Who is he?

225 6 5
                                    


MHAVY

Hi! Ako pala si Mhavy Suarez, 18 years old, scholar sa isang exclusive school sa south. Hindi ako kagandahan at di rin katangkaran. Mabait naman ako, mapagkakatiwalaan at masipag sa pag aaral. Wala na akong mga magulang at tanging yung Tita Rons ko na lang yung nag aalaga at kasama ko sa buhay. Siya na rin yung nag papaaral sa akin simula nung elementary ako. Kaya nga nagsumikap akong maging isang scholar para makabawas ng mga gastusin ni Tita sa akin.

Ang kwento kasi sa akin ni Tita, namatay si Mama nung 2 years old pa lang ako. Iniwan daw kami nung tatay ko nung nalaman niyang dinadala ako sa sinapupunan ni Mama so its means ayaw niya ako maging anak niya. At simula nung nalaman ko yon kinamumuhian ko na siya. Never na ako nagtanong tungkol sa Ama kong walang kwenta at ayaw harapin ang responsibilidad niya sa Mama ko at sa akin.

"Mhavy bumaba ka na diyan at kakain na..." Tinawag na ako ni Tita Rons para kumain ng almusal. Pagkatapos ko magbihis ng uniform at ayusin ang buhok ko ay agad akong bumaba at pumunta sa kusina para kumain.

"Good morning tita." Bati ko sa kanya.

"Good morning din Mhavy. Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa first day ng klase mo."

Kumakain na kaming dalawa ni Tita nang bigla niya akong tanungin tungkol sa part time job ko, sa una kasi ayaw niyang pumayag na mag part time ko, gusto niya kasi ay magfocus lang ako sa pag aaral ko pero nag pumilit ako dahil ayokong maging pabigat sa kanya lalo na ngayong college na ako at marami na kaming kakailanganing project sa school.

Gusto ko ako na ang gagastos ayoko nang umasa sa kanya, sobra sobra na yung tulong sa akin ni Tita. Pagkatapos ko grumaduate gusto ko na siyang patigilin sa pagtatrabaho niya bilang isang kasambahay sa isang mayamang pamilya. Pangarap kong makahanap ng magandang trabaho para dito na lang sa bahay si Tita at ako na naman ang magtatrabaho para sa aming dalawa.

"Okay na naman po yung part time job ko sa coffee shop Tita. Mabait po yung manager at maganda nga po yon eh kasi malapit lang yung store sa school..." Paliwanag ko.

Bumuntong hininga siya. "Mabuti naman, sabi ko naman sa iyo. Hindi mo na kailangan gawin pa iyan..."

"Pero tita..." Pagputol ko sa sinasabi niya. "Ayokong maging pabigat sa inyo. Gusto ko naman pong maranasan na buhayin yung sarili ko at mabili yung mga projects ko sa school na hindi po kayo inaabala."

"Mhavy..." Hinawakan niya ang mga kamay ko. Ramdam ko ang init ng pagmamahal na mula sa kanya, hindi ako papayag na mawala sa akin si Tita. Mahal na mahal ko siya. "Alam mo naman kahit kailan hindi ka naging pabigat sa akin. Mahal kita dahil ikaw ang anghel na isinilang ng mahal kong kapatid. Kaya wag mong isipin na naging pabigat ka sa akin dahil hindi mangyayari yun."

Ngumiti ako sa kanya, "Opo tita..."

Nakarating na ako sa school. Pasukan na ngayon para sa 2nd semester. Maraming nang estudyante ang dumarating sa campus na mga naka kotse. Hatid sundo sila ng kani kanilang driver. Palibhasa mga mayayaman, yung iba ay may mga bodyguard pa. Aba sosyal diba?

"Ay anak ng tipaklong!" Gulat kong sigaw nang biglang may umakbay sa akin. Pagkatingin ko kung sino ang nang gulat sa akin. Si Jeffrey lang pala. Ang bestfriend ko habang kasunod niya si Reena ang kalog kong kaibigan.

"Gulat ka ba?" Natatawang tanong ni Jeffrey.

"Ay hindi... hindi halata." Pagtataray ko sa kanya.

"Ito talaga..." Sinuntok kunwari ni Reena si Jeffrey sa balikat. "Pag ito si Mhavy nagkasakit sa puso lagot ka, panay gulat mo sa kanya."

"Oo nga bessy, ang sama niya talaga sa akin." Paglalambing kong sabi kay Reena.

"Isa ka pa. Bawas bawasan mo nga yang pagkakape mo lagi ka na lang nagugulat. Ang mahal ngayon ng magpa transplant ng puso bessy."

Tinulak ko siya. "Ang sama mo." Nagtawanan kaming tatlo habang papasok sa building namin.

Business Management ang kinuha namin ni Jeffrey habang si Reena naman Tourism. Nagkakilala lang kami ni Reena nung 1st semester dahil naging classmate ko siya sa ilang subject, naging mag kaibigan kami hanggang sa pinakilala ko siya kay Jeffrey at yun na nga nabuo ang pagbabarkada naming tatlo.

Papasok kami ng classroom nang bigla kami nakarinig ng mga sigawan ng babae sa may field. Dahil curiosity is killing us ay naki chismis kaming tatlo at tumingin sa may field. May blue sports car na nakapark sa field. Sino kaya yon?

"AHHHH JOEL!!!!" "Waaaah Joel we love you!!!" "Joel pa selfie naman!!!"

Yan ang maririnig mong sigaw ng mga babae. Sino ba yung Joel na yun? At kung mag tilian naman ay wagas?

"Pssst bessy sino yan?"

Umiling si Reena, "Di ko rin kilala eh."

"Yan si Joel Palencia." Napatingin kaming dalawa ni Reena kay Jeffrey, kilala niya yon? "Uy uy! Don't look at me like that. Idol siya ni Princess. Pagmumukha ba naman niya bubungad sayo pagpasok mo ng kwarto niya eh panong di mo yan makikilala..."

"Artista pala yan?" Tanong ko.

"Oo. Siya ang pinaka sikat na artista ngayon balita ko nga pati sa Europe ay kilala din siya..." Pagpapatuloy ni Jeffrey sa pagkwento habang papasok kami sa classroom pero yung mga classmate namin nandun pa rin sa labas.

"Pero bakit siya nandito? May shooting ba siya?" Tanong ni Reena.

Umiling si Jeffrey. "Wala akong idea wala naman nakwento si Princess. Eh updated yung kapatid kong yon sa idol niya."

Ilang sandali pa ay dumating na ang prof namin at agad niyang pinapasok ang mga classmates naming nagkakagulo sa labas dahil kay Joel.

"Good Morning class. 1st semester has ended and now another represhing semester is coming but before anything else, this is an honor to announce that you have a new classmate for this semester..." Nag umpisa nang umingay ang klase dahil sa sinabi ni Ms. Santos. Habang kaming tatlo ay seryosong nakikinig.

"Class quiet. I will introduce your new classmate if you all promise me to behave, alright?" Sumagot naman kaming lahat. Ito naman si Ms. Santos ginawa talaga kaming elementary ever since. "I would like to introduce your new classmate, Mr. Joel Palencia come in."

"UGGGGGHHHHHHHHH!!!!!!!"

Napatakip ako ng tenga sa sobrang ingay ng mga tilian ng mga classmates ko dahil sa may pumasok na isang matangkad na lalaki at at at oh my gosh. Ang gwapo niya. Yung totoo? Tao ba siya?

Siya ba si Joel Palencia? Bakit ang gwapo niya? Ngayon lang ako nakakita ng isang artista at talagang nakaka starstruck.

Tumahimik bigla nung suminyas siya. "Hi guys ako nga pala si Joel Palencia. Nice meeting you." At ayon sigawan ulit. Ang cute naman ng boses niya.

"Class. I said behave right? Now take a deep breath and relax." Naging tahimik na ang lahat. "Okay Mr. Palencia welcome to our class now let see kung saan ka pwede umupo." Oh my gosh! Yung upuan sa kanan ko walang nakaupo hindi kaya sa akin siya ipapatabi ni Ms. Santos? Pero doon siya kela Carla nakatingin. May vancant pa palang upuan doon.

"Oh! Ms. Suarez raised your hand." Nakatingin silang lahat sa akin. Siniko na rin ako ni Reena.

"Bakit?" Tanong ko kay Reena.

"Taas mo daw yung kamay mo." Bulong ni Reena sa akin.

Doon ko lang narealize na ako na pala yung tinatawag ni Ms. Santos. "YES MISS!" Napatayo pa ako at nagtawanan lahat.

"Thank you Ms. Suarez. Now Mr. Palencia you may now seat beside Ms. Suarez for this whole semester." Ang sabi ni Ms. Santos. Huwat? Makakatabi ko siya? Oh my gosh! Ang swerte ko naman. Katabi ko ang isang artista.

Naglalakad na siya papunta sa pwesto ko. Grabe parang slow motion lahat. Para siyang naglalakad sa runaway habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko no wonder tinitilian siya ng mga babae dahil lahat sa kanya ay perfect. Hindi ko na narealize na nasa harapan ko na pala siya at hanggang ngayon ay nakatayo pa rin pala ako.

Lumapit siya sa akin at may binulong na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Nice meeting you wifey."

Crazy About You! Where stories live. Discover now