MHAVY"Mhavy pakidala mo nga ito sa table 20." Utos sa akin ni Manager.
"Yes po." Dinala ko na yung order nila. "Enjoy po mam." Wala akong klase ngayon kaya buong araw ang duty ko ngayon dito sa shop. Buti nga eh at walang pasok makakapag pahinga yung utak ko kakaisip dun sa Joel na yon.
Hanggang ngayon na aalala ko po yung nangyari nung una kaming magkita....
Naglalakad na siya papunta sa pwesto ko. Grabe parang slow motion lahat. Para siyang naglalakad sa runaway habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko no wonder tinitilian siya ng mga babae dahil lahat sa kanya ay perfect. Hindi ko na narealize na nasa harapan ko na pala siya at hanggang ngayon ay nakatayo pa rin pala ako.
Lumapit siya sa akin at may binulong na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Nice meeting you wifey."
Nanlaki ang mga mata ko narinig ko mula sa kanya, sa hindi ko nalamang dahilan ay bigla ko siyang tinulak palayo sa akin. Na naging sanhi ng pagka gulat ng buong klase.
"Ms. Suarez anong nangyari?" Lumapit si Ms. Santos sa amin para malaman kung ano ang nagyrari.
Tumingin ako kay Joel upang sabihin kung ano ang sinabi niya ngunit pinigilan niya ako. "No Miss. Don't mind us." At bigla niya akong inaakbayan.
"Are you sure? Ms. Suarez?"
Tumango si Joel. "We're friends actually ngayon na lang ulit kami nagkita kaya namiss ko siya. Nabigla lang po siya na makita ako ulit. Hindi ba Mhavy?"
What the hell? Kilala niya ako? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Sino ba siya? Nakatitig ako sa kanya, naghahanap ako ng sagot sa mga tanong ko. Binigyan niya ko ng sumakay-kana-look. Tumango na rin ako kay Ms. Santos para sa pag sang ayon kay Joel para matapos na to. Kahit labag sa kalooban ko.
"Alright, settle your seats. You may catch up anything later after the class."
"Yes Miss Santos." We both said.
Tiningnan ko siya ng masama at tanging ngiti lang ang ganti niya sa akin. Panay naman ang tingin sa akin nila Jeffrey at Reena naghahanap ng kasagutan sa mga tanong nila na kahit ako naghahanap din ng sagot.
Sino ba siya? I know si Joel Palencia siya. Isang artista. Yun lang ang alam ko sa kanya. Pero bakit siya nandito? Ay malamang nag aaral? Hindi, bakit niya ako kilala? Bakit niya nasabing "Nice meeting you wifey." WIFEY? My gawd si Song Jongki lang ang hubby ko at ako lang ang wifey niya. Hindi ko kailanman magiging hubby ang lalaking to.
Natapos na ang klase namin at sa wakas lunch break na gutom na gutom na ako. Inaayos ko na yung gamit ko nang biglang may nanghila ng kamay ko...
"Hoy hoy..." Si Joel hila hila ako "Teka hoy saan mo ako dadalhin?" Pero wala siyang imik na tila walang naririnig. Pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante. At ang nakakatakot ang sama ng tingin nila sa akin. Naku patay ako sa mga fangirls mo Joel panigurado papatayin nila ako. "Hoy Mr. Palencia bitawan mo nga ako--- Aray bakit mo ako binitawanan?" Nadapa tuloy ako. Aray ang sakit ng kamay ko. May sugat ata?
"Sabi mo bitawan kita? Sinunod ko lang naman gusto mo." Ang sabi niya habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon habang nakatingin sa malayo. Oh edi ikaw na gwapo. Hays Mhavy gumising ka nga.
"Aray..." umupo ako ng maayos habang tinitingnan yung sugat ko sa braso.
Kinuha ni Joel yung kamay ko. "Masakit ba? Malaki yung sugat?" Ay hindi, aaray ba ako kung hindi masakit? Gusto ko sana sabihin sa kanya pero kitang kita yung concern sa mukha niya "I'm sorry. Sabi mo kasi bitawan kita eh. Kaya binitawan kita..." Kinuha niya yung puting panyo sa kanyang bulsa at yon ang pinanglinis niya ng sugat ko. "Hindi ko naman akalain na magkakasugat ka sa impact. Sorry."
YOU ARE READING
Crazy About You!
RomancePaano kung nalaman mo na lang may fiancee ka na pala? Paano kung sa isang sikat na artista mo pa malalaman ang katotohanan? Tatanggapin mo ba kahit na alam mong ikakapahamak na ng buhay mo? ***** CRAZY ABOUT YOU is a fictional story starring BAE...