukang Unggoy, Mag-isang Umiibig, Mahilig Umasa, o Mag-Un. Yan ang mga kadalasang alam niyong ibig sabihin ng M.U.

Pero mas kilala ang M.U sa ibig sabihin na, Mutual Understanding. Yan ay yung parehas kayo ng nararamdaman sa isa't isa, pero hindi kayo. Posibleng may isang hindi pa handang pumasok sa isang relasyon, o baka nga naman landian lang at libangan lang ang lahat. (although masakit yun kung ganun.)

Basta yan yung status na kung saan ay, may tawagan kayo, sweet kayo, pero walang commitment. Walang kayo. More than bestfriends, but less than lovers. Kumbaga, parang kayo, pero hindi kayo. Ang gulo right?

Pero ang M.U talaga ay yung, Masaya sa Umpisa pero Masakit Umasa...

***

"Jessica," Napatingin ako sakanya, sa lalaking mahal ko, na kasalukuyang nasa tabi ko ngayon. Nakaupo lang kasi kami habang nagiistar gazing dito sa rooftop.

"hmm?" 3months na kaming mag M.U. Hindi ko pa kasi kayang pumasok sa isang relasyon dahil naniniwala ako sa salitang, true love waits. Yup, so it means no boyfriend since birth ako! Mas mabuti narin siguro ang M.U lang kami... No commitments, basta mahal namin ang isa't isa. Dipende nalang siguro kung mas patunayan niya pa na mahal niya ko atska ko siya sasagutin ng matamis kong "Oo".

"Mahal mo ba ko?" Nabigla ako sa tanong niya. Ang seryoso kasi.

"O-oo naman." Utal-utal kong sagot. B-bakit ba ganito? A-ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Mahal rin kita," Hinawakan niya yung kamay ko. "Alam mo, Jes, kung minahal mo lang ako para saktan," Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang sinasabi yun. Ano bang pinagsasabi niya?

"Sana niyaya mo nalang ako ng suntukan." Napangiti ako ng sabihin niya yun, kaya nabatukan ko rin siya ng wala sa oras.

"Ang corny mo talaga!" Sambit ko sabay iwas ng tingin sakanya. Bwisit! Ang corny!

"Pero... seryoso ako dun," Napatingin uli ako sakanya at nakita kong nakatingin lang siya sa kawalan.

Mahal na mahal ko talaga siya. Kakaiba kasi siya para saakin. Pero may mga oras rin naman na tinanatanong ko sa sarili ko kung, 'seryoso ba talaga siya?'

Hindi naman siya nagpapromise saakin na hihintayin niya ako, basta ang sabi lang niya maghihintay siya hangga't kaya niya at di naman rin siya nagmamadali. that's it.

"Jessica, bakit ka nga uli hindi pa nagkakaboyfriend?" He asked again.

Tumingin ako sa langit at ngumiti, "True love waits..." I answered.

"Kaya nga naghihintay ako e." Napatingin nanaman ako sakanya. T-tama ba yung narinig ko? Haaay alam mo gusto ko ng maging tayo. Gusto kong maging akin ka na. Kaso, ayokong masaktan... True love waits right? at ayokong magmadali. Sabi kasi ni God, kaya daw maraming broken hearted na tao sa mundo dahil di nila sinsunod yung napaka simpleng instruction na sinabi niya na, Wait for the right time.

M.U lang kamiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon