It's 6 p.m pero di pa ako nakakauwi sa dorm ko. Pano ba naman ang lakas ng ulan dito lubog na sapatos ko sa sobrang baha bakit ba kasi di na lang sinuspende yung klase kanina. Hassle tuloy kakaintay ng jeep.
*Beep beep beep*busina ng jeep
Yes!may jeep na rin sa wakas antagal ko yatang nag antay dito. Abat andaming tao tumatakbo para nang jeep kaya tumakbo ako pero pagka takbo ko biglang humarorot yung jeep. At ako heto nakahiga sa daanan. Feeling ko maiiyak ako ang sakit ng likod ko dag dag pa yung mga taong nakatingin lang sakin.naiiyak nako.
Nang may lalaking bumuhat sakin na parang kinakasal binuhat nya ko hanggan waiting shed.
"Miss okey ka lang ba? Yung payong mo oh sira na."diko lang siya kinikibo kasi baka masamang tao ito or something.pero parang hindi naman ang amo ng mukha nya. Ang gwapo. Chinito.
"Sayo nalang itong payong ko oh. Wag kang matakot miss mabait ako promise."tinanggap ko yung payong niya. Tapos ngumiti ako. Di ako makasagot siguro shock parin ako sa nangyare kanina.
"Paparahan na lang kita ng jeep tapos isasakay kasi masakit pa yang likod mo."tumango lang ako sakanya.
*beep beep beep*
"Ayan na miss tara na."tatayo na sana ako kaso binuhat nanaman nya ako tapos tumakbo siya at pinakiusapan yung mga tao na wag magsiksikan. Sobrang bait nya.
"Ingat ka miss next time mo nalang isauli sakin yang payong ko pag nagkita tayo. Tadhana na ang magsasabi kung kailan tayo magkikita."di na ako nakasagot kasi umalis na siya
Tadhana sana makita ko siya ulit. Alam kung ikaw ang magtatagpo samin.kung tinadhana kaming pagtagpuin ay magkikita at magkikita din kami.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[A/N]Magkikita pa kaya sila?abangan ang susunod na UD ni Author.