Aika's POV
"May bago daw transferee ngayon ah? Nakita mo na?" tanong ni Yanna sa akin ..
"Alam mo Yanna, wala akong pakialam sa mga bago, gusto ko pa din yung dati" cold kong sagot sa kanya
"Wow ha?! Ang layo ng sagot mo sa tanong ko! Hayy ang mga broken hearted nga naman -.-"
Nag-death glare lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad, papunta kasi kami ngayon sa library para sa thesis namin. Nakakainis nga e! Ang daming kelangan i-type, nkakatamad kaya noh
"OMG! siya ba yung new transferee?"
"Ahhhhh! Sana kaklase ko siya!!"
"Grabe ang gwapo nya!!"
"Siya na ang future husband ko!!"
Ayy grabe husband agad?! Sino na naman ba ang tinitilian ng mga babae na'to. Harang sila sa daan e. Letche!
"Sino tinitilian nila?" nagtatakang tanong sa akin ni Yanna
"Sa tingin mo alam ko? Tara na nga, waste of time lang yan, madami pa akong gagawin" nakakainis naman kasi, akala mong artista yung tinitilian nila e baka yung new student lang yun! At saka si Charles lang ang gwapo para sa akin :((( Namimiss ko na tuloy sya
"Oh ba't nakasimangot ka jan? Akala ko ba kakalimutan mo na siya? Akala ko ba mag mo-move on ka na?"
Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Yanna, napansin nya din pala yung pagbabago ng moods ko.
"Ah, wala tara na nga, hahanap na ako ng pwesto, hanapin mo na lang yung mga librong kelangan natin"
"Hay nako, ikaw talaga. Sige hahanap na ako"
Ano ba yan ang daming tao naman dito sa library ngayon. Wala tuloy akong mahanap na pwesto!
Lakad, lakad, lakad ... Ah! Ayun sa dulo may bakante pa.
Uupo na sana ako kaso biglang may umagaw ng upuan na uupuan ko at sya ang umupo. Sino ba tong epal na to? -______________-
~~~
BINABASA MO ANG
Operation: "Moving On"
JugendliteraturNamimiss ko na yung tao na ako lang yung laging katext. Yung nagpupuyat para lang makausap ako. Yung tinatadtad ako pag busy ako o kaya kapag hindi ako nagrereply. Yung namimilit na kumaen ako kapag wala akong gana. Yung nagsasabi ng "ingat ka" ka...