Naaalala Mo Pa Ba?

61 3 0
                                    

This one-shot is based on a true story. Please do not redistribute by any means. Do not plagiarize. Thank you!
Enjoy reading!


Naaalala mo pa ba?

Nung una tayong magkita, magkakilala. Bakasyon pa nun. Pero nasa eskwelahan na agad tayo, para itrain para sa sasalihan nating club.

Wala pa tayong pakialam sa isa't isa nun. Walang pansinan, walang imikan.


Eh ano ba namang paki natin sa isang taong alumnus sa rival school diba?


Nagkasama tayo nun. Naging magkakasama tayo araw-araw, kasama yung mga iba pa nating kaibigan. Unti-unti tayong natutong pakisamahan ang isa't isa. Nagsisimula na tayong maging close.

Naging magkaibigan tayo.

Nakilala natin ang isa't isa. Marami akong nalaman tungkol sa'yo, at ganun ka rin naman sakin.

Naaalala mo pa? Ang saya natin nun. Palagi tayong nagtatawanan, nagdadamayan sa mga problema. Lumalabas tayo, kasama yung iba pa nating mga kaibigan. Doon ko narealize, hindi masamang makipagkaibigan sa mga taga- ibang school. Pare-pareho lang naman kasi tayong mga estudyante, mga tao.

Naging bahagi ka na ng buhay ko. Kahit na sa maikling panahon lang tayo nagkasama, alam kong mahalaga ka na sa akin. Isang taong hindi ko hahayaang mawala sa akin.

Natuwa ako sa'yo. Masaya ka kasing kasama. Kahit kasi lalaki ka, hindi ka naiilang kahit mga babae pa ang kasama mo.

Tanggap mo rin kung ano ako. Kahit gaano pa ako kakulit, kaingay, kayabang, at kung anu-ano pa, tanggap mo pa rin ako.

Naaalala ko pa nga yung reaksyon mo nung nalaman mong magkaklase tayo. Para kang nanalo sa lotto sa sobrang saya.

Sa sobrang saya ko kasama ka, hindi ko na namalyang nahulog na pala ako sa'yo.


Hindi ko yun pinansin. Mas pinili kong maging masaya muna, kasama ka yung iba pa nating mga kaibigan. Ayoko munang isipin ang kahihinatnan nito. Pero habang tumatagal, lalong lumalaki yung nararamdaman ko sa'yo. Dumating ako sa puntong hindi ko na maitago kaya nasabi ko sa isa sa mga kaibigan natin.

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero nalaman mo yung tungkol sa nararamdaman ko sa'yo. Nakakalungkot man isipin, pero gaya ng inaasahan, nailang ka. Nanlamig ka. Nanlamig na para bang buhay na yelo.


Maraming nagbago satin.

Yung dating tawanan natin, naging isnaban na. Yung mga problemang dating nagkasama nating pinagluluksaan na nilulutas, ngayon sinosolo na natin. Yung dating tayo (bilang magkaibigan), naging ikaw at ako na lang.

Nakakainis ka rin naman kasi eh! Andami nating pinagsamahan. Andami nating alaala. Dahil lang nararamdaman ko, iatatapon mo lang lahat?

Kaya minsan naitatanong ko: naging mahalaga ba ako sa'yo? Naging bahagi ba talaga ako ng buhay mo? At kahit isang katiting lang, nagkaroon ba ako ng puwang dyan sa puso mo?

Pero alam ko naman, wala na akong magagawa. Nalaman mo na eh.

Hindi ko na maibabalik ang dati.

Hindi na mangyayari ulit yung mga alaala natin.

Hindi na babalik yung mga panahong magkakasama pa tayo.

Wala na akong magagawa kundi alalahanin at balikan na lang sa utak ko yung mga pinagsamahan nating sobrang halaga sakin, na pero sa tingin ko ay wala lang sa'yo.

Ngayon, magkasama pa rin tayo, nagkikita, nagpapasinan, hindi nga lang katulad ng dati, madalas sinasabi sa'yo sa isip ko:


“Ako nga pala yung taong minsang nagpasaya sa'yo, naaalala mo pa ba?”

Naaalala Mo Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon