Chapter 1: THE BEGINNING !

5 0 0
                                    

"Roshan!! pasok ka na dito malapit nang umulan" sigaw ng lola nya

"opo !' hi ako nga pala si Roshan Akira Fey Antonino hhmmm mahirap lang kami. kasama ko lang yung lola ko dito sa probinsya namin. Tinutulungan ko lang ang lola ko sa pag aalaga ng aming mga lupa

"oh apo , mag pahinga kamuna , gumawa  ako ng pande coco para sayo "  lola ko nga pala sya ang kasama ko lagi. Nanay na rin ang turing ko sa lola ko l

"nasan na lola nagugutom narin ako ehh , for sure masarap yan " apple pie ang paborito kong pagkain , nakatira lang pala ako sa bahay ng lola ko at kaming dalawa lang ang naninirahan dito kaya medyo tahimik at mukhang malaki ang bahay dito. 

"ay nga pala yung test mo bukas ng hapon mag sisimula, mag bisikleta ka na lang papunta doon"

"opo lola " mahirap lang kami kaya hindi ako nakapag aral para sa test na yun. kailangan kong humabol sa pag aaral kasi lagi akong tumitigil sa pag aaral

biglang kumulog sa labas at umulan ng malakas. Patay ako nyan basa yung daan sa pag alis ko.

nag handa na ako ng gagamitin ko sa test nag dala lang naman ako ng baon ko at panulat lang 

"Lola aalis na po ako baka malate pa po ako ehh " buti tumigil na yung ulan 

"Ingat sa test mo apo " sigaw sa kin ni lola 

Pumunta ako sa likod ng bahay at kinuha ko yung bisikleta ko. Hay !! ang daming putik, sarap naman ng simoy ng hangin. Sarap sa pakiramdam dito sa probinsya parang ayaw ko na umalis dito at  malayo ito sa city kaya ganto na lang ang pagmamahal ko dito. 

mga 20 minuto na ako nag bibisikleta at sawakas na karatin narin sa school na pagtetest ko ,nag tanong ako sa manong kung pano makapunta sa guidance room. Tinuro sa akin ng manong at kumatok sya 

"Excuse me po, meron pong nag hahanap sa inyo" sabi ni manong 

"Ah, baka sya na yung mag tetest, sige papasukin mo na sya " sabi ng babaeng guidance 

grabi ang lamig sa loob naka aircon pa sila merong 3 babaeng councilor at 2 lalaking councilor din. May sarili silang office.

"Upo ka, ito yung mga test papers mo" sabi sakin ng babae. Sheril yung pangalan nya dahil sa name tag nya 

"Salamat po ate Sheril" sabi ko 

" Amh.. sabi sakin ng lola mo nag stop ka daw ng pag aaral nung grade 5 ka, Bakit ?"

Ayaw kong sagutin yung tanung nya masyadong pribado para sakin yun, kaya di ko na lang sya sinagot.

"Okay" sabi sakin ni ate Sheril 

"ilang oras lang po meron ako para matapos ko ito?"

"4 na oras lang, hanggang 300 questions yan halo halo na ang science, math, at english dyan . wag kang mag alala kaya mo yan "

"thank you po" sabi ko sa kanya 

"ahh sige, ito na simulan mo na pag natapos ka na dun ka naman sa next na test paper dyan  "

Umalis na si ate. Ok lets rock and roll. sagot lang ako ng sagot. Kada tapos ko sa isang test binibigay ko kay ate tapos nilalagay nya sa machine 

AFTER 2:30 mins 

inaanseran ko na yung pang grade 10 na test, nasa kalagitnaan na ako ng test ko nang may narinig ako na boses ng mga councilors nag bubulungan 

" Guys tignan nyo to, naka 5 test na sya at iba't ibang grade level to na perfect nya lahat" sabi ni ate sheril ng pabulong. Kunwari naman ako na nagaanser lang ng pagsusulit 

let's play the game of lost and love !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon