aug.27,2016

7 0 0
                                    

Dear Mama,

Dumating na nga po pala sa'kin ang sulat, Isang taon mula ng isulat mo ito. Ma, Ganoon ba talaga katagal ang pagpapadala ng sulat? At bakit ngayon ka lang sumulat? Bakit di ka man lang nag-text sa akin? Bakit hinayaan mo akong walang kasamang ina sa Loob ng apat na taon? Bakit ngayon ka lang nagparamadam? Bakit ma? Pero kahit ano man ang dahilan mo, maiintindihan ko. Alam ko naman pong di niyo ako papabayaan at kahit ilang taon man kayong di umuwi aantayin ko kayo. Aantayin ko ang muling pagbabalik ninyo, aantayin ko na muli kang mahagkan. Mag-ingat ka lagi diyan ma, Mag-ingat ka kasi may anak kang nag-aantay sa pag-uwi mo. Mahal na Mahal kita Mama, Kaya ito po ako, susulatan ko kayo araw araw kahit na di ko ito maipapadala sa inyo para pag dating ninyo ay wala kayong makakaligtaang kabanata ng buhay ko at magiging parte parin kayo ng araw araw na pakikibaka ko.

Ma, College na ako, ang saya saya kasi at least unti unti ko ng natutupad yong mga pangarap mo para sa'kin. Pero ma, Sorry ha? Hindi kasi kaya nina Tita na pag aralin ako ng pagdo-Doktor, sabi nila mag IT nalang daw ako kasi yon daw 'yong in demand, pero ma di ba okay lang naman yon sa'yo ? Kasi at least di ba nakakapag aral parin ako? At saka oo nga pala ma, Sabi nina tita magkatulong daw muna ako doon sa kapit bahay namin tuwing Sabado't Linggo daw para naman daw ako'y may pambaon sa Eskwelahan. Ma, tutulog na ako ha? Kasi may pasok pa ako bukas e. I love yu po.

Love, Lorry.

8-27-16

For you, MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon