Warning!!!
Dahil nga Book 2 ito ay kailangan niyo munang basahin ang Book 1 nito para mas lalo niyong maintindihan ang kwento. ('°‐°`).. That's all, Thank you! (*˘˘*).。.:*♡
Enjoy! (*˘˘*).。.:*♡
---
Prologue
Isn't it ironic?
We ignore the ones who adore us, adore the ones who ignore us. Love the ones who hurt us and hurt the ones that love us.
Bakit kaya maraming nagkakamali pagdating sa love?
At dahil nga maraming nagkakamali, maraming nasasaktan.
Wala namang masamang magmahal, hindi naman kasi natin kayang pilitin ang puso nating mahalin ang isang tao.
Hindi rin naman masamang lumaban, sabi nga nila kung mahal mo ipaglaban mo. Pero not to the point na ikaw nalang ang lumalaban, hindi mo na pala alam na iba na ang ipinaglalaban niya at hindi ikaw 'yon.
Kung ganun lang naman eh, it's better to let go at pagbigyan ang ibang tao na pumasok sa buhay mo. Wag kang matatakot buksan muli ang puso mo.
Kasi hindi mo alam meron din pala diyang isang taong matagal ng nage-effort para pasayahin ka, mahalin at handang lumaban kasama mo.
Masyado ka lang nabulag kaya hindi mo ito makita at kung sakaling makita mo na itong taong ito ay wag na wag mo na itong bibitawan pa, dahil mahirap ng magkaroon ng regrets.
Sabi nga nila hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Ang magagawa nalang natin ngayon ay tanggapin ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan.
Pero sadyang mahirap tanggapin ang kasalukuyan lalo pa't wala na siya sa tabi mo.
---
It's been 5 years mula ng mawala si Riley. She's gone because of me.
Minahal niya ako pero binaliwala ko lang siya and that was the biggest mistake of my life.
If only I can turn back time, sisiguraduhin kong babatukan ko ang past self ko para maaga itong matauhan.
Pero hindi eh... Hindi na kaya at hindi na pwede dahil wala na siya.
"Kuya Angelo, ang tagal mo mal-late na tayo" sigaw sakin ng kapatid kong si Angela mula sa baba.
Nagmadali na akong bumaba dahil kanina pa sigaw ng sigaw 'yung kapatid ko.
"Naks naman 'yan! Ang pogi-pogi naman ng kuya ko!" bola sakin ni Angela. Maniniwala na sana ako kaya lang muli itong nagsalita. "Baon ko? Wala si tatay ngayon kaya sa'yo nalang daw muna ako manghingi ng baon"
Sinimangutan ko naman ito at labag sa loob na ibinigay ang baon niya. "Thank you kuya! The best ka talaga!" niyakap naman ako nito.
"Oo na, oo na. Alam ko na, ganyan ka naman palagi kapag may kailangan ka eh"
"Grabe naman si Kuya, hindi naman!" depensa nito.
Habang naglalakad kami ay napapatingin ako sa mga couple na nadadaanan namin. "Kuya, do you still love her?" napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa tanong na 'yon ni Angela.
Tumingin ako dito ng seryoso. "Ang pagmamahal hindi nawawala, palagi lang 'yang nandiyan" dahil hanggang ngayon ay mahal ko parin siya. "Pero hindi naman porket mahal mo para sa'yo. Sadyang t*nga lang ang kuya mo kaya nawala ang babaeng totong nagmamahal sa kanya"
Naramdaman ko namang niyakap ako ni Angela mula sa likod. "Okay lang 'yan kuya, nandito pa naman kami nila tatay pati na rin mga kaibigan mo. Wag kang mag-alala balang araw makikilala mo rin ang babaeng para sa'yo" sabi nito.
"Mukha atang malabo 'yang sinasabi mo dahil siya lang ang tanging nagmamay-ari ng pusong 'to"
"Hindi din" sabi nito.
"At paano mo naman nasabi?"
Nginitian naman ako nito ng nakakaloko. "Basta! Sige kuya, una na ako sa loob. May bago kasi kaming transfer student kaya kailangan kong pumasok ng maaga" paalam nito at nangunang pumasok sa loob ng university.
Baliw talaga 'yong kapatid kong 'yon. Pero... Pinangako ko na sa sarili ko na siya lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ko hanggang sa tumigil ang tibok ng puso ko.
"Angelo!" tawag sakin ng mga kaibigan ko ng makapasok ako sa loob ng room namin.
"Angelo, may assignment ka na ba sa Math?" tanong ni Ava.
"Oo"
"Pakopya!" tsk! Ang sisipag talaga ng mga itong mag-aral!
Nang mag-lunch time na ay pumunta kaming lahat sa may garden para doon tumambay.
"Cayden, kayong dalawa naman ni Angelo ang tayang bumili ng maiinom natin!" sabi ni Emma.
"Sige ano ba ang ipapabili niyo?" tanong nu Cayden.
"Orange juice" sagot ni Caleb.
"Chocolate shake ang samin ni Emma" sabi naman ni Ava.
Tumango naman kami ni Cayden at pumunta na ng canteen.
Nang makabili na kami ay bumalik na kami sa mga kaibigan namin. Ngunit hindi pa kami nakakarating doon nang may makabanggan ako.
*Boogsh*
"Sorry" sabi ng nakabangga sakin. Napatigil naman ako dahil pamilyar sakin ang boses na 'yon.
Nang inangat ko ang ulo ko ay nakita ko siya. "Miah?"
Ngumiti naman ito sakin. "Ikaw pala Angelo, kamusta ka na?" tanong nito.
Nginitan ko naman ito pabalik at sinabi ang mga katagang hindi ko inaakalang masasabi ko. "Ayos lang naman ako. Ikaw kamusta ka na?"
"Ayos lang din naman. Kamusta ang puso mo?" sabi nito.
"Ito tumitibok pa naman kahit papaano" pabiro kong sabi dito. "Sige mauna na ako, baka kasi mamaya patay na 'yung mga kaibigan ko sa uhaw" paalam ko dito.
Natawa naman ito sa sinabi ko. "Hahaha sige, sige. Then see you around"
"Yeah, see you around" huling sabi ko bago siya tuluyang umalis.
"Sure ka bang ayos ka lang Angelo?" halata mong nag-aalalang tanong ni Cayden.
"Yeah" I said. Akala ko matapos ang nangyari noon ay hindi ko na siya makakausap ng normal ngayon.
Siguro nga matagal na akong naka-move on sa kanya. Pero ang hindi ko talaga kayang kalimutan ngayon ay 'yung babaeng tunay na nagmahal at nagbigay ng pangalawang buhay sakin.
"Huy! Angelo!" natauhan naman ako ng tawagin ako sa mga kaibigan ko.
Hindi ko namalayang nasa garden na pala ako. "Angelo, gala tayo sa linggo" aya sakin ni Caleb.
"Hindi ako pwede sa linggo eh, pinangako ko kasi kay Angela na tutulungan ko siya sa project niya" kailangan na daw kasi 'yun at hindi ko naman kayang hindian ang kapatid ko.
"Ganun ba? Sige next time nalang" sabi ni Emma.
"Promise, next time babawi ako sa inyo" sabi ko sa mga ito.
***
Lumipas ang araw at linggo na ngayon. Nandito ako sa kwarto ko at hinihintay ko ngayon si Angela pumunta kasi siya ng kanto para sunduin 'yung ka-partner niya sa gagawin naming project.
"Ang tagal naman ng mga 'yun" bumaba muna ako sa kusina para uminom ng tubig.
Nang makalabas ako ng kusina ay napatigil ako ng may nakita akong isang taong naka-upo sa sofa. Nakatalikod ito ngayon, pero parang siya 'yun!
"Riley?" bulong ko.
Lumapit agad ako dito at hinawakan ang balikat nito. "Ri-" hindi ko naman naituloy ang sasabihin ko dahil nakita kong hindi siya 'yun.
"Bakit po?" takang tanong nito.
"Ah wala, sorry, akala ko kasi ikaw 'yung kakilala ko" napakamot naman ako sa batok ko.
"Ah" tanging sabi nito.
"Kuya nandiyan ka lang pala!" bigla namang lumabas si Angela sa may kusina. "Ito nga pala 'yung classmate ko, siya si Rikka Bernal. Siya 'yung sinasabi ko sa'yong transfer student" pakilala ni Angela dun sa babae.
"Hello po" sabi ni Rikka. She kinda resembles Riley kaya akala ko kanina ay buhay si Riley.
"Hi, I'm Angelo. Angela's brother" pakilala ko dito.
"Nice to meet you, Angelo" nakipag-shake hands naman ito sakin.
"So? Shall we strat?" Angela asked.
"Sige, ano ba ang gagawin natin?" tanong ko dito.
"May ginawa kasi kaming story at kailangan itong gawing movie" paliwanag ni Angela.
"Okay, anong movie ba 'yon?"
"About sa lalaking hindi makalimutan ang ex niya. Tapos dumating ang araw na may nakilala siyang babaeng muling nagpatibok ng puso niya" napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Angela.
"Sino ba ang gumawa ng story na 'yon?"
"Of course! The one and only!" mayabang nitong sabi at tinuro ang sarili niya. "At ang maganda pa dito ay kayong dalawa ni Rikka ang bida!"
"Wait, wait, wait! Ang sabi ko tutulungan lang kita, eh bakit ako pa ang naging bida?" hindi pa naman ako marunong umarte.
"Kaya mo 'yan Kuya! Atsaka ikaw ang napili namin dahil pogi ka!" sus! Binola pa ako.
"Pero teka, okay lang ba 'yon para kay Rikka?" baka kasi plano ng plano 'tong magaling kong kapatid tapos walang kaalam-alam 'yung kasama niya.
"It's okay for me" sagot nito.
"Then it's settled then! Kayong dalawa ang bida! Oo nga pala tinext ko 'yung mga kaibigan mo Kuya Angelo at pumayag silang tumulong sa project namin" tumungo nalang ako dito.
Lumipas ang araw at sinimulan namin 'yung shooting. Nagkasundo naman kaming lahat at napalapit naman ako kay Rikka, mabait din pala siya nung una kasi tahimik lang siya.
"Alam mo ba, masaya ako sa tuwing kasama kita" sabi sakin ni Rikka habang nakangiti.
"Ako din, ang gaan ng loob ko sa tuwing kasama kita"
"Pero may gusto sana akong sabihin sa'yo eh"
"Ano naman 'yon?" I asked.
Halata mo namang bigla itong kinabahan. "Ano kasi... ma-ma..."
"Ma?"
"Ah, wala. Wag mo nalang pansinin 'yon" sabi nito at ngumiti ng mapait.
"And... Cut!!!" sigaw ni Angela.
Tumigil na kami sa pag-arte at pumunta sa pwesto nila Angela. Nasa may beach house kami ngayon nila Rikka, para gumuwa ng movie.
"Great job guys! Bumalik na muna tayo sa beach house para makapag-pahinga" sabi ng kapatid kong feeling director.
Papasok na sana ako ng mapansin ko si Rikka na naglalakad-lakad sa tabing dagat. Nilapitan ko naman ito. "Hindi ka pa papasok sa loob?" I asked.
"Nah! I just wan't to stay here for a while" she said at umupo ito sa may isang log. "Do you wan't to join me?" tumango naman ako dito at tumabi sa kanya.
Tahimik lang kaming dalawa habang nanunuod ng sunset, nang bigla siyang magsalita. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit bumalik ako dito?"
"Bakit nga ba?" nasabi kasi niya sakin dati na may dahilan kung bakit umuwi siya ng pilipinas.
"Well, let's just say na naging masama akong tao at dahil sa ugali ko nawala ang importanteng tao sa buhay ko" malungkot nitong sabi. "Kaya ako bumalik dito ay para hanapin ang taong 'yon at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa kanya"
"Ganun ba? Pareho pala tayo. Ako kasi may nagawa ding masama sa taong importante sakin"
"Kaya pala magka-vibes tayo eh!" biro nito.
Natawa naman ako sa sinabi nito. "Pero sana makita mo na 'yung taong 'yon at makahingi ka na ng tawad"
"Ikaw din"
"Parang imposible na 'yon" nagtaka naman ito sa sinabi ko.
"Bakit naman?"
"Dahil wala na siya. That person is already dead" she's gone and I can never change that fact.
Napatigil naman ito sa sinabi ko. "Sorry"
"Ayos lang 'yon, matagal na din 'yon at medyo tanggap ko na" wala na naman magagawa eh, hindi ko na maibabalik ang nakaraan.
"Angelo, pwede ba akong humungi sa'yo ng favor?"
"Sige ano 'yon?"
"Well, 3 months lang kasi ako mamamalagi dito and 3 three months babalik na akong America" paliwanag nito. "Pwede mo ba akong i-tour dito sa lugar niyo?"
"Sure, why not!" 'yun lang naman pala eh. "Saan mo ba gustong pumunta?"
"Hmm... Gusto ko munang pumunta sa amusement park" napatigil naman ako sa sinabi nito. Bigla ko tuloy naalala, doon kami pumunta noon ni Riley. "Okay lang naman kung ayaw mo eh"
"No, it's okay"
"Are you sure?"
"Yeah" tutal naman matagal na 'yon kaya sigurado ako na kaya ko ng pumunta ulit sa lugar na 'yon.
"Sige! Bukas 10 am, make sure na makakapunta ka ha!"
"Yeah, promise" halata mo namang natuwa ito sa sinabi ko.
"Yes! Aasahan ko 'yan!" masaya nitong sabi at pumasok na sa loob ng beach house.
Kinabukasan ay nagmamadali akong maglakad papunta sa amusement park. "Patay! Late na ako!"
"Angelo!" napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ko si Rikka.
Nakasuot ito ng Crop top at shorts, crap! Why is she's so d*mn cute?!
"Tara na!" excited nitong sabi at hinawakan ang kamay ko para hilahin ako papasok ng amusement park.
The moment she holds my hand, my heart started to skip a beat. "Dun tayo sa roller coaster!" aya nito.
Nang makasakay kami doon ay tawa lang ako ng tawa, ang lakas ng loob magyayang sumakay sa roller coaster takot naman pala siya!
Matapos ang roller coaster ay sunod naming sinakyan 'yung iba pang rides.
Nag-enjoy kaming pareho, hanggang sa umuwi na kami.
"Mukha atang good mood ka ngayon Kuya ah" sita sakin ni Angela nang makita niya akong pataas ng hagdan.
"Ngayon nalang ulit kita nakitang ganyan kasaya. May nangyari ba?" tanong sakin ni Tatay.
"Wala naman po Tay, nag-enjoy lang po ako sa pinuntahan ko kanina. Sige po magpapahinga na ako. Good night" pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
Hindi naman mapagkakailang hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Tama si Tatay ngayon nalang ulit ako naging ganito kasaya.
Pero... Dapat ko paring ipaalala sa sarili ko na wag mahuhulog kay Rikka dahil pinangako kong si Riley lang ang mamahalin ko.
Lumipas ang panahon at di namin namalayang patapos na ang 3 months. Halos lahat na ng magagandang lugar ay napuntahan namin ni Rikka.
Aaminin ko na sa tatlong bwan na nakasama ko siya ay napalapit ako sa kanya at hindi ko mapagkakailangan nagkagusto na ako sa kanya. Pero syempre pilit kong pinipigil itong nararamdaman ko.
"Angelo, sa tingin ko wala ng pag-asang mahanap ko ang taong 'yon" malungkot niyang sabi.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Mukha kasing galit siya sakin kaya ayaw niyang magpakita. Bago kasi siya umalis ng America ay nakipag-away ako sa kanya kaya may mga nasabi akong hindi maganda"
"Oo nga pala, sino ba 'yung hinahanap mo?" hindi niya kasi nasasabi sakin kung sino 'yon.
Huminga ito ng malalim at tumingin sakin. "'Yung half sister ko. Ang totoo kasi niyan ay anak lang ako sa labas at dahil anak ako sa labas ay sa kanya lang palagi nakatuon ang atensiyon ng daddy ko, dahil nga doon ay nainggit ako kaya palagi ko siyang inaaway kahit na minahal niya ako at pinahalagahan" nagulat naman ako sa sinabi ni Rikka. Kung ganun anak siya sa labas?
"I really hate my self! Pilit akong nanghihingi ng pagmamahal at pansin sa daddy ko, pero hindi ko manlang nakita ang effort sakin ng half sister ko. Tinuring niya akong parang tunay na kapatid at minahal ng sobra-sobra, pero binaliwala ko siya! " she said and started crying. "Bago pa naman siya umalis dati sinabi kong, sana mamatay na siya dahil ayoko sa kanya at kahit kailan hinding-hindi ko siya matatanggap bilang kapatid ko. I'm such an idiot! Ngayon ko lang nalaman na siya lang talaga ang nag-iisang taong nagpapahalaga sakin"
"Shh... Wag ka ng umiyak. Hindi ba sabi mo mahal na mahal ka ng kapatid mo?" tumango naman ito. "'Yun naman pala eh! Alam mo Rikka, kung mahal ka ng isang tao, kahit pa gaano kalaki ang kasalanan mo dito ay mapapatawad ka parin nito"
"T-talaga?"
"Oo naman! Atsaka isa pa, wag ka ng malungkot dahil nandito pa naman ako at kami nila Angela"
Napangiti naman ito sakin. "Thank you Angelo" nginitian ko naman ito pabalik.
*Kriinngg*
"Uy! Time na pala, sige kita nalang ulit tayo mamaya. Bye!" paalam nito.
Lumipas ang apat na oras at uwian na namin. Pumunta ako sa may locker room para sunduin si Rikka.
"Rikka, tara na!" tawag ko dito.
"Mauna ka na Angelo" sabi nito.
"Ha? Bakit?"
Ngumiti ito sakin. "Na-contact ko na kasi 'yung butler namin at alam niya kung nasaan ang step sister ko"
"Ganun ba? Gusto mo samahan kita?"
"Wag na, susunduin kasi ako ng butler ko. Sige kita nalang tayo bukas!" paalam nito.
"Sige"
Kinabukasan ay napansin kong umiiwas si Rikka sakin.
"Guys, ano kayang problema ni Rikka? Bakit kaya niya ako iniiwasan?" tanong ko sa kanila.
"Baka naman nagsawa na sa pagmumukha mo" biro ni Cayden.
"Or baka naman na-realize na niya na may gusto siya sa'yo" napatigil naman kami sa sinabi ni Angela.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo Angela? Imposible kaya 'yun!"
"Hay naku! Kuya Angelo, ang manhid mo talaga! Hindi mo ba napapansin na gusto ka palaging kasama ni Rikka? Hindi mo ba nahahalatang gusto ka rin niya?" inis na sabi ni Angela.
"Anong pinagsasabi mong ka rin? Angela, wala akong gusto kay Rikka" pagsisinungaling ko.
"Sinungaling!" sabay nilang sabi.
Nakita naman namin si Rikka na padaan sa dereksyon namin. "Rikka!" tawag sa kanya ni Angela.
Tumingin lang ito samin at ngumiti. "Teka lang guys" sabi ni Angela at pumunta ito kay Rikka para kaladkarin ito papunta samin.
"Angela, may gagawin pa ako" sabi nito at halata mong umiiwas ng tingin sakin.
"Rikka" tawag ko sa kanya.
"Sige una na ako" paalis na sana siya ngunit pinigilan ko ito. "Angelo, bitawan mo ako" utos nito.
"May problema ba Rikka? Bakit napapansin kong naiwas ka sakin?" I asked.
Pilit naman niya tinatanggal 'yung pagkakahawak ko sa kamay niya. "Please Angelo, lubayan mo na ako!" matagis nitong sabi.
"Huh? Bakit? May nagawa ba akong masama?" bakit parang galit siya sakin? "Rikka? Sabihin mo sakin ano ba ang problema?"
Huminga ito ng malalim at tumungin sakin ng seryoso. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!"
"Huh? Bakit?"
"Dahil sa'yo kung bakit ako nagkakaganito! Dahil sa'yo kung bakit nangyayari sakin ang lahat ng 'to!"
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan" ano bang bagawa ko?
"I'm such an idiot! Bakit hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa'yo!" napatigil naman ako sa sinabi nito. "F*cking sh*t naman! Why do I have to fall in love with the person who is the same reason kung bakit wala na ang kapatid ko ngayon!" naguluhan naman kami sa sinabi ni Rikka.
"Anong ibig mong sabihin Rikka?" takang tanong ni Emma.
"Si Angelo ang dahilan kung bakit wala na si Riley nayon!" nagulat kaming lahat sa sinabi niya.
"S-si Riley?"
"Oo! Si Riley Perez ang half sister ko na namatay dahil sa'yo!" galit na sigaw ni Rikka and then she started crying. "Dahil sa'yo hindi na ako makakahingi ng tawad at makakabawi sa lahat ng kasalanan ko! Dahil sa'yo wala na si Ate Riley!" pinigilan naman nila Ava si Rikka dahil kanina pa ako nito hinahampas.
"Rikka" awat nila dito.
"Don't touch me!" angal niya. "Angelo, simula ngayon wag na wag ka ng magpapakita sakin!" huling sabi nito bago tuluyang umalis.
"Sh*t!" wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.
Nang makauwi ako sa bahay ay nagkulong ako sa kwarto. "Riley, why does it have to be like this?" tanong ko at hinawaka ang dibdib ko kung saan natibok ngayon ang puso ni Riley.
"Kuya?" napaupo ako sa kama ko ng makita kong pumasok si Angela sa kwarto ko.
"Angela, wala ako ngayon sa mood para makipag-usap" hindi naman ito nakinig at lumapit parin ito sakin.
Nagtaka naman ako ng may inabot siyang papel sakin. "Ano 'to?"
"Basahin mo" tinignan ko naman ito at nagulat ako nang makita kong sulat ito ni Riley.
Dear Angela,
Sigurado akong alam mo na, na pagkatapos ng araw na ito ay mawawala na ako sa mundong ito. Gusto ko sanang sabihin na salamat sa lahat-lahat at sana alagaan mo ang Kuya mo. At alam kong alam mo na pagkatapos ng operatsyon ay sisisihin lang ni Angelo ang sarili niya sa pagkawala ko. Gusto ko sanang tulungan mo siyang bumangon muli at magkaroon ng rason para mabuhay. Ibinibigay ko na sa kuya mo ang buhay ko dahil ganun ko siya kamahal at gusto ko siyang mabigyan ng pagkakataong magmahal muli. Alam ko sa simula palang na hindi talaga ako para sa kanya, kaya sana mahanap na talaga niya ang babaeng higit na magmamahal sa kanya. Ang hiling ko lang ay ang lumigaya siya.
Atsaka may isa pa pala akong hiling. May kapatid ako, ang pangalan niya ay Rikka. Sana hanapin mo siya at sabihin mo sa kanya na mahal na mahal siya ng Ate niya at matagal ko na siyang pinatawad. Pakisabi narin na sorry dahil hindi na ako nakapagpaalam sa kanya, sana mapatawad niya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya.
Sana kahit wala na ako ay maging masaya parin kayo. Tandaan niyo wala man ako sa mundong 'to ay mananatili parin ako sa puso at isip niyo.
-Riley
Iyak lang ako ng iyak habang binabasa ang sulat ni Riley. "Kuya, alam kong mahal mo na si Rikka. Sana naman ay wag ng maulit 'yung dati, dahil ayoko ng masaktan ka muli. Kuya kung mahal mo talaga si Rikka ay lalaban ka para hindi na siya mawala. Alam kong 'yon din ang gusto ni Riley"
Tama si Angela. Nawala na noon sakin si Riley at hindi na ako papayag na mawala naman ngayon si Rikka.
"Maraming salamat Angela" buti nandiyan pa ang kapatid ko para pagaanin ang loob ko.
"Basta ikaw kuya! Kaya tumayo ka na diyan at may pupuntahan pa tayo!"
"Saan naman tayo pupunta?" taka kong tanong dito.
"Edi pupuntahan 'yung poreber mo!"
"Huh?" ano bang pinagsasabi ng baliw kong kapatid?
"Kuya, ngayon lang naman ang alis ni Rikka pabalik ng America. Kaya kung gusto mo pang magkaroon ng happy ending ang storyang 'to eh tumatayo ka na diyan!" bigla naman akong napatato sa sinabing 'yon ni Angela.
"Ba't hindi mo agad sinabi sakin?!"
"Eh busy ka kasi sa kaka-emote diyan eh!" sabi nito.
"Tsk! Tara na baka mamaya hindi pa natin maabutan si Rikka!"
Nagmadali naman kaming pumunta sa airport at doon nakita namin si Rikka na nakapila.
"RIKKA!" sigaw namin dito.
Nang makalapit kami dito ay hindi na ako nagdalawang isip na ipahayag ang nilalaman ng puso ko. "Rikka, makinig ka sakin-"
"What the hell are you doing here?! Hindi ba sabi ko sa'yo na lubayan mo na ako!" inis nito sabi.
"May sasabihin lang ako sa'yo"
"Ano ba 'yon?!" halata mo namang naiirita na 'to sakin.
Huminga ako ng malalim at. "Mahal kita!" natigilan naman ito sa sinabi ko.
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo Angelo? Ganyan ka na kasama? Pagkatapos ng kapatid ko, ako naman? Please lang lubayan mo na ako!" pagtataboy nito sakin.
"Please Rikka, bigyan mo lang ako ng oras para magpaliwanag. Kahit kaunting oras lang at pagakatapos no'n ay papabayaan na kita kung gusto mo na talagang umalis. Just give me a little bit time to explain, please Rikka" pagmamaka-awa ko dito.
"Fine! But just make it quick dahil baka maiwanan ako ng eroplano" walang emisiyon nitong sabi.
"Maraming salamat, Rikka" huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "First of all, I'm sorry, sa lahat-lahat ng kagaguhang nagawa ko sa kapatid mo pati na rin sa'yo at sa maniwala ka man o sa hindi ay matagal ko na itong pinagsisisishan" alam kong hindi ko na maibabalik ang nakaraan pero isa lang ang sigurado ako at 'yon ay ayoko na ulit itong maulit pa.
"Maniwala ka sakin na minahal ko si Riley, pero sadyang huli na ang lahat nang ma-realize ko noon ang nararamdaman ko para sa kanya. At higit sa lahat gusto ko sanang malaman mo na totoong mahala kita, hindi dahil sa kapatid mo si Riley kundi dahil ikaw si Rikka. Mahal na mahal kita, kaya kung ano man ang desisyon mo ay rerespetuhin ko ito" tahimik lang ito ngayon habang bakatitig sakin.
"Miss Rikka, it's time to leave" may lumapit namang matandang lalaki samin, sa tingin ko ay butler niya.
Tumango naman si Rikka dito at nagsimula ng maglakad palayo, ngunit hindi pa siya nakakalayo ng pigilan ko ito. "Sana balang araw magawa mo akong patawarin at kung sa tingin mo ay handa ka na, tandaan mo palagi lang akong nandito maghihintay sa'yo" binigay ko naman dito ang sulat na binigay samin ni Riley dati. "Hihintayin ko ang araw na 'yon"
Pagkatapos noon ay umalis na siya. Umalis na ang babaeng muling nagpatibok ng puso ko...
***
After 2 years...
Naglalakad ako ngayon papunta sa kanya. "Kamusta ka na? Masaya ka ba diyan?" tanong ko dito.
"Alam mo ba dalaga na si Angela at ang dami ng mokong ang umaaligid sa kanya. Naku! Subukan lang nilang hawakan ang kapatid ko at makakatikim sila sakin!"
"Nasaan na kaya siya? Alam mo ba kung nasaan na siya ngayon?" tanong ko ulit dito. "Riley, maraming salamat sa pangalawang buhay na binigay mo sakin, araw-araw akong hindi magasasawang magpasalamat sa'yo. Dahil sa'yo nagkaroon pa ako ng pagkakataong baguhin ang lahat at dahil sa'yo nakakilala ako ng mga bagong taong nagbibigay sakin ng rasong ipagpatuloy ang buhay ko"
"Sa tingin mo, nasaan na kaya si Rikka? Sa tingin mo ba napatawad na niya ako?" nalungkot ako sa biglang sumagi sa isip ko. "Siguro may boyfriend na siya ngayon, sabagay maganda naman 'yung kapatid mong 'yon kaya marami sigurong naaligid na lalaki sa kanya"
"Paano kung wala pa akong boyfriend?" napatigil ako ng may marinig akong isang pamilyar na boses.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko siya doon na nakatayo. "Oh? Ba't parang nakakita ka ng multo diyan?"
"Rikka? Ikaw ba talaga 'yan?"
"Ay hindi picture lang ako!" sarcastic nitong sabi. Napasimangot naman ako dito. "Ito naman hindi mabiro! Oo ako 'to!"
"Hindi lang kasi ako makapaniwalang nasa harapan na kita ngayon" akala ko kasi hindi ko na siya makikita pang muli. "So what brings you here in the Philippines?" pag-iiba ko ng usapan.
"May hinahanap kasi akong isang importanteng tao" importanteng tao?
"Sino naman 'yon?" tanong ko.
"Hinahanap ko kasi 'yung taong nagpatibok ng puso ko" lumapit ito sakin at ngumiti. "Hindi ba sabi mo sakin dati na, kung mahal ka ng isang tao kahit pa gaano kalaki ang kasalanan mo dito ay mapapatawad ka parin nito"
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Kung ganon pinapatawad na niya ako? "Welcome back, Rikka" bati ko dito. "I love you"
Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin. "I love you too, Angelo"---
A/N:
Hello! (^O^)/
Thank you for reading my story! (^▽^)
Votes and Comments are Highly Appreciated (⁎˃ᴗ˂⁎)
Thank you ulit! God Bless! (*˘˘*).。.:*♡
BINABASA MO ANG
Love is Blind 2 (Short Story)
Short StoryIsn't it ironic? We ignore the ones who adore us, adore the ones who ignore us. Love the ones who hurt us and hurt the ones that love us. Matapos mawala ng taong mahal mo... Kaya mo pa bang harapin ang kasalukuyan ng hindi siya kasama? At higit sa l...